Paige's picture on the right side. :)
Chapter 1
"Paige, time for the last walk in 10 seconds,"utos ng baklang floor manager sa 'kin. I am now a model for an international lingerie. One year na akong model dito.
Once a year lang ginaganap ung fashion show ng naturang brand pero glamorous ito. Maraming celebrity and socialites ang nag-aabang sa taunang fashion show na ito.
Sya ang last walk bago ipakilala ang designer ng mga naggagandahang lingerie.
It's a great honor dahil ako ang pinili ng mismong designer na maglast walk kahit na marami ring naggagandahang mga models ang naturang brand. Ang last walk kasi ang pinakasignificant walk. Dito rin pinapakita ang pinakamaganda sa lahat ng collection.
"5,4,3,2,1... Go, Paige. Good luck," muling utos ng floor
Nakangiting lumabas ako sa stage. I'm wearing a 2-piece black lingerie na sexy ang cut.T-back ang thongs na suot ko. May gwantes din black at boots na black na abot hanggang kalahati ng hita ko. At sa magkabilang balikat ko, may parang wings na made of feathers. I'm like a little temptress, ready to seduce any man.
I confidently and gracefully walked while smiling.
I can see the envious glare among the women and the desire among men. Pero sanay na sya dun. Every time I'm on a catwalk, ung mga ganung tingin ang nakukuha ko.
I stopped at the end of the catwalk to make a seductive post.
But, someone caught my eyes among the audience.
There, comfortably sitting while watching, the man who hurt me. Ang lalaking hanggang ngayon, may malaking parte pa rin ng pagkatao ko.
Anong ginagawa nito sa isang fashion show?
Nakita ko ring nagulat sya.
Bumalik ang sakit na pumupuno sa pagkatao ko. Nandun na naman ung libo-libong aspile na tumutusok sa puso ko.
Akala ko pag nagkita sila, mawawala ang sakit. Akala lang pala.
I tried my best to smile and turn my back on the audience.
Nakahinga ako maluwag nang sa wakas makarating ako ng backstage.
"You really did great as usual, Paige," nakangiting bati sa akin ng floor manager habang nilalagay sa balikat ko ang isang robe.
Nagcongratulate rin ang kapwa ko model at ibang mga staffs and crew. Pati ang mga designers, natutuwang yumakap sa kin.
"The Virgin Temptress made all the men feel hot again," simpleng tuya sa kin ng kasamahan kong model na si Erin. She's a Brazilian supermodel. Dati, sya ang naglalast walk. Masama ang loob nya na hindi sya ang naglask walk ngayong taon.
Binansagan akong The Virgin Temptress ng media dahil daw ang inosente ng mukha ko. Pero simpleng seductive smile lang, lahat ng lalaki, maaakit ko at napapaibig kung gugustuhin nya.
Sana nga totoo ito. First, I'm not a virgin anymore. Second, hindi lahat ng lalaki, kaya kong mapaibig.
"Thank you, Erin," nakangiting sabi ko kay Erin bago tumalikod. Alam na ko kung pano pakibagayan ito. Pag nginingitian ito, lalo itong naaasar. Erin's a primadonna kaya maraming naaasar na models and crew dito. May nakapagsabi pa na isa ito sa dahilan kung bakit hindi ito ang nakuha para sa last walk. Umakyat na kasi ang kasikatan sa ulo nito.
"Paige, you'll have to attend the after-party. I won't take no for an answer," nakangiting banta sa kin ni Selena, the successful designer of the show nang lapitan nya nito sa dressing room. Naging kaibigan ko na sya. Selena's around 30 years old. She's half-Pilipino kaya mas naging close din sila. Ito ang pumuli sa kin para sa last walk. Nung una, ayaw kong pumayag. Pero napahinuhod rin ako. She's really persistent.
"Anong gagawin mo kung "No" nga?" nakangiting tanong ko sa kanya. Hindi kasi ako pumupunta talaga sa mga party ng mga fashion show.
"First, I know your secret. Second, pwede naman kitang ipakaladkad eh," pilyang sabi nya.
"That's blackmail, Selena," kunwa nagtatampong sabi ko. Si Selena rin ang tinuturing kong bestfriend ngayon. Alam nya ang lahat ng sekreto ko. Pero alam ko namang hindi nya iyon sasabihin.
"I know. Kaya dapat sumama ka na," pangungulit nya.
"Fine, fine. I'll go. Pero, saglit lang ha?" pagpayag ko.
Natatawang niyakap nya ako.
Ito ang dahilan kaya ako napapaissue eh. Masyadong affectionate si Selena sa akin. Sumisipsip daw kasi ako kay Selena.
"Alright. Sabay na tayo pumunta. I'll wait for you outside," sabi nya sabay labas ng room.
"The Virgin Temptress really got a connection," pagpapasaring ni Erin.
Hindi ko na lang sya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagbibihis at pagbawas ng make-up.
***
"Hindi ako nagkamali sa pagpili sa 'yo para sa last walk. Ang dami mo na namang naakit," sabi ni Selena sa kin nung nasa party na kami. Kakarating lang namin. Magkasama kami sa isang table. Sa isang bar ginanap ang after party.
"Thanks for choosing me,"
Maraming models and media ang nandito.
Maraming bumabati sa kanila at nagcocongratulate.
Eto ang ayaw ko sa party eh. Ayaw kong makipagplastikan sa iba. Ung iba kasi, pasimple akong tinutuya. Hindi ko lang pinapatulan.
Isa pa, may inaalala rin ako na naiwan sa bahay. And I missed them. Mas gusto ko pang gugulin ang libreng oras sa bahay kesa sa mga ganitong party. Kung hindi lang ako nahihiya kay Selena, hindi ako pupunta dito.
Napatingin ako sa pintuan, biglang nyang napigil ang hininga dahil sa nakita.
Sinusundan ba ako nito? tanong ko sa isip.
>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^____^
BINABASA MO ANG
Getting on my Pants
General FictionHe always finds a way on how to get into my pants. This is a story that can trigger different emotions... ^___^ Warning : Some parts of this story is not suitable for young readers... One more thing, prepare for surprises... ^___^