Florence's POV
Excited na kinuha ko ang phone nang tumunog ito. Ready na ako sa date namin ni Max for the second time. Sana nga lang ay wala ng maging problema.
"Hello Max? Papunta ka na ba?", masayang bungad ko sa linya dahil ayon sa kaniya ay susunduin niya ako.
"F-Florence I'm sorry. I don't think I can go", hirap na sabi nito kaya hindi ko maiwasan makaramdam na naman ng lungkot dahil sa sinabi nito.
"Okay ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo?", nag-aalala kong tanong nang marinig ko ang pag-ubo niya.
"I-I have a mild fever", sagot nito.
"Ano? Sandali. Papunta na ako", saad ko at pinatay na ang tawag.
Kahit hindi ako mahilig magdrive ay ginamit ko ang luma kong sasakyan para puntahan si Max.
Wala pang isang oras nang dumating ako sa bahay nila. Nakailang ring ako ng doorbell nang binuksan ito ng katulong nila.
Pagkatapos magpasalamat ay dumiretso na agad ako sa kwarto ni Max. Nakita ko itong nakahiga habang balot na balot ng kumot ang katawan nito kaya agad ko itong nilapitan at umupo sa tabi niya.
Sinalat ko ang noo niya at medyo mainit nga siya. Naramdaman yata nito ang presensya ko kaya iminulat nito ang mata at humarap sa akin.
"H-Hi? Uminom ka na ng gamot?", saad ko habang tinatanggal ang mga ligaw na buhok nito at pinakatitigan ang mukha nitong maganda pa rin kahit may sakit.
"N-Not yet", paos na sabi nito.
"Bakit hindi ka pa umiinom? Paano ka gagaling niyan? Sandali nga kumain ka na ba?", nagtataka ngunit mahinahon kong tanong dahil halos alas dos na ng hapon.
Umiling naman ito at itinago ang mukha sa kumot.
"Hindi ka pa kumakain. Hindi ka pa umiinom ng gamot. Gusto mo na bang mamatay?", medyo inis na tanong ko.
Ibinaba naman nito ang kumot hanggang sa ilong lang. Kita ko lamang ang kaniyang mapupungay na mga mata. Para siyang pusa na may nagawang kasalanan at nagtatago. Cute.
"Magluluto lang ako ng lugaw para makainom ka ng gamot", saad ko at at tumayo.
Ngunit nang akmang tatayo na ako ay hinawakan niya ang braso ko. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.
"Di ako hungry", parang batang sabi nito.
"Gutom ka man o hindi kailangan mong kumain dahil iinom ka ng gamot", seryoso kong tugon. Ayokong magpadala sa maamo niyang mukha.
"O-Okay. But don't leave me", paglalambing nito sabay hawak sa baywang ko kaya naman ang puso ko ay para na namang mga asong nakawala sa hawla. Nyeta.
"M-Max magluluto lang ako. K-Kailangan mong kumain", nauutal kong saad at pilit na tinatanggal ang kamay niya.
"But I wanna be with you", namumungay ang mga matang sabi nito.
Tangina ganito ba siya kapag may sakit?
Bakit ang lambing po niya?
Ayokong magkasala.
Ayokong hilingin na lagi siyang may sakit para clingy siya sa akin.
Nasaan na ang masungit na Maxine Salvador?
Utang na loob! Pakilabas!!
"G-Gusto mo bang sumama sa k-kusina?", nag-aalangan kong tanong nang mapansin na ayaw ako nitong pakawalan.
"Yes po", nakangiting sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.
Hindi makapaniwalang hinawakan ko ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Taking All The Risk
Fanfiction"Love cannot conquer all no matter how hard you try" Ito ang paniniwala ni Maxine Salvador sa buhay. A versatile actress, singer, and a model na labis na kilala sa bansa. Kaya naman takot siyang sumugal sa lahat ng bagay not until dumating sa kaniy...