GOMP 44 - Five Years Ago

11.2K 170 6
                                    

Chapter 44

5 years ago...

"Girl, sige na phuleezzz. Pumayag ka na. In return, I'll be you're assistant, make-up artist, muchacha, shoulder to cry on, labandera, plantsadora, lahat-lahat na kahit alilain mo pa ang beauty ko, wit akong kokontra,"todong pakiusap sa 'kin ni Rome na gustong maging Juliet. Romeo tunay nyang pangalan. Nakikiusap sya sa 'king magpanggap na kasintahan nya. Ang pamilya kasi nya ang may-ari ng resort kung saan ginaganap ung photoshoot namin. Gusto lang nyang wag magduda ung parents nya na berde talaga ang dugo nya.

He's a closet gay. Hindi makapagladlad dahil pawang mga miyembro ng militar ang karamihan ng mga lalaki sa pamilya nila. Kung hindi man, mga sikat ding mga modelo, bruskong-brusko talaga.

Nakilala si Rome nung nagsisimula pa lang ako sa pagmomodelo. Sya kasi ang unang naging partner ko. Doon pa lang, alam ko nang closet gay sya. Pero kapag hindi mo talaga sya kilala, mabubuhay talaga ang katawang-lupa at malalaglag ang panty kung sino man ang makakakita sa kanya. He's gorgeous and he has a body to die for. Matangkad din sya at may sinasabi sa buhay.

"Isa pa, hindi naman kita ipapakilala talaga sa kanila eh. Waley ang pudra at mudra ko ditey pero ang uber so gwapo kong kapatid, masasight ang lahat ng itey. Need mo lang naman mag-go with the flow na drama,"patuloy nyang bargain at lumuhod pa sa tabi ko. Nakaupo kasi ako sa may sofa habang nanonood ng tv at kumakain ng Lays.
Nandito kasi kami sa cottage ko. Kakarating lang namin kanina dito.

"A-yo-ko,"mariing tanggi ko. Hindi kasi ako magaling umarte. "Baka i-take advantage mo pa ako,"nakangisi kong dagdag.

Nanlaki ang mata nya at sinapo ang dibdib. Pagkatapos, nilayuan nya ako. "Ako pa? Ako pa talaga? Hindi ka na nadiri sa pinagsasabi mo. For the nth time, I'm a real goddess and I don't encourage same sex relationship. Babae ako, babae ka. Kadiri. Ughhh!!!"

Binato ko sya ng chips na kinakain ko habang tawa nang tawa.

"Ginawa mo pa kong basurahan. Pumayag ka na kasi. One time bigtime acting lang naman eh. Kung bakit kasi nandito ang kuya kong militar. Nakakatakot. Feel ko anumang oras, itatakwil ang kagandahan ko. Sayang naman ang beauty ko kung mamamatay akong virgin,"

"Oo na. Magtigil ka lang dyan. Fever kang loka ka,"pagpayag ko. Alam ko naman kasing hindi nya ko titigilan eh.

Tumili sya nang ipit at niyakap ako. "Sabi na nga mahal na mahal mo ako eh. Parang gusto kitang i-kiss ngayon kahit tinawag mo kong fever,"

Fever means feeling virgin. Sa kanya ko rin natutunan yun.

"Sige. Sa lips ha?"hamon ko sa kanya.

***

"Paige, look at the other side as if you're oblivious of Rome. Rome, stand behind Paige and look at her as if you're so in love with her,"sigaw nung photographer. Ginawa naman namin agad ung utos nya.

Nakasuot ako ng two-piece na red kaya lutang ang kaputian ko. Pero may patong na manipis na tela. Rome's wearing just only a board shorts, revealing his perfect torso.

Pagkatapos ng photoshoot, naglakad-lakad muna ako. I really love being in a beach. Nakakawala ng problema. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang balikan ang mga nangyari nitong mga nakaraang mga buwan. Kasabay nun, kusang gumihit ang ngiti sa mga labi ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

Mali man kung saan nag-umpisa ang relasyon namin ni Aidan, alam ko at nararamdaman kong unti-unti na kong nakakapasok sa puso nya. Every moments we're spending together were the most happiest moments of my life. Hindi ko na rin nakikitang nalulungkot si Aidan. Nakikita ko kung gano sya kasaya kasama ako. Sa kama man kami nagsimula, wala na kong pakialam. Ang alam ko lang, gusto kong sa harap ng altar, sya rin ang kasama ko. Hinihintay ko na lang talaga ang tamang panahon para aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Wala akong pakialam kahit ako ang unang magsabi dahil ako rin naman ang unang nagmahal eh.

Getting on my PantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon