GOMP 47 - Heal

10.2K 197 4
                                    

Chapter 47

"What is it this time, Paige? Bakit aalis ka na naman nang hindi ko alam?"dumadagundong ang boses ni Aidan pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto namin.

Nanatili akong walang imik dahil hindi ko alam kung pano ko sisimulanng sabihin sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin.

"Kung hindi ko pa kayo narinig kanina, hindi ko malalaman ang tungkol dito?"

"Hindi sa ganun. Kaya lang..."

"Kaya lang ano?"

"Dahil kailangan ko 'tong gawin para sa sarili ko, sa 'ting dalawa at lalo na sa pamilya natin!"bulalas ko sa kanya habang nakatingin nang direkta sa mata nya. Tumutulo na ung luha ko habang sinasabi ko iyon.

Napalitan ng kalituhan ung itsura nya dahil sa sinabi ko.

"I... I don't understand,"

Huminga ako nang malalim bago ko sya sinagot. "I always believed in happy ever after, in fairy tales. And I always wanted you to be my happy ever after. I love you, Aidan, then and now. Mahal na kita simula pa nung ipakilala ka ni Kuya Ethan sa 'kin. Tuwing nakikita kita, lagi kong inaasam na sana, mapansin mo ako at sana ako na lang ang mahalin mo. Tuwing nakikita ko kayo ni Erris, sobrang sakit ung nararamdaman ko at hindi isang beses na hiniling ko na maghiwalay kayo. Kaya nang maghiwalay kayo at may nangyari sa 'tin ng gabing iyon, ibayong tuwa ang naramdaman ko dahil sa wakas, binigyan ako ng pagkakataon na maramdamang akin ka. Kaya kahit hindi sigurado ang naging relasyon natin noon, sumugal ako. Those two months I had with you were one of the happiest moments I had in my entire life,"

"Then why did you have to leave me?"

"Because reality kicked in. I thought that what we had was a fairy tale, a dream came true. Pero, nagising ako sa magandang panaginip na 'yon. Natandaan mo ba nung may shooting ako sa Batangas?"

Tumango lang sya habang nakuyom ang kamay.

"Maaga akong nakauwi. Gabi bago ang araw ng pag-uwi ko, dumiretso ako sa condo mo. I wanted to surprise you, to tell you how much I missed and love you. Wala na kong pakialam kung ako unang nagsabi o kung may katugon man iyon. Basta gusto kong malaman mo kung gano kita kamahal. Imagine my surprise when I saw I saw you..."mahina kong sabi.

Nakita kong natigilan din sya at naalala nya ang gabing sinasabi ko. "You mean..."

"Yes, Aidan. I saw you with Erris. I saw how you told her how much you love her. And I saw how you kissed her,"nahihirapang sabi ko. Masyadong masakit alalahanin ang parteng iyon. "That was my wake up call. Dahil doon, naalala kong sya pala talaga ang mahal mo, hindi nga pala ako. Dahil isa lang nga pala akong pampainit ng kama mo, no strings attached nga hindi ba? Kaya bago ko pa ipahiya ang sarili ko at magmakaawa sa 'yo, nakipaghiwalay na ko. I left you with a broken heart and soul,"

"Mali ka ng iniisip. Maraming nangyari ng araw na iyon. Mahal kita, noon hanggang ngayon,"protesta ni Aidan. Ikwenento nya ung naabutan nyang eksena sa 'min ni Rome. "So, you see? We loved each other even before,"

Umiling-iling ako. "I know that we love each other but now, I also know that I can't trust myself when it comes to you. Masyado kitang minahal noon kaya masyado akong nasaktan. Mas mahal kita ngayon kaya sigurado akong mas masasaktan ako ngayon,"

"Pero hindi kita sasaktan. Not this time,"puno ng determinasyong sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

Pinisil ko ung kamay nya at malungkot na ngumiti. "Please, Aidan. Let us heal ourselves from our past before we start our present and our future. Let us make ourselves whole and ready. And we need to do that separately. We have to do this, not just for ourselves but also for our kids. Gusto kong gamitin mo ang oras na 'to para mawala ang lahat ng sakit na hinatid ng kahapon at ganun din ang gagawin ko. Gugulin mo rin ang panahong ito para makasama mo nang solo ang mga anak natin,"
I took him a while before he answers. "If we both realize that we really don't have something special?

