GOMP 10 - Careless

15.2K 250 2
                                    

Elenny's picture on the media

Chapter 10

>>>Elenny's POV

"Bruu, I told you to please be careful," exasperated na sabi ni Paige sa kabilang linya.
I guilty bit my lower lip. Hindi ko rin naman ginusto eh. Aksidente lang ang lahat kung bakit nalaman ni kuya Aidan ang tungkol kina Summer eh.

***Start of Flashback***

Pauwi pa lang ako ngayon galing sa boutique ko. 10pm na ngayon. Located sya sa isang sikat na mall sa Makati. Usually, mga elite personalities ang bumibili ng creations ko. We have formal to casual dresses for women of all ages. I started this business a year ago when I finally decided to leave the company. Nanghiram ako ng dagdag puhunan kay Kuya.
Sa bahay pa rin ng parents ko ako nakatira kahit na may sarili akong condo unit. Palibhasa kasi bunso, ayaw nina Mommy na lumipat akong tuluyan. Lumipat na din kasi si kuya sa sarili nyang pad.

Napasulyap ako sa backseat ng kotse ko bago ko pinaandar ung kotse. Nandun kasi ung regalo ko para sa godchildren ko, Summer and Winter. Pupuntahan ko kasi sila sa States next month for their 4th birthday. Kanina ko lang natapos ung damit para sa kanila. I personally made those clothes, from choosing the right type of cloth to sewing. Sabi nga nila, pinakamagandang regalo daw ay ung pinaghirapan.

I really miss them. Bihira lang kasi kami magkita dahil nag-iingat kaming dalawa ni Bruu. Dito sa Philippines, bawal malaman ng mga kakilala namin especially kuya Ethan and Kuya Aidan. Sa States, bawal naman malaman ng media ang tungkol sa kanila hangga't hindi natatapos ang contract ni Bruu. Ang hirap tuloy lagi silang makasama.

*ring ring*

I answered the phone without looking at the screen. Good thing, merong earphones kaya iwas aksidente. Sayang naman lahi ko kung mamatay akong virgin.

"Hello, baby girl," bati ng nasa kabilang linya.
Awtomatikong napangiti ako dahil dun.

"Kuya! What do you want?" biro ko sa kanya.
Baby girl ang pet name nya sa kin. At pag ganyan na ang tono nyan, may gusto yang hilingin sa kin.

"Ouch! Hindi ba pwedeng namiss muna kita kaya kita tinawagan?"sabi nito sa kunwari'y nagtatampo na tono.

I rolled my eyes kahit na hindi sya nito nakikita.

"Kuya, I miss you, too. Pero, kilala kita. May kailangan ka. Ano un?"

Tumawa muna sya bago sumagot,"Baby girl, pauwi ka na ba?"

"Yep. Actually, I'm driving,"

"Sakto! Pwede mo ba akong sunduin?" masiglang hiling nito.

"Where's your car?" Nagtatakang tanong ko. Hindi naman kasi 'to nawawalan ng kotseng ginagamit eh. May collection nga 'to ng mga luxury and vintage cars eh. Pero nasa bahay nina Mommy nakapark. One at a time nga lang nyang gamitin.

"Coding pala ngayon ung kotse ko eh,"

"Ang dami mong kotse, ung coding pa ngayon ung dinala mo kahapon,"sermon ko sa kanya. Monday kasi ngayon. Every Sunday, sa min nagstay si kuya. Yun kasi gusto ni Mommy.

"I didn't notice it, baby girl. So, ano? Madadaanan mo na ako?"

Hay naku. Kelan ko ba natanggihan 'tong kuya ko? Tsaka hindi rin kasi nagtataxi 'to eh. Nung high school kasi sya, sumakay sya sa taxi pauwi. Eh ung driver pala nung taxi, hindi pala talaga taxi driver. Ayun, nakidnap si kuya. Buti na lang naligtas agad sya. Simula nun, hindi na sya nagtataxi at nagsimula na rin syang macollect ng cars.

"Fine. Asan ka ba?" pagpayag ko.

"***** Bar,"

"What are you doing in that bar? May problem ka ba? Bat ka nainom?" Sunud-sunod na tanong ko. Buti na lang nakared ung traffic light. Kundi, baka naaksidente na ko. Mahina kasi tolerance ni kuya sa alcohol kaya bihira syang uminom.

Getting on my PantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon