GOMP 15 - Misunderstanding

12.7K 228 2
                                    

Chapter 15

"Mom, galit po ba si Lolo Gener kay Daddy?"inosenteng tanong ni Summer sa kin pag-alis nina Aidan at Tatay Gener sa dining room. Natigil din ung pagkain namin ng dessert dahil dun.

Sinulyapan ko si Nanay Lita. Halatang kinakabahan din sya. Alam kasi nila ang nangyari sa min ni Aidan kahit na pahapyaw lang. Ang alam nila, may mahal na iba si Aidan kaya kami naghiwalay.

Binalik ko ung tingin kay Summer. Pati si Winter na nasa tabi na nito ay parang nag-aantay ng sagot.

"No, baby. Mag-uusap lang sila kaya tinawag ni Lolo si Daddy nyo,"kaila ko. Ayaw ko namang pag-alalahanin ung mga anak ko.

"Matagal po ba 'yon?" tanong ulit ni Summer.

"Nope. Saglit lang un, I'm sure,"

Sana nga saglit lang un. Hindi ko kasi alam ang tamang isasagot para wag magduda 'tong matatalino kong anak, lalo na si Winter.

>>>Aidan's POV

Humantong kami sa may swimming pool ng bahay nila. Pagdating nun, seryosong hinarap ako ni Tatay Gener.

"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Gusto lang sabihing wag na wag mong sasaktan ang anak at mga apo ko. Hindi ko man sila tunay na kadugo, handa akong gawin ang lahat wag lang silang masaktan. Nasaktan mo na si Paige dati----"

Naputol ung sasabihin ni Tatay Gener dahil sa biglang tanong ko.

"Sandali lang po, Tay. Nasaktan?"nagtatakang tanong ko. Nasaktan ko si Paige? As much as I'm concerned, si Paige ang nagkaroon ng iba at tumapos sa relasyon namin. Sya rin ang nagtago ng mga anak namin. Hindi ba, ako ang nasaktan?

"Oo. Nakita ko kung panong umiyak at muntik nakunan si Paige at iyon ay dahil sa 'yo. Ikaw rin ang dahilan kung bakit biglang nanirahan sya dito sa ibang bansa," may bahid na galit nitong sabi.

Wala talaga akong maintindihan. Alam ko, wala akong ginawa. In fact, for almost 5 years, I become miserable because of her.

"Tay, wala po akong alam tungkol sa kung bakit nasaktan si Paige. Baka po nagkakamali kayo na ako ang nakasakit sa kanya," kaila ko. Baka ung lalaking nakayakap sa kanya sa beach sa Batangas ung may gawa nun?

"Ikakaila mo pa? Pangalan mo ung narinig kong sinasabi nya sa Mommy nya habang umiiyak sya," tiim bagang sabi nito.

"Tay, hindi po sa ikinaikaila ko, pero wala po talaga akong alam sa sinasabi nyo. Siguro may pagkukulang ako sa oras sa kanya pero wala po akong ginawa para saktan sya. Kahit na may galit ako sa kanya ngayon dahil sa pagtatago nya sa kin ng tungkol sa mga anak nami, mahal na mahal ko po sya, hanggang ngayon. Alam ko rin pong walang patutunguhan 'to dahil dati pa, hindi na nya nagawang mahalin ako. Ngayon pa kaya, na may boyfriend na sya," mapait na sabi ko.

Yun naman ang totoo eh. I've dated lots of women, bedded some of them but no one replace Paige. For just 2 months, she penetrated my heart and carved her name on it. And unfortunately, I can't erase it. During the first 3 years after our break-up, my heart was filled with anger because of what she'd done. The anger worn off. The love I have for her remains. But that love was accompanied by the pain of losing her and the bitter truth that she can't love me back.

And now, one man became a part of her life. Seeing her being kissed and hugged by another man, brings so much pain. I'm jealous, very jealous. But, I can't do anything about it. Sino ba ko sa buhay nya di ba?

Tatay Gener shot me a confused look, "Hijo, pati ako naguluhan sa sinabi mo. Pero nakikita at nararamdaman ko ang sinseridad sa sinasabi mo. Sa tingin, isa lamang malaking hindi pagkakaunawaan ang nangyari sa inyo ni Paige,"

"Hindi ko rin po alam. Si Paige lang po ang makakasagot nun. Pero hindi ko po alam kung maayos pa o may aayusin pa. Alam naman po nating may boyfriend na si Paige. Ang gusto lang po ngayon, makasama ang mga anak ko at mapunan ung mga panahong hindi ko sila kasama,"malungkot na sabi ko. Maayos man namin ung nangyari, hindi pa rin magbabago ung katotohanan na may iba na syang mahal.

>>>Paige's POV

"Daddy, bakit mo po ako tinatawag na princess? I don't have a crown to begin with," inosenteng tanong ni Summer. Nasa sala kami ngayong apat. Naglalaro ng Monopoly ung tatlo. Hindi na ko sumali.

Gusto ko na ngang umakyat dahil ang awkward talaga eh. Para kaming isang pamilya na nagbobonding pagkatapos kumain. Un nga lang, ni kausapin o tignan ako, hindi ginagawa ni Aidan. Alam ko namang may kasalanan ako pero kung hindi naman dahil sa kanya hindi naman kami maghihiwalay di ba?

Kanina, pagbalik nila ni Tatay Gener, maaliwalas na ung mukha ni Tatay. Ano nga kaya pinag-usapan nila?

"Because you look like one and besides you're Daddy's little princess," nakangiting sagot ni River at ginulo ang buhok ni Summer.

"Dad, stop it. Nigugulo mo po ang buhok ko," reklamo ni Summer.

"Summer, it's ginugulo not nigugulo," pagtatama ni Winter.

"Whatever, Winter. They have the same meaning, right, Mom?" baling sa kin ni Summer.

"Yes, so, stop arguing, you're both corr---" naputol ung sasabihin ko nang tumunog ung phone ko.

Si River pala ung tumatawag.

"Hi, gorgeous. I miss you," masayang sabi nya sa kabilang linya.

"Hello there, handsome. Miss you, too," ganting bati ko sa kanya. Napatingin ako kina Aidan dahil sa tunog nahulog.

"Sorry, it slipped on my hands,"paumanhin ni Aidan. Ung parang calculator na nagdadagdag at nagbabawas ng pera sa mga cards ng players ung nahulog nya.

"What is that?"tanong ni River.

"May nahulog lang," sagot ko kay River.

"Mom, is that Tito River?"tanong ni Summer.
Tumango lang ako.

"Can I talk to him?"excited na tanong ni Summer.

"Babe, Summer wants to talk to you," imporma ko kay River.

"Sure,"

Binigay ko ung phone kay Summer. Tuwing natawag si River sa kin, lagi talagang kinakausap ni Summer si River.

"Tito, know what? I'm very happy right now. Even the frown king twin of mine smiles a lot. It's because of our Daddy," sabi ni Summer.

Hindi ko na sya nasaway about dun. Hindi ko pa kasi nasasabi kay River ung about kay Aidan. Hindi ko kasi alam kung pano sasabihin.

"Stop calling me frown king,"reklamo ni Winter pero binelatan lang sya ni Summer at pinagpatuloy ung pagkausap kay River.

"Yes po. Kanina po. Nah, nothing won't change. You're still the best tito for me. Bye po, ingat po kayo. I love you. Mwah. Eto na po ulit si Mommy," nakangiting sabi ni Summer at binigay ung phone ko sa kin.

I excused myself from my kids and Aidan. Tinanguan lang ako ni Aidan pero seryoso ung mukha nya.

Pumunta ako sa garden at kinausap si River.

"Hello again," kinakabahang sabi ko.

"Why Paige? Why didn't you tell me about him?" halatang masama ang loob na sabi nya sa kin base sa boses nya. Naguilty naman ako. He's my boyfriend but I didn't tell him what's happening.

>>>tnx for reading... ^_____^
---till next time... ^_____^

Getting on my PantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon