GOMP 33 - Love

12.6K 223 5
                                    

Chapter 33

>>>Paige's POV

Hindi ko alam kung ano dapat unahin na pindutin sa mga stuffed toys. Pero nang tignan kong mabuti, nakita kong may label ang mga ito kung kelan binili. Ang mga binigay nina Summer at Winter sa kin ang pinakabago sa koleksyon. Dahil nakaayos naman pala iyon according sa date inuna ko ung mga nabili 3 years ago.

'Baby, I don't know why I'm doing this but I miss you so much'

'Baby, will you come back to me?'

'I miss you so badly, baby'

Sunud-sunod na pumatak ung luha ko sa bawat marinig ko ung mga message na nakarecord sa mga stuffed toys. Lahat ng important events and occassions, binabati nya ko.

'Happy birthday, baby. I miss you so much'

'How are you, baby? I miss you'

'I'm miserable without you. Please come back to me baby'

Bawat mensahe, nararamdaman ko ung paghihirap ni Aidan. I know how he suffered because its the same way how I suffered. Sa kabila nung galit ko dati at sama ng loob, hindi ko pa rin maipagkakaila sa sarili ko na lagi ko syang hinahanap-hanap sa araw-araw. Natatandaan ko pa nung panahong nanganganak ako, pangalan nya ung paulit-ulit na sinasabi ko.

Natapos ko ung mga nakahilerang stuffed toys na hilam ng luha ung mata ko pero may munting ngiti sa labi. I can't believe he did all of this. Eto ung ginawa nya para kahit paano ibsan nya ung pangungulila sa kin.

Ang dalawang binigay nina Summer at Winter na lang ang hindi ko pa naririnig. Sigurado akong eto ung pinakaimportante dahil pinagkaabalahan pang hawakan ng mga bata na parang gustong tiyakin na maririnig ko. Inuna ko ung binigay ni Summer.

"Baby, thank you for giving me our kids and I'm very happy to see you again. I promised to bring you back in my arms. Seeing you again made me realize how much I missed you'

Eto na ung nirecord nya pagkatapos naming magkita ulit. Ayaw tumigil sa pagtulo nung luha ko. Parang bawat minuto, lalo lang lumalakas ung tulo ng luha ko.

Huli kong pinindot ung binigay ni Winter.

'Baby, I never said that magic words because I wanna say it personally. You know where I am,'

Walang pagdadalawang isip na pumunta ako sa greenhouse/garden ng bahay namin. Eto ang pinakapaboritong lugar ko dahil sa mga magagandang alaala na kaakibat nito. Dito ko naramdaman ang isang masayang pamilya at dito ko rin naramdaman kung pano magmahal dahil dito ko inamin sa sarili kong mahal ko si Aidan. Hindi alam ni Aidan kung bakit ko paborito ito. Nung nagtanong nya, nginitian ko lang sya at niyakap.

Dahil sa pagmamadali ko, muntik pa kong mahulog sa hagdan. Mabuti na lang dalawang hakbang na lang bago ako makababa at nakahawak ako sa balustre.

Nang malapit na ko sa greenhouse/garden ng bahay namin, huminto muna ako para huminga ng malalim. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Alam kong hindi un dahil sa pagtakbo kundi dahil sa antisipasyon kung ano ang sasabihin ni Aidan. Wala ring tigil sa pagluha ung mata ko dahil sa sobrang saya. I'm hoping this is my happily ever after, a fulfillment of my dream since I met him.

Binuksan ko ung pinto. Lumingon sa akin ang tingin ng mag-aama ko. I wanna claim them as mine even Aidan.

"I---"naiiyak na sabi ko.

"I?"sabi nya na halatang kinakabahan. Lumapit sya sa kin. Kasabay nun, sinimulang tumugtog ng piano si Summer. Si Winter naman ang kumakanta.

~~~
I remember so well
The day that you came into my life
You asked for my name
You had the most beautiful smile
~~~

Getting on my PantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon