Chapter 22
>>>Paige's POV
"Tita Ninang!!!"masayang sigaw ni Summer. Nanonood ng tv sa sala nang dumating si Elenny. Hindi ko alam na ngayon pala ung dating nya. Akala ko bukas pa para saktong birthday ng mga bata.
Tumakbo si Summer kay Elenny at tuwang-tuwang nagpakarga. Si Winter naman, tumayo rin agad at nakangiting lumapit. Lumapit lang ako sa kanila pero hindi ako nagsalita. Halatang miss na miss nila ang isa't isa. 3 months ago na rin kasi huling dumalaw si Elenny eh.
"I miss you, Tita Ninang,"sabi ni Summer at humalik sa pisngi ni Elenny.
"Miss rin kita, little goddess,"masayang sabi ni Elenny at pinugpog ng halik si Summer na ikinahagikhik nito. Pagkatapos, ibinaba nito si Summer. Umuklo ito sa harap ni Winter at ibinuka ang mga kamay. Agad namang yumakap si Winter.
"Miss you, superman. Miss mo ko?"
"Opo. Very,"sagot ni Winter at hinalikan si Elenny sa pisngi.
"Tita Ninang, pasalubong ko po? Hindi po ba sabi mo, dadalhan mo po ako ng sundo't. Hmmm. What do you call that delicacy from Baguio?"inosenteng tanong ni Summer kay Winter.
"It's sundo't kulangot,"sagot ni Winter.
Kagagaling lang ni Elenny sa Baguio. Nung tumawag si Summer dito, nasa Baguio pa si Elenny. Ibinida ni Elenny ung sundo't kulangot kaya nagrequest si Summer dahil nacurious ito."That's right. Sundo't booger. Tita Ninang, are you really sure it's safe to eat?"nag-aalinlangang sabi ni Summer. Samantalang kanina, excited sa pasalubong.
"Oo naman. Masarap nga eh. May dala ako. Kinukuha lang ni Kuya Ethan ung mga gamit namin sa sasakyan,"
Napabaling ako kay Elenny.
"Kuya Ethan's here?"nagtatakang tanong ko. Wala syang nabanggit na kasama pala si Kuya Ethan eh.
"Oo, hindi lang sya. Kasama---"
Naputol na ung sasabihin nya nang magsalita si Winter.
"You look like me except that you're older,"sabi ni Winter habang nakatitig sa bagong dating. Nagulat pa ko dahil mga magulang ni Aidan ung nakita ko. Hindi ko napansing kasama pala sila.
Ipinakilala sila sa kin ni Aidan nung kami pa. They are too kind and too humble. Alam kong nasaktan ko rin sila nang umalis ako. Lalo na ung itinago ko sa kanila mung mga apo nila.
"Winter, I also look like him. Is he your future self?"singit ni Summer na hindi ko napansing napansing nakalapit na pala.
Tumawa lang ung parents ni Aidan.
Hindi pinansin ni Winter si Summer.
"Dad said his dad looks like us. Are you our lolo and she's our lola?"tanong ni Winter.
"Yes, apo,"nakangiting sabi ni Tito Joseph at binuka ung braso.
Yumakap naman agad ung dalawang bata.
"Finally, nakilala ko rin kayo, mga apo,"teary-eyed na sabi nito.
"Yehey, may lolo't lola ulit kaming nadagdag,"masayang sabi ni Summer.
"Pwede rin bang humingi ng yakap si Lola?"naiiyak na sabi ni Tita Mary.
Kumalas ung dalawa at yumakap sa lola ng mga ito.
"Ano meron? Bakit naluluha kayong lahat?"nagtatakang tanong ng kapapasok lang na si Kuya Ethan na ang daming dalang gamit.
"Kuya, panira ka talaga ng moment kahit kelan. Malamang unang pagkikita ng maglolo't lola,"nakaingos na sabi ni Elenny.
"Sorry. Hindi ko naman sinasadya,"katwiran nito.
Tumingin sa kin si Tita Mary. Parang gusto kong umiyak din at yumakap sa kanya. Lalo na at wala akong makitang galit sa mata nya, puro pang-unawa.
Napansin ata ni Elenny ung tensyon sa min kaya niyakag nya ang mga bata papuntang kusina.
"Come on, kids. Simulan na nating hanapin ang sundo't kulangot nyo,"yaya ni Elenny. Agad namang sumama ung dalawang bata. Sumama rin si kuya Ethan. Tinanguan lang ako ni Elenny bago sila tuluyang pumunta sa kusina.
Maya-maya, lumapit si Tita Mary at binuka ung braso nya sa kin. Walang pag-aalinlangang yumakap ako sa kanya.
"Sorry po,"naiiyak na sabi ko.
"Shhh. Tahan na. Anak, alam kong may dahilan ka kung bakit mo ito itinago. Wala akong sinisisi sa inyong dalawa. Tadhana ang may gusto nito,"bulong nito sa kin habang hinahagod ang likod ko. Hanggang ngayon, may isang taong bukod kina Mommy at Nanay Lita, na kayang magparamdam sa kin ng pagmamahal ng isang ina na iintindihin ka muna at hindi huhusgahan.
"Hija, wala na tayong magagawa sa mga panahong nawala. Ang kailangan lang natin ngayon ay bumawi para dun,"sabi naman ni Tito Joseph at tinapik ako sa balikat.
"Thank you po,"sincere na sