Summer's and Winter's pic on the media
Chapter 7
"Yes. I just got home. Nothing to worry about," sagot ko kay Selena. Tumawag sya sa kin saktong kapapasok ko lang sa bahay
"I saw him coming after you. Naabutan ka ba nya?" Nag-aalalang tanong nito.
"Yes. He wants us to talk,"
"Ano sagot mo?"
"We have nothing to talk about," sagot ko. Eh un naman ung sinabi ko talaga eh.
Napabuntong hininga si Selena sa kabilang linya.
Umupo ako sa sala dahil para akong nanghihina. Years of being a model, ngayon lang ako napagod nang ganito. At alam kong dahil sa kanya un. Seeing him again is a great stressor.
"Paige, we both know na meron. Sooner or later, kailangan nyong mag-usap," sabi nito maya-maya.
"As much as I'm concerned, wala na dapat kaming pag-usapan," matigas na sabi ko.
"You can't hide from him forever. Mas mabuting ngayon pa lang mag-usap na kayo. I didn't reach this age for nothing. Been there, done that. There are things that should be discuss earlier," pangangaral nya sa kin.
"I don't know if I can face him again. It's too early to discuss that. I'm still in shock with his sudden appearance," helpless na sabi ko.
After all these years, nasanay na ko sa sakit na nararamdaman ko tuwing iniisip ko sya. Ung experience na yun ang nagturo sa kin na may mga bagay talaga sa mundo na kahit anong gawin mo, hindi mo makukuha. Un ung panahong pati sarili ko, kinalimutan ko para lang sa lintik na love na yan. Pati self-identity ko nawala."Paige, are you still there?" untag ni Selena.
"Yes. I'm sorry,"
"I think you should rest. Bye for now. Good night, dear. Just keep in mind that I'm a phone call away,"
"Thank you, Selena. You've been my bestfriend since I started being a model again. Hindi ko alam mangyayari sa kin kung wala ka," sincere na sabi ko sa kanya. Since I left for States, nawala na rin ung communication ko sa mga taong nandun except for Elenny. Pero mahigpit ang bilin ko sa kanya na dapat walang makaalam nito kaya halos hindi rin kami nagkikita. Kaya thankful talaga akong nandyan si Selena.
"No worries, dear. You're like a little sister to me kaya bago pa tayo magkaiyakan, sleep na ha?"
"Okay. You, too," sabi ko bago ko binaba ang phone.
Umakyat ako sa kwarto at nagshower pagkatapos binuksan ko ung connecting door sa kwarto ko papunta sa kabilang kwarto.
Nilapitan ko sina Summer at Winter na kasalukuyang natutulog na. Magkatabi pa rin silang natutulog dahil na rin sa kagustuhan nila. They are so attached with each other dahil sa....I shook my head to clear those painful memories.
Bakit ba puro painful memories ang naaalala ko ngayon?
Salitang hinaplos ko ang buhok nina Summer at Winter.
"Babies, I've seen your dad earlier. He's still the same, handsome as ever. Masakit pa rin pala. Akala ko nagawa ko nang makalimutan ung sakit. Hindi pa pala. Natatakot ako kasi baka pag nalaman nya na nandyan kayo, pati kayo mawala sa kin. I can't bear losing someone AGAIN. You've been my strength since I've known your existance. Those dark moments of my life, you've become my light and my life," naluluhang pagkausap ko sa kanila.
Yes, we had children. Nung panahong nagkahiwalay kami, akala ko hindi ko na kaya pang mabuhay ulit dahil sa sakit. Halos pabayaan ko ang sarili ko, halos hindi kumakain at laging nakatulala. Until my mom, called me.
BINABASA MO ANG
Getting on my Pants
General FictionHe always finds a way on how to get into my pants. This is a story that can trigger different emotions... ^___^ Warning : Some parts of this story is not suitable for young readers... One more thing, prepare for surprises... ^___^