GOMP 50 - A Week

10.4K 237 9
                                    

Chapter 50

>>>Aidan's POV

Nakatingin lang ako kina Summer at Winter habang nakikipaglaro kay Aki sa garden. They are playing hide and seek. Kanina pa sila naglalaro. Una, naghahabulan sila pero napagod si Summer kaya nagyaya syang maghide and seek. I'm glad they are choosing outdoor games instead of playing computer games like kids do nowadays. Lagi silang magkakalarong tatlo.

"Kuya! Dun ka lang sa madali hanapin maghide ha?"sabi ni Summer kay Winter. Sya kasi ung taya. "Doon sa likod ng favorite flowers ni GrandMom,"

"It's not hide and seek if I let you see me easily,"sagot naman ni Winter.

"Basta. Ayoko laging taya,"nakasimangot na sabi ni Summer. Kanina pa kasi sya laging taya. Inaasar na nga syang burot kanina ni Winter eh. I don't know where he got that word. Lumaki kasi sila sa ibang bansa kaya nagtaka ako. But Winter is smart. Maybe he read it somewhere.

"Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo na ako taya. Ikaw ang ayaw,"sabi ni Winter.

"It's not a game anymore if I let you take my place,"katwiran naman ni Summer.

"Pero ganun din naman ung gusto mong ipagawa eh,"reklamo ni Winter sa kapatid.

"Ahhh. Basta. It's not the same. And hide now because I'll start the counting. Remember, Kuya, you love me,"malawak ang ngiting sabi ni Summer.

Napangiti ako sa usapan nilang magkapatid. Summer uses her charm on Winter and he can't resist it, always. Nakita kong dun sya nagtago sa sinabi ni Summer. Si Aki, kanina pa nagtago.

It's been a week since Paige left. Every day is a pure torture because I miss her so much. I want her to be in my arms always. I want to kiss her and make love to her. But I guess, she was really right. After she left, I began thinking all the things happened to us. Kung nagtanong lang ako sa kanya kung bakit bigla na lang nya pinutol ung relasyon namin dati, kung nagtanong lang ako kung sino ung lalaking iyon, hindi na sana kailangan pang humantong kami sa ganito. At isa sa pinakapinagsisihan ko ay hindi ko sinabi kung gano ko sya kamahal. We cannot undo the past but what we can do is contemplate on that mistakes so that we can be stronger in the future. I love her too much and I want her in my life.

Tumatakbong lumapit sa 'kin si Summer. Nakasunod sa kanya si Winter. Si Aki naman, nakita kong pumasok na sa loob ng bahay. Mukhang tapos na ung laro nila.

"Daddy! Karga!"sabi ni Summer.

Agad ko naman syang kinarga. Gustong-gusto magpakarga lagi ni Summer sa 'kin.

Agad naman nya akong hinalikan sa pisngi. "I love you, Daddy,"

"I love you, too, princess,"nakangiting sabi ko sa kanya. It never failed to make me feel happy. Summer is always sweet. I think she's becoming a Daddy's girl and I didn't intend to complain about it because I love spoiling her.

"Daddy, let's call Mommy. Namimiss ko na po sya,"sabi ni Winter na hinila ung laylayan ng damit ko.

Everyday, tumatawag si Paige o kaya ang mga bata para magkamustahan. Hindi ako nagtangkang kausapan sya kahit minsan. I might crazily buy a ticket to US if I hear her voice or even use our company plane just to get to her.

"Okay. We'll just get my phone,"sabi ko sa kanya.

Habang karga ko si Summer, nakahawak naman sa kamay ko si Winter. Ang dami na naming napuntahan sa isang linggong magkasama kaming tatlo. Minsan, kasama sina Mommy o kaya sina Kuya. But most of the time, kaming tatlo lang. We are making up for all those times na hindi magkakasama. I'm just hoping that Paige is with us.

Naiwan ko sa kwarto ung phone ko kaya dun kami pumunta.

I called Paige's roaming number.

Subscriber cannot be reached. Please try again later.

I tried calling her again but I still can't contact her.

"Daddy?"nagtatakang tanong ni Winter sa 'kin pagkababa ko nung phone. Si Summer, nakatingin lang din sa 'kin.

"I can't contact your Mom. Perhaps she's busy. We'll try calling her later, okay?"sabi ko sa kanila pero nagsisimula na akong kabahan. This is the first time it happened. Gabi sa US ngayon kaya imposibleng may ginagawa si Paige. She's settling her case in mornings. Usually, nagpapahinga lang sya kapag gabi. And according to River, they almost settled it.

"But Mom told me yesterday she'll expect our call at this hour. Try calling her again, Daddy,"pangungulit ni Summer.

Binundol lalo ng kaba ung dibdib ko pero pinili kong kumbinsihin ang sarili ko na walang nangyari kay Paige. "Okay,"

Nung idadial ko na ung number ni Paige, biglang tumunog ung phone ko.

Si River ang nasa kabilang linya.

"Hello,"

"Get your ass of here, Aldeguer. Paige needs you,"sabi nya sa 'kin.

Bago pa ko makasagot, binaba na nya ung tawag. Doon naman pumasok sa kwarto si Mommy.

"Aidan, isinugod sa ospital si Paige,"nag-aalalang sabi nya sa 'kin.

"Daddy!"umiiyak na yumakap sa 'kin si Summer. Si Winter, umiiyak na din.

I called my secretary. "Get the plane ready as soon as possible,"

Pagkatapos kong ayusin ung sa secretary ko, hinarap ko ung mga anak ko. Pinipilit kong magpakatatag para sa mga anak ko kahit na nahihirapan ako. I'm worried about Paige, terribly. I can't stop the trembling of my hands thinking of what is the condition of Paige right now.

"We'll go to your Mommy. She's brave and I know she'll be okay,"sabi ko kina Summer.

Yumakap sa 'kin ung dalawa. "Don't cry, Summer. Mommy won't like it,"sabi ni Winter.

"You're also crying, kuya. I'll stop if you'll stop crying,"sabi naman ni Summer na sumisinghot pa.

"Your Dad and I will handle things here,"sabi ni Mommy. "Make sure Paige is okay and please call us,"

Mom really treat Paige as her own. And I'm thankful to have them as parents.

But for now, Paige needs me, needs us.

>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^

Getting on my PantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon