GOMP 18 - Peace be with you

11.9K 206 3
                                    

Chapter 18

"Tay, pagkatapos po nating magsimba, uuwi na rin po tayo agad,"sabi ko kay Tatay Gener nang puntahan ko sya sa garahe.

"Bakit tayo uuwi agad? Hindi ba natin sya pupuntahan?"

"Kasama po kasi si Aidan magsimba,"
Umuwi muna si Aidan sa tinitirhan nito para magpalit ng damit. Sasama daw kasi sya sa pagsimba. Hiniling kasi ni Summer kanina habang kumakain kami ng almusal. Dapat kotse na nya gagamitin namin pero dahil sasama ring magsimba sina Nanay at Tatay, nagprisinta na si Tatay na magdrive.

"Kelan mo balak sabihin sa kanya?"

"Hindi ko po alam. Hindi ko alam kung kaya kong sabihin sa kanya ang tungkol kay Autumn. Alam kong sisihin nya ako at ang sarili nya pag nalaman nya,"malungkot na sabi ko.

"Anak, may mga bagay na nangyayari na hindi natin kontrolado. Tanging ang Diyos lang ang may alam kung bakit ito nangyari. Hindi tamang sisihin mo ang sarili mo sa isang bagay na alam nating lahat na wala kang kasalanan at hindi mo iyon ginusto. At hindi rin tamang ilihim mo ito kay Aidan. Marami na kayong inilihim sa isa't isa at marami na rin kayong mga bagay na hindi napagkasunduan dahil hindi kayo naging bukas sa isa't isa," mahabang litanya ni Tatay Gener. Mataman din syang nakatingin sa kin.

"Ano pong ibig nyong sabihin tungkol sa pagiging bukas sa isa't isa?"tanong ko dahil parang may gustong sabihin si Tatay dun sa huli nyang sinabi. Hindi ko lang matukoy kung ano.

"Wala naman. Ang gusto ko lang ay mag-usap kayo tungkol sa problema nyo sa isa't isa. Baka pagkatapos nun, magiging masaya ka at ang mga bata nang tuluyan,"masuyong sabi sa kin ni Tatay pagkatapos tinapik ako sa balikat.
Bago pa ko makapagtanong ulit, tumalikod na sya at pumasok sa bahay.

Anong ibig nyang sabihin na sasaya nang tuluyan pag kinausap ko si Aidan?

***

"Summer, Winter, can you do me a favor?"hiling ko sa mga anak ko. Nandito kami sa kwarto nila at tinutulungan ko silang magbihis.

"What is it, Mom?"tanong ni Summer.

"Pwede bang wag nyo munang sabihin sa daddy nyo ang tungkol kay Autumn?"

"Bakit po? Hindi po ba bawal magsinungaling?"inosenteng tanong ni Summer.

"Baby, you said before that keeping a secret differs from telling a lie, right?"seryosong sabi ko. Tumango lang si Summer.

"Mom, you're right but Dad has right to know,"protesta ni Winter.

"I'll tell him eventually, don't worry. But for now, I can't. Can you trust me on this?"

"Okay po,"sagot ni Summer. Si Winter, tumango lang. Sa tingin ko, against sya dun pero gagawin nya para sa kin.

Medyo nakahinga ako ng maluwag. Hindi naman sa gusto kong ilihim pero hindi ko lang alam kung pano sasabihin. Talking out about Autumn will just add salt to my open wound.

***

"Let us offer the sign of peace,"

"Peace be with you,"

"Peace be with you, Mom,"sabi nina Summer at Winter at humalik sa kin. Pagkatapos, tumingin ako kina Tatay at Nanay para bumati. Then, I looked at Aidan. Saktong nakatingin rin pala sya sa kin. Tanging sina Winter at Summer na lang ung nasa pagitan namin. Kanina nga, gusto pa ng mga bata na kami ang tabi buti na lang, di nila pinilit.

Bago pa ko makapagdesisyon kung ano gagawin, tinanguan na nya ako at ibinalik ang tingin sa unahan.

'Peace be with you, huh?' Tuya ko sa isip ko.
Natapos ang misa na sa buong durasyon, kinakabahan ako.

"Mom, Dad's asking us for lunch somewhere. Pwede po ba?" nag-eexpect na tanong ni Summer pagkalabas namin ng simbahan. Sina Tatay Gener at Nanay Lita, kanina pa nasa sasakyan. Nahuli kaming apat dahil nagbless pa ang mga bata kay Father. Sa kin nakahawak ung kamay ni Winter, tapos nakahawak sya kay Summer, then si Summer, nakahawak kay Aidan.

Usually, hindi ako napunta sa public places pag kasama ko ang mga anak ko kaya tinatanong ako ni Summer kung pwedeng maglunch sa labas. Nag-iingat lang ako sa mga paparazzi. Kahit na nakadisguise ako, baka kasi may makakilala pa rin sa kin.

"Baby,----"I said but Winter's pleading voice, cut me off.

"Mom, please,"pamimilit ni Winter.
Napabuntong hininga ako. Gusto ko silang pagbigyan pero hindi ako pwede.

Tumigil kami sa paglalakad nang malapit na kami sa sasakyan.

"You can go with your Dad but I can't accompany you,"sagot ko sa kanila.

"Mom, gusto po namin, kasama ka,"nakalabing sabi ni Summer. Si Winter, halatang umaasa din na umoo ako.

Arghhh! I really hate seeing my kids with these expressions.

"I'm really sorry, babies. I have to see Tito River. We have some catching up to do. I'll make it up to you next time. Isa pa, time nyo magbonding ng daddy nyo. Ayaw nyo ba yun?"tanong ko sa kanilang dalawa.

"Gusto po. Pero gusto naming kasama ka,"malungkot na sabi ni Summer.

"Hindi po ba, pwedeng next time na lang ung lakad nyo ni Tito River?"Winter asked.
Gustuhin ko man, hindi talaga pwede. May kasalanan ako kay River kaya kailangan kong bumawi.

"I'm really sorry, baby. Pero hindi pwede eh," sabi ko na lang.

"But, Mom---" pagprotesta ni Summer pero pinigilan na sya ni Aidan.

"Kids, your Mom has another appointment and she already said you can go with me. Wag nyo na syang pilitin kung ayaw nya,"saway ni Aidan sa mga bata.

Appointment? Kelan pa naging appointment ang tawag sa pakikipagkita sa boyfriend mo?

"Okay po, Dad,"sabay na sabi ng mga bata at humarap sa kin,"Sorry Mom,"

"Dad's right. Please say our regards to Tito River,"---Winter

"And Mom, kiss Tito River for us," ---Summer.

"Sure. Thank you, babies,"sabi ko sa kanila. Ni hindi ko tinignan si Aidan. Bahala sya sa buhay nya.

Pagkatapos kong magbilin at magpaalam sa kanila (pwera kay Aidan), umalis na rin ako para pumunta sa bahay ni River. Pero dumaan muna ako sa kilalang restaurant para bumili ng pagkain naming dalawa. Bumili na rin ako ng cake as peace offering. Hindi na kasi ako nakagawa dahil walang time at magulo ang utak ko kagabi. Isa pa, kung gagawa ako, madedelay lang ung pakikipagbati ko sa kanya. At ayoko naman nun.

Pagkarating ko sa bahay nya, nagdoorbell ako. Pero hindi agad binuksan.

Nakailang ulit ako nang narinig ko ung boses nya.

"Wait,"

Pagbukas nya ng pinto, bumungad sa kin ang itsura nya, messy hair, nakakangalumata, amoy-alak. Naguilty na naman ako dahil ako may kagagawan nito.

I hugged him tight and said,"Sorry, babe,"


>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^

Getting on my PantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon