GOMP 23 - Birthday

11K 198 6
                                    

Chapter 23

>>>Aidan's POV

"Daddy, don't forget the teddy bear, okay?"paalala sa kin ni Summer habang kausap ko sya. Papunta na ko sa bahay nila nang tawagan ako ni Summer pala ipaalala ung teddy bear na pasalubong ko. Para kay Paige yun pero papalabasin naming para kay Summer. Paige loves teddy bears. In fact, back home, she has collection of teddy bears. Ung mga bears na pag pinindot mo ung tyan, nagsasalita ang pinakagusto nya. We're planning to confess to her using the teddy bears. Sana lang, bigyang pansin nya ung mga teddy bears na un.

"Yes, princess. I didn't forget it,"sagot ko sa kanya. Masyadong excited 'tong mga anak ko sa mga plano nila.

"Okay po. Bye, ingat. I love you po,"malambing na sabi nito.

Napangiti ako sa sinabi nya. My princess is really sweet. Every time she says 'I love you', it makes my heart swelled with joy.

"Love you, too, princess and Winter, too,"
With that, I ended the call.

Nakangiti pa rin akong sumakay sa kotse papunta kina Paige. Hindi ako sumama kina Mommy kahapon paputa kina Paige dahil gusto kong bigyan ng time sina Mommy na kilalanin ang mga anak ko. Kailangan ko ring kunin ung inorder kong teddy bear na gustong-gusto ni Paige. Naituro kasi sa kin minsan ni Summer na un daw ung gusto ni Paige.

For Summer, I bought a collection of Disney Princesses miniature. Kay Winter naman, collector's items of Harry Potter. May Marauder's Map, wand, robes, snitch and remembrall. Un lang kasi ang nabili kong stocks. Winter is an avid fan of Harry Potter. I already bought the gifts through internet last month.

Pagdating ko sa bahay, sinalubong agad ako ng yakap ng dalawa. Si Summer, nagpakarga pa at pinugpog ako ng halik.

"I miss you, Daddy,"masayang bati ng dalawa.

"Daddy missed the both of you, so much,"malambing kong sabi. Ibinaba ko si Summer at kinuha ung mga regalo nila.

Nakangiting inabot ko un sa kanila at sabing "Happy birthday, kids,"

"Thank you, Daddy,"

Agad namang kinuha nung dalawa ung regalo ko.

"Babies, open it later. The party's going to start,"sabi ni Paige nang akmang bubuksan na nina Winter ang mga regalo ng mga ito. Ni hindi man lang nito ako tinignan habang sinabi iyon. Nakatutok lang ung tingin nya kina Winter.

Nang hilahin ako ng mga bata, sumunod na lang ako. Pagkalagpas namin sa kanya, nahuli ko pa syang umirap sa kin. Imbes na mainis, napangiti pa ko. She still acts like a child whenever she's pissed off with me. Old habits die hard. Ganyan rin kasi sya pag naiinis sa kin dati.

***

>>>Paige's POV

Naputol ang pagkwekwentuhan namin nang narinig namin ung ugong ng sasakyan. Nasa pool area kami ng set-up ng mga pagkain. Kami-kami lang naman ang nandito. Summer and Winter can't invite their classmates. Malalaman kasi ng mga ito na ako ang Mommy nila.

"Daddy's here,"masayang sabi ni Summer at tumakbo papunta sa front door. Agad namang sumunod si Winter. Halatang-halatang excited ang mga itong makita muli ang Daddy nila. Naiinis pa rin ako kay Aidan dahil sa pambabalewala nito sa kin. Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil naaapektuha ako.
Tinignan ko lang sila habang papunta sila sa loob ng bahay.

"Paige, sundan mo na sila. Alam kong gusto mo na ring makita ang anak ko,"tudyo ni Tita Mary. Binulong nya lang un sa kin.

Nanlaki ung mata ko sa sinabi nya. Ganun ba ko kaobvious?

Pero alam naman nyang may boyfriend ako eh. Kaya lang, ang sabi ni Tita sa kin, maaaring mahal ko si River pero hindi iyon sapat para burahin kung ano mang pagmamahal meron ako kay Aidan. Siguro daw, minahal ko lang si River dahil ito ang nandun ung mga panahong wala akong ibang makapitan. Hindi ko alam kung ganun ba talaga. Maybe, she's right because the pain caused by Aidan's betrayal is still here in my heart. Pero hindi pa rin ako sigurado sa dapat kong gawin, ayokong maging unfair sa dalawang partido, lalo na kay River. Mahal ko rin si River sa sarili kong paraan at alam ko kung gano nya ako kamahal.

"Sige na, puntahan mo na,"sabi naman ni Elenny na natingin sa min.

Dahil gusto ko rin naman syang makita na kahit naaasar ako, sinundan ko na ang mga bata.

Naabutan kong masayang binati ni Aidan ang mga bata. Seeing him with the kids can still bring me warmth. Para kasing simula ipinanganak ang mga bata, nandun na si Aidan. Akmang bubuksan na nila ung regalo nang pigilan ko sila.

"Babies, open it later. The party's going to start,"

Hindi ko sya tinignan kahit nararamdaman kong nakatingin sya sa kin. Bahala sya.
Lumapit ang mga bata sa kin habang nakahawak ang mga ito sa magkabilang kamay ni Aidan. Nauna silang pumunta sa pool area. Umirap pa ko pagkatapos nila dumaan sa harap ko. I know I'm being childish but I can't help myself.

Sumunod na lang ako sa kanila.
Pagdating namin, sakto namang binuksan ni Elenny ang player. Ang sikat na 'Gangnam Style' ung tugtog. Akala ko kainan muna. Sayawan pala muna.

"Daddy, show us your dance moves like what Lolo's doing,"masayang sabi ni Summer. Si Elenny at Summer kasi ang nagsimulang sumayaw. Niyaya ng mga ito ang matatanda pero si Tito Joseph lang ang game na game. Si Kuya Ethan, hinatak naman ni Elenny.

"Not my thing, princess,"nakangiting tanggi ni Aidan.

"Daddy, please. Pretty please,"pagpapacute ni Summer. Pag ganyan na itsura nyan, wala nang makakatanggi sa kanya. She's a natural charmer.

Aidan groaned in frustration before joining the dance floor. Nagsimula itong gayahin sina Summer. Pati ako natatawa sa itsura nya. Parehas kasing kaliwa ang paa ni Aidan. Nakakatawa ung itsura nya habang pilit na ginagaya ang mga bata. Tapos namumula pa sya. Dahil siguro sa hiya.

"Daddy, take your seat. I love you so much but you're a very terrible dancer. Lolo is more graceful than you,"natatawang buska ni Summer habang tinatapik ang kamay ni Aidan.

"Summer's right, Dad. You can sing well but you have two left foot,"nakangiting sabi naman ni Winter.

"Nah. Hindi lang bagay ung sayaw na yan sa kin,"depensa ni Aidan.

"Just admit it, anak. I'm better than you in dancing,"sabi naman ni Tito Joseph.

"Dad, walang laglagan,"napapakamot ng ulong sabi ni Aidan.

Sabay-sabay kaming nagtawanan sa kanila. Hindi ko na rin kasi napigilan eh.

Dumako ung tingin nya sa kin kaya napahinto ako sa pagtawa. Tinitigan nya ko na katulad ng dati. Nag-init ang pisngi ko dahil dun. Naputol lang ung titigan namin nang may bumusina.

Nag-iwas ako ng tingin at inabala ang sarili ko sa pag-aayos ng mga pagkain.

"Tito River!"sigaw ni Summer.
Lumingon ako at nakita kong nakangiti si River kay Summer.

I almost forgot River. Pupunta nga pala sya dito.




>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^

Getting on my PantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon