Chapter 46
Nawalan ako nang oras na kausapin si Aidan bago mag-alas dose ng gabi. Masyado kasi naging abala para sa Noche Buena. Isa pa, naisip ko rin na hindi dapat namin bahiran ng sakit ang Christmas Day.
Tapos na rin ang celebration ng New Year pero hindi pa rin kami nakakapag-usap. I know I'm delaying the inevitable. Kailangang mag-usap kami agad para maayos ang nakaraan at para mapanatag ang isip ko. Kahit kasi walang ginawang kakaiba sina Aidan at Erris, hindi ko pa rin maiwasan na isipin kung gano nila kamahal ang isa't isa dati at hindi ring maiwasang mag-isip ako ng kung anu-ano. Paano kung hindi naman talaga nya ako mahal? Paano kung marealize nya na si Erris talaga ang kaya lang mahalin ng puso nya at ako lang ung second option?
Napansin na rin nina Summer at Winter ang ikinikilos ko pero wala akong sinabi sa kanila. My kids are smart but I won't let them get involved in my dilemma. It's my problem that I'm thinking horribly about their father and their aunt. Hangga't maaari, gusto kong isipin na ayos lang ang lahat. Even Mommy Mary asked me if I'm fine, ngumit lang ako sa kanya. Si Aidan, ilang beses na rin nya akong tinanong kung may masakit ba daw sa 'kin. Napansin kasi nya ang pananamlay ko these past few days. Ilang beses ko nang tinangkang sabihin sa kanya ang tungkol sa nakaraan pero kapag nakapag-ipon na ako ng lakas ng loob, doon naman biglang may umeeksena. Kadalasan, sa katauhan ng mga anak namin.
Napatigil ako sa pag-iisip nang tumunog ung cellphone ko. 6pm pa lang kaya nagtaka ako nang si River ung nakita kong tumatawag. Maaga pa sa America para tumawag sya.
"Hello. What's up? Maaga pa ah?""Hello, Paige. I know it's too early and it's too soon to call you but I need to talk to you, badly,"bungad nya sa 'kin. I strongly sensed that he has a big problem. His voice said it all.
"Why? Anong nangyari? May masama bang nangyari sa 'yo? Kay Tita Angela? Or is it Selena?"sunud-sunod na tanong ko. Bigla kasi akong kinabahan.
"Mom and I are okay. Pero tumawag kanina lang si Selena and we have a big problem. Alam na ng executives ang tungkol kina Summer and Winter. Even the press knew it. Ngayong araw ilalabas ang tungkol sa balita. We tried our best but it's already too late. I'm sorry, Paige,"
Parang bombang sumabog ung ibinalita ni River sa 'kin. Malaking eskandalo ang kakaharapin ko. At may kaso pang nakaambang sa 'kin. The contract states that I'm not allowed to have a husband and have a child. Iyon ang isang bagay na simula pa lang, nalabag ko na. Alam kong mali ako pero kailangan ko lang talagang gawin para na rin sa mga anak ko.
"What did the executives say? Kakasuhan na ba nila ako?"nanginginig ang boses na sabi ko.
"Not yet. Kakausapin namin mamaya ni Selena ang management tungkol sa kontrata mo. But still, you have to be here as soon as possible. Mas mabuti ding iwan mo muna ang mga bata dyan sa Pilipinas. The press can be cruel. Hindi magiging mabuti para sa kanila na nandito sila,"suhestyon nya.
"But, I can't leave them here. I won't last a day without seeing them,"protesta ko.
"You have to, Paige. For them,"
***
Pagkatapos kong kausapin si River, dumiretso ako sa kwarto nina Summer. Naglalaro sila kasama ni Aki.
"Hi, Mom,"sabi nina Summer at Winter pagkakita sa 'kin.
"Hi, Aunt Pretty,"sabi ni Aki. He's calling me Aunt Pretty ever since we were introduced to each other. He's a natural charmer and bright kid.
"Aki, can I talk to Summer and Winter for a while? Their Tito River said something important. Is it okay if you'd stay with GrandMom first?"nakangiti kong sabi kay Aki. Summer and Winter gave me a puzzled look.
"Sure po,"sabi nya at lumabas ng kwarto.
"What is it, Mom? What happened to Tito River?"tanong agad ni Winter.
Huminga muna ako nang malalim.
"Nothing but I have a big problem regarding my work,"sabi ko sa kanila.
"Did they already know about us?"malungkot na sabi ni Summer.
"Yes, baby. They already knew that I have wonderful kids,"nakangiting sabi ko kahit na naiiyak ako. Malaking problema ito at ilam nilang dalawa iyon.
"Papagalitan ka po ng mga boss mo, Mommy?"sabi ni Summer
"I'm sorry, Mom. Because of us, you have this problem,"sabi naman ni Winter.
Lumapit ako sa kanila at parehas ko silang kinalong. Pagkatapos, niyakap ko silang mahigpit. How I love my kids. I'm not and I will never regret for having them.
"Kahit na pagalitan ako ng lahat ng tao dahil sa inyo, ayos lang sa 'kin. I have the most wonderful, brightest and most charming kids. I chose this job for you and I can always quit this job for you. Kaya 'to ni Mommy pero may kailangan akong gawin,"
"Ano po iyon? Tutulong po kami,"sabi agad ni Winter.
"Oo nga po. Ipagtatanggol ka namin sa kanilang lahat,"segunda naman ni Summer.
"Mommy needs to go back to States to fix the problem. But you two have to stay here,"seryosong sabi ko sa kanila.
"No, Mom. Sasama kami sa 'yo,"protesta agad ni Winter.
"Shhh... Mas mapapanatag ako kung alam kong safe kayo dito. Masyadong magulo ngayon dun. I can handle all those problem but I can't handle seeing you hurt. Nagkakaintindihan ba tayo, kids?"
"No, Mom. We still want to go with you but we'll stay here if you say so,"sagot ni Winter.
"Alam na po ba ni Daddy 'to?"tanong ni Summer.
"Ah eh,"
"Anong dapat kong malaman?"
Napalingon kaming tatlo sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo si Aidan sa may pintuan. Hindi namin sya namalayan na nasa likuran na pala namin sya. Bukas kasi ang pinto kaya hindi namin sya narinig. Isa pa, mas nakafocus kami sa pinag-uusapan namin."Daddy!!!"bulalas ni Summer.
"Paige, what is it?"seryosong sabi nya.
"I'll leave for the States first thing in the morning,"imporma ko sa kanya.
"What? You'll leave me again?"
>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^
BINABASA MO ANG
Getting on my Pants
General FictionHe always finds a way on how to get into my pants. This is a story that can trigger different emotions... ^___^ Warning : Some parts of this story is not suitable for young readers... One more thing, prepare for surprises... ^___^