Florence's POV
Sinubsob ko ang aking mukha sa sobrang inis nang hindi pa rin nagrereply si Max. Isang oras na simula nang magpadala ako ng mensahe ngunit wala pa rin siyang reply.
Nakakainis.
Busy ba siya?
Ano bang pinagkakaabalahan niya?
Mas mahalaga pa sa akin?
Alam kong tapos na ang taping nila kaya bakit ang tagal niyang sumagot?
Huminga muna ako nang malalim bago tiningnan ang phone na hawak ko.
Ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Max. Nitong mga nakaraang araw ay magkaiba ang location ng taping namin.
Nang sabihin ng handler ko na wala akong taping ilang araw ay labis ang aking kasiyahan dahil sa wakas ay makikita at makakasama ko na siya ngunit ang kasiyahan ay hindi nagtagal dahil may trabaho pala si Max. Nagpasya na lang akong umuwi dito kila mama.
Muli kong tiningnan ang phone ko ngunit wala pa rin talagang reply si Max.
Pilit kong kinakalma ang aking sarili. Hindi ito maaari. Nagiging selfish ako. Nagiging makitid ang pag-iisip ko.
Hindi ganito ang tunay na nagmamahal. Masasakal ko siya sa ganitong klaseng pag-iisip.
"Bunso tawag ka ni mama", rinig kong saad ni kuya ngunit hindi pa rin ako bumangon.
"Florence?", tawag nitong muli.
"Bakit?", pasigaw kong sagot.
"Lumabas ka na. Tawag ka ni mama", saad nitong muli.
"Mamaya", naiinis kong tugon.
"Kung hindi ka lalabas, papasok na ako", saad nitong muli kaya hinayaan ko na lamang.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ngunit hindi na ako nagabala pang tumingin. Naramdaman ko na lamang ang pagupo ni kuya sa tabi ko.
"May problema ba? Nagmumukmok ka lang ng ganyan kapag naiinis ka", saad nito.
"Wala naman kuya", labas sa ilong kong tugon.
"Sigurado ka?", pag-uusisa nitong muli.
"Wal- ... Aray", daing ko nang pitikin ako nito sa ulo kaya naman napatingin ako sa kaniya.
"Sasabihin mo o sasabihin mo!?", pagbabanta nito kaya inirapan ko siya.
"Si Max kasi", nakanguso kong sumbong.
"Anong meron kay Max?", nakakunot-noong tanong nito.
"Wala namang problema kay Max, kuya. Sa akin talaga", pagtatapat ko.
"Ano bang ibig mong sabihin? Ang dami mong paligoy-ligoy", saad nito.
"Naiinis kasi ako kapag ang tagal magreply ni Max. Samantalang ako ilang segundo pa lang nagrereply na agad ako dahil ayoko siyang paghintayin at ayokong maramdaman niya na hindi siya mahalaga. Pero huwag ka muna magreact. Alam ko naman na mali ito. Hindi ko dapat maramdaman ito", naiinis kong paliwanag.
"Kung makapagreact akala mo naman jowa. Alam mo naman palang mali e bakit nagmumukmok ka jan? Sad gurl yan?", pang-aasar nito.
"Kuya naman e", naiinis kong wika. Alam na ngang naiinis ako aasarin pa ako. Napaka talaga.
"Hahaha. Joke lang bunso. Alam mo naman pala na hindi ka dapat mainis o magalit kung matagal man siyang magreply e bakit ka naiinis?", nagtataka nitong tanong.
"Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako dahil kahit sinabi kong hindi ko naman hangad na suklian niya ang nararamdaman ko still nasasaktan ako kapag nararamdaman kong balewala lang ako sa kaniya, na hindi ako mahalaga", dire-diretso kong saad.
BINABASA MO ANG
Taking All The Risk
Fanfiction"Love cannot conquer all no matter how hard you try" Ito ang paniniwala ni Maxine Salvador sa buhay. A versatile actress, singer, and a model na labis na kilala sa bansa. Kaya naman takot siyang sumugal sa lahat ng bagay not until dumating sa kaniy...