Chapter 25
>>>Aidan's POV
"Princess, have you seen your Mom? Where is she?"tanong ko kay Summer habang naglalaro ito ng toy car ni Winter. Nasa tabi ito na Winter na may sarili ring toy car.
Kanina ko pa hinahanap si Paige pero hindi ko makita sa buong bahay. Something's bothering me about the cakes in Summer and Winter's birthday celebration. Hindi lang ako makahanap ng tyempo nung araw na un at kahapon dahil laging kasama nito si Mommy o kaya si Elenny. And there's her boyfriend.
Umalis na sina Mommy kahapon pa dahil may biglaang aayusin ang mga ito sa kompanya. Susunod na lang ako kasama sina Paige next week sa Pinas para dun magcelebrate ng Christmas. We're also planning to attend the 'Simbang Gabi'. Sumabay na rin ng uwi sina Ethan at Elenny dahil may aasikasuhing fashion show si Elenny this week.Nag-angat ng tingin si Summer at Winter.
"Nope. But I guess Mom's with Aut---"sagot nito pero naputol ang sinabi nito nang takpan ni Winter ang bibig nito."Who?"seryosong tanong ko. Nagdududa ako sa ginagawa ng mag-iina ko.
"Ahmmm. She's with Tito River,"salo ni Winter na hindi makatingin sa kin nang diretso.
Umupo ako sa tabi nila at tinignan sila nang mataman."Summer, Winter, I know there's something's wrong. May sinasabi si Summer tungkol sa heart condition nya. At may tatlong cakes sa party nyo. Ngayon, wala ang Mommy nyo. Tell me the truth. What is really happening?"tanong ko sa kanila.
Napakagat labi si Summer. Si Winter, nag-iwas lang ng tingin. Based on their reactions, they're hiding something from me.
"Dad, will you get mad if we tell you the truth?"nakatungong tanong ni Summer.
Iniangat ko ang baba ni Summer,"No, princess. Gusto lang malaman ni Daddy ang totoo. Siguro magtatampo ako pero hindi ako magagalit, okay?"
"Opo,"
"So, tell me, what is it?"
Tumayo ang mga bata at hinawakan ako sa dalawang kamay. May kinuha muna silang susi na nasabit sa sala at hinila ako paakyat.
"Where are we going?"nagtatakang tanong ko habang nasa hagdan kami.
"To our secret,"simpleng sagot ni Summer.
Kahit nagtataka, nagpagiya na lang ako sa kanila. Huminto kami sa isang nakasaradong kwarto sa tabi ng kwarto nila. Inalis ni Winter ang pagkakahawak sa kin para buksan ung pinto.Pagpasok namin, bumungad sa kin ang napakaraming stuffed toys. Sa pader ay may nakasabit na malaking picture frame ng isang batang kahawig ni Summer.
Para akong sinipa ng malakas sa sikmura pagkakakita ko sa kanya. It's like the first time I've seen Summer and Winter.
"Summer and I are not twins. We were triplets,"imporma ni Winter na nasa tabi ko.
Bigla akong pinanlamigan ng katawan.
Binalingan ko sya at tinanong,"Were?"
"Yes, Dad. Autumn is already our angel. She went to heaven exactly 2 years ago and she gave her heart to me,"naiiyak na sabi ni Summer habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Nararamdaman kong nanginginig sya. Pati ako parang gustong manginig dahil sa nalaman ko.
"And during this day, Mom spend her day in Autumn's grave,"nangingislap ung matang dagdag ni Winter.
I've lost my child and I don't even know it?
Pain suddenly enveloped my whole being. It's like some part of me just died because of the truth. I never met her but the mere fact that she's my child brought so much pain."Where exactly is Autumn's grave?"nanginginig ang boses na sabi ko. I'm at the edge of shedding a tear for my already little angel.
I need the whole truth about Autumn and why did Paige hide this from me, something as important as this.
***
>>>Paige's POV
Maingat kong inilapag ang dala kong bulaklak at maliit na teddy bear sa puntod ni Autumn. Sya ang katulad na mahilig sa stuffed toys. May isang kwarto sa bahay na puro mga stuffed toys at lahat ng mahahalagang pag-aari ni Autumn.
Umupo ako sa tabi ng lapida nya at nagsindi ng kandila. Nag-alay muna ako ng munting panalangin."Baby, how are you? Okay ka lang ba dyan? Happy birthday,"masiglang sabi ko sa puntod nya pero naririnig ko ang pagkabasag ng boses ko. The pain and guilt of losing her are still in my heart. Nung unang taon na namatay sya, halos lagi ako dito pag may libre akong oras. Kapag death anniversary nya, Dec. 10, ginugugol ko ang buong araw ko dito. Hindi ko pinapasama sina Summer dahil ayaw kong makita nila akong ganito kahina at ganito pa rin katindi nasasaktan.
"Baby, miss na miss ka na ni Mommy. Forgive me for taking away your chance to live. I love you very much and I always will,"umiiyak na sabi ko.
Hindi na ko makapagsalita pa dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Umiyak lang ako nang umiyak habang nakahawak sa nakaukit nyang pangalan.
Hindi ko alam kung gano ako katagal na umiyak nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko. Napalingon ako. And there, I saw the least person I'm expecting to see, Aidan.
***
>>>Aidan's POV
Hinatid ako ni Tatay Gener dahil parang hindi ko kayang magmaneho pa dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman ko. Habang nasa byahe, hindi kami nag-iimikan. Well, that's better. I don't need to pretend that I'm okay.
Paghinto ng sasakyan, natanaw agad namin ang nakaupong si Paige sa may kalayuan.
Tinanguan ko lang si Tatay Gener bago ako bumaba. Pero bago ako makababa nang tuluyan nagsalita sya."Anak, makinig ka sa lahat ng paliwanag ni Paige kung bakit nya ito itinago sa 'yo. At isa pa, tulungan mo sya ngayon. Hindi lang ang anak nyo ang nawala sa kanya, pati na rin ang Mommy at stepfather nya. Kaya ikaw na ang bahala sa kanya,"nag-aalalang payo ni Tatay Gener.
Tumango lang ako ulit bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Umalis din agad si Tatay Gener.
Nilapitan ko si Paige pero huminto rin ako dahil dinig na dinig ko ung iyak nya. I can also feel her pain. Para tuloy lalong nadagdagan ung sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa nakikita kong estado nya. I always see her confident side but I seldom see her vulnerable.
Nagpasya akong tuluyan syang lapitan at aluin. Nanantyang hinawakan ko sya sa balikat. She froze and looked at me. From surprised look, her face turned into relief and something else."Aidan,"umiiyak na sabi nya. Bigla na lang nya akong niyakap ng mahigpit. Parang sa kin sya kumukuha ng lakas dahil parang nanghihina na sya dulot ng sobrang lungkot.
"Pwede bang bati muna tayo ngayon? Pwede bang yakapin kita ng ganito at humingi ng lakas sa 'yo? Kahit ngayon lang,"humihikbing pakiusap nya.
Parang may humawak sa puso at piniga ito dahil sa pakiusap nya.
Hinigpitan ko ang yakap sa kanya at hinalikan ang tuktok ng ulo nya habang nihahaplos ang likod nya. It felt so good having her in my arms again. It felt like I'm home at last after so many years.
>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^
BINABASA MO ANG
Getting on my Pants
General FictionHe always finds a way on how to get into my pants. This is a story that can trigger different emotions... ^___^ Warning : Some parts of this story is not suitable for young readers... One more thing, prepare for surprises... ^___^