GOMP 37 - Family Bonding and Hot Seat

12.8K 212 3
                                    

Chapter 37

"Summer! Winter! Slow down. Baka madapa kayo,"sigaw ni Aidan sa kanila pagdating namin sa parking lot sa mall. Pagkababa kasi ng sasakyan, tumakbo na agad sila sa entrance ng mall.

"Sorry, Dad,"nakangiting sabi ni Summer.

Halatang excited ang dalawa. Bihira na kasi kami pumuntang mall simula nung naging model ako dahil baka may makakilala sa 'kin.
Bumalik sina Summer at Winter sa tabi namin ni Aidan. Humawak sila sa magkabilang kamay namin. Si Summer, kay Aidan humawak at si Winter naman sa kin. Pinagsiklop naman ni Aidan ung kamay naming dalawa.

"Perfect,"natutuwang sabi ni Summer.

"Tara na po. Excited na kami,"sabi naman ni Winter.

Magkakahawak ang kamay naming tinungo ang mall.

"Dad, can I have a new Barbie?"hiling ni Summer kay Aidan. Nadaanan kasi namin ung toy store.

"Baby, hindi ba marami ka nang Barbie sa bahay?"singit ko sa kanila. Masyado nang maraming laruan kasi silang dalawa. Ayaw ko namang maspoil sila masyado. I want them to know their limits. Ang isang bata daw kasi na laging pinagbibigyan, nagiging matigas ang ulo.

"Mom, just this one, please. I don't have this model eh,"pakiusap nya sa kin na parang nagtwitwinkle pa ung mata.

"No, baby,"

"Daddy,"nakapout na sabi ni Summer kay Aidan.

Kinarga ni Aidan si Summer at inakbayan ako.
"Baby, isa lang naman. Hayaan mo na. Besides, I wasn't able to buy her a Barbie,"pakiusap sa kin ni Aidan. Naguilty naman ako. Kasi tama sya, ipinagkait ko un sa kanya.

"Sige na po, Mommy. I'll be extra behave. I will let you and Dad kiss whenever you want,"seryosong sabi nya.

Napahalakhak naman si Aidan sa sinabi ng anak namin. Bakit kailangan pang isama ang kiss?

"Baby, say yes. You'll like it,"pilyong sabi sa 'kin ni Aidan at kumindat pa.

"Fine. Buy anything you want. Pero, isa lang ha?"sumusukong sabi ko kay Summer. "At ikaw, ang halay mo,"baling ko naman kay Aidan habang namumula ang mukha.

"Yes!"hiyaw ni Summer at dali-daling bumaba sa bisig ni Aidan para kumuha ng laruan. Sinundan naman sya ni Aidan.

"Ikaw, baby? Ano gusto mo?"tanong ko kay Winter. Naiwan kasi kami sa may labas ng toy store.

"Mom, can I have a bike?"nanantyang tanong nya. Nakatingin sya sa nakadisplay na mga bike, Dati pa syang humihiling sa kin nun pero hindi ko mapagbigyan. Baka kasi mapahamak sya. Isa pa, walang aalalay sa kanya.

"Baby, baka masugatan ka lang dyan. Pwede bang iba na lang? Anything you want wag lang yang bike. Baka bigla akong atakihin kapag napano ka dyan,"nag-aalalang sabi ko. I know I'm being too protective but I can't help it. Pag nasasaktan kasi ang mga anak ko, parang ako ung mas nasasaktan.

"I'll be very careful po. Please, Mommy?"pakiusap nya. Bihirang makiusap si Winter kaya medyo nabaghan ung loob ko. Alam kasi nya kung kelan talaga bawal kaya hindi na sya nagpupumilit pa, except ngayon. Gustong-gusto nya ata talaga.

"Pero, baby,"

"Let him have his bike. Ako ang magtuturo sa kanya at hindi ko sya hahayaang masaktan,"sabi ni Aidan na hindi ko napansing nakabalik na pala.

"Pero--"tanggi ko pa rin.

"Trust me on this, baby,"masuyong sabi nya.

"Fine. Pero pag nasugatan lang yang anak natin, labas kwarto ka ha?"

Getting on my PantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon