Chapter 31
>>>Aidan's POV
"Pakihanda na lang po, Nay. Opo, after lunch po kami pupunta dyan. Salamat po,"sabi ko dun sa care taker ng bahay. May ibinilin lang akong ilang bagay para sa binabalak ko para bukas.
Pagkababa ko ng telepono, husto namang may kumatok sa kwarto ko. Sina Summer at Winter ang nabungaran ko. Agad ko silang pinapasok.
"Daddy, kailangan po ba talaga na sumama kami?"tanong ni Winter pagkaupo nya sa kama. Si Summer, agad na humiga. Alam na nila kung ano binabalak ko. Pero ayaw nilang sumama, kami lang daw dapat ni Paige ang pumunta.
"Oo nga po, Dad. You and Mom need some time alone. This is the chance we've been waiting for,"sabi naman ni Summer na kahit nakahiga, nakatingin naman sa kin.
Umupo ako sa tabi ni Winter.
"Of course. We're family, remember? At baka hindi sumama ang Mommy nyo kung hindi kayo sumama,"katwiran ko sa kanila.
"Pero Dad, pano pag magkikiss na kayo? Makikita namin. Bawal po yun sa min diba?"sabi ni Summer.
Natawa ako sa pinoproblema ni Summer. "Princess, a kiss between a couple signifies love,"
"Bakit po kasi ang hirap sa matatanda, simpleng pag-uusap, hindi magawa? Ayan tuloy, ang tagal nyong naghiwalay,"panernermon ni Summer na umupo pa na animo gustong sabihin ng maayos ung sermon nya. "Pagkatapos, kaming mga bata ang namomroblema kung ano dapat gawin,"
"Summer, stop being a grown-up. Lahat ng nangyari, may dahilan at may natutunan,"sansala ni Winter.
"Talks about being a grown-up,"sarcastic na sabi ni Summer.
"Stop, you two. Parehas kayong tama,"awat ko sa kanila. Pag nasimulan kasi nila magtalo, hindi na yan titigil. Lalo pa at parehas matalino, walang nagpapatalo. "So, sasama ba kayo o sasama kayo sa min bukas?"
"Fine, Dad. Sasama na po kami,"sabi ni Winter.
"Yes, Dad. Pero pag nagkiss, hindi kami titingin ha?"
Ginulo ko ung buhok ni Summer habang natatawang tumango.
***
"Anak, handa ka na bang ungkatin ang lahat mamaya?"nag-aalalang tanong sa kin ni Mommy nang puntahan nya ko sa garden. Malalim akong nag-iisip kung pano ko sisimulan ang pakikipag-usap kay Paige mamaya.
"I think so?"patanong kong sagot.
"Basta anak, nandito lang kaming lahat para sumuporta. You two deserve each other,"sabi nya at tinapik ung balikat ko.
"Thanks, Mom,"
"May isa pa palang problema, anak. Tumawag ang kapatid mo nung isang araw,"imporma ni Mommy. Mas mukhang nag-aalala ung itsura nya.
"What happened to them?"hindi ko maiwasang mag-alala. Baka kasi kung ano nangyari sa kanya at sa pamilya nya eh.
"They're fine. Pero sabi nya, uuwi daw silang buong mag-anak sa 23,"
"Then why are you worrying?"nagtatakang tanong ko. Hindi ba dapat matuwa sya dahil makikita nya ang bunso nya?
"Their presence will open the wounds of the past,"
"Mom, it's been years since that incident happen. I've moved on, we moved on,"
"Paano sina Paige at ang mga bata?"
"I'll take care of them. Kaya ko nga po ginagawa itong mga 'to hindi ba? Dahil gusto kong maging isang buong pamilya kami, free from the ghost of the past. Magiging maayos ang lahat kahit na dumating pa sina Achilles,"pag-aassure ko kay Mommy. Wala naman kasi syang dapat ipag-alala dahil gagawin ko ang lahat para sa pamilya ko, para hindi na sila mawala ulit sa kin. Dahil kapag nangyari muli ung pang-iiwan ni Paige sa kin, baka hindi ko na kayanin.
BINABASA MO ANG
Getting on my Pants
General FictionHe always finds a way on how to get into my pants. This is a story that can trigger different emotions... ^___^ Warning : Some parts of this story is not suitable for young readers... One more thing, prepare for surprises... ^___^