Malungkot akong ngumiti sa kanya. "Then we'll set each other free,"

"if it's the other way around?"

"Then I'll marry you right away and nothing will ever come between us. I'll love you until the word love exist,"

***

>>>Aidan's POV

"Problem?"

Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Nasa garden ako at umiinom ng alak pagkatapos naming mag-usap ni Paige.

"Ikaw pala,"sabi ko kay Erris. Pagkatapos, ibinalik ko ang paningin sa pagtitig sa mga halamang hindi ko talaga nakikita dahil mukha lang ni Paige ang pumapasok sa isip ko.

Umupo sya sa tabi ko. "So, anong problema at dinadaan mo sa maboteng usapan? Baka makatulong ako,"

"Nothing. Gusto ko lang talagang uminom,"kaila ko.

Matagal bago sya nagsalita kaya akala ko umalis na sya. Nagulat pa ko nang bigla syang nagsalita. "Narinig ko kayo ni Paige kanina,"

Muli akong napatingin sa kanya pero hindi ako nagsalita. Hinawakan nya ung kamay ko at nakita kong sumungaw ung luha sa gilid ng mata nya.

"I'm so sorry, Aidan,"puno ng pagsisising sabi nya sa 'kin.

"You don't have to ask for an apology because you haven't done anything,"mahinahon kong sabi.

"Pero ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit kayo nagkakaganyan ni Paige. Kung hindi sa pagiging tanga at makasarili ko, hindi sana kayo nagkahiwalay. Ninakaw ko ang limang taon sa inyong dalawa. At hanggang ngayon, patuloy ko pa ring nagugulo ang relasyon nyo,"umiiyak na sabi nya.

"Anong ibig mong sabihin?"puno ng kalituhang sabi ko.

"Nung gabing hiniling ko na makipagbalikan sa 'yo, alam kong hindi lang tayong dalawa ang nasa labas ng condo unit mo. I saw Paige coming. Alam ko ang tungkol sa relasyon nyo. Sinadya kong iparinig sa kanya ang pag-uusap natin. Kinasiyahan ako ng pagkakataon dahil sinabi mong mahal mo ako. Alam kong may karugtong pa ung sasabihin mo pero agad kong pinutol sa pamamagitan ng paghalik ko sa 'yo para makita ni Paige, para maghiwalay kayo. Ang nasa isip ko nun, ano bang laban ni Paige sa 'kin, eh ano ang minahal mo at dahilan kung pano kayo nagkaroon ng relasyon. Hinayaan kong isipin ni Paige na nagkabalikan tayo at ako pa rin ang mahal mo at hinayaan naman kitang isipin na iniwan ka talaga ni Paige. I'm sorry. I'm so sorry,"puno ng pagsisising sabi nya. "Kasalanan ko ang lahat. Natakot ako sa consequence ng mga ginawa ko kaya hindi ko sinabi sa inyo. Kung alam kong nagkaanak kayo, sinabi ko na sana agad. Patawarin mo ko,"

Nagulat ako sa sinabi nya. Alam pala nya at sinadya nya ang insidenteng iyon.

Umiyak sya ng umiyak habang patuloy na humihingi ng tawad. Maya-maya, hinaplos ko ang likod nya at tinitigan sya sa mata. "Do you love my brother?"

Tumango-tango sya. "I love him. He and our son are my life. Mali man ang paraan kung pano naging kami dahil nasaktan ka namin, masaya pa rin akong mahalin sya,"

"Then I forgive you. And Erris, forgive yourself. Maaring isa ka sa dahilan kung bakit kami naghiwalay dati pero hindi lang ikaw ang may kasalanan. Mas dapat kaming sisihin ni Paige dahil hindi kami nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman namin. Hindi kami naging bukas sa isa't isa at hindi namin pinag-usapan ang lahat nang mabuti bago kami nagdesisyon. Naging padalos-dalos kami kaya kami rin ang naging miserable. We had love but we lack trust and open communication. That's something we have to establish now,"mahabang sabi ko. Ayokong sisihin ang iba dahil sa huli, tanging kami lang naman ni Paige ang magdedesisyon.

I will give Paige all the time she needs because she's right. We need to heal ourselves from the pain brought by our past.

>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^

Getting on my PantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon