Chapter 36
>>>Aidan's POV
Nakangiti lang ako habang nakatingin sa mag-iina ko na masayang nagtatakbuhan sa garden. Nandito kami sa bahay nina Mommy dahil ayaw nila pumayag na magstay kami sa bahay nina Paige. Gusto daw kasi nyang makasama ang mga apo at anak nya, which is Paige. Talagang anak na ang turing nya kay Paige.
"Daddy, sali ka sa 'min,"sigaw ni Summer habang tumatakbo para habulin si Paige at si Winter. Hindi ako nakasali dahil nahuli ako nang gising.
"Daddy, gusto lang po nyang wag sya ang taya,"pang-aasar ni Winter na tinawanan naming lahat. Nabuburot na kasi si Summer. Kanina pa kasi sya taya pero hanggang ngayon, hindi pa rin nya natataya ang ina at kapatid.
"Shut up,"asik ni Summer kay Winter.
Tawa kami nang tawa ni Paige sa asaran ng mga bata.Lumapit si Summer sa kin.
"Daddy, help me with this. Please, pretty pretty please?"pakiusap nya sa kin na may puppy eyes pa.
My princess is really a charmer. I guess no one can resist her and that includes me.
"Okay, princess,"sabi ko at ginulo ung buhok nya. Gusto ko rin namang silang makalaro eh.
"Yehey! Taya na si Daddy,"masayang sigaw ni Summer at tumakbo palayo sa kin.
"Ready, my babies?"malawak ang ngiting sabi ko. Sinimulan ko na rin silang habulin.
Tatayain ko na dapat si Winter nang sumigaw si Summer. "Daddy, si Mommy po dapat. Madaya sya, hindi sya natataya,"
Bumaling ako sa Paige na medyo malayo sa kanya. Nginisian nya ko.
"Baby, did you hear our kids?"nakangisi ko ring sabi sa kanya.
"Wag kang madaya. Dapat fair,"sita nya sa kin na nakapameywang pa.
"It's my own choice. I want to chase you, baby,"nakakaloko kong sabi at nagsimula nang lumapit sa kanya.
Kasabay ng tili nya, tumakbo sya habang tumatawa naman ung mga anak namin.
"Go Daddy. Hulihin mo si Mommy,"sigaw ni Summer na pumapalakpak pa.
"Ang daya nyong mag-aama,"sigaw ni Paige habang tumatakbo palayo sa 'kin.
>>>Paige's POV
"Ang daya nyong mag-aama,"sigaw ko sa kanila.
Etong mag-aama ko, pinagkakaisahan ako. Bakit kailangang ako ang tayain? Pagod na kaya ako.
"Baby, nandyan na ko,"tumatawang sabi ni Aidan sa kin.
Ung mga anak namin, tawa lang nang tawa sa isang gilid. Hindi na sila natakbo dahil ako lang naman ang target ng pasaway nilang ama.
Tumakbo ulit ako nang malapit na sya sa kin. Nagpaikot-ikot kami sa garden."Ayoko na. Pagod na ko,"hinihingal na sabi ko.
"Mommy, ang daya mo. Hindi ka pa naman natataya eh,"reklamo ni Summer. Aba't kanina pa atribida 'tong baby namin ah.
Tumakbo na naman si Aidan papunta sa kin. At dahil pagod na ko, nahuli nya ako at hinapit sa bewang.
"Got you, babe,"natatawang sabi nya.
Hinampas ko sya sa dibdib at sinimangutan.Napagod kasi ako. "Don't you think it's a bit unfair?"nakaingos kong sabi.
Nagulat ako nang walang babalang kinintilan nya ko ng halik sa labi. "No. Ikaw lang naman ang gusto kong habulin, baby. I love you so much,"
BINABASA MO ANG
Getting on my Pants
General FictionHe always finds a way on how to get into my pants. This is a story that can trigger different emotions... ^___^ Warning : Some parts of this story is not suitable for young readers... One more thing, prepare for surprises... ^___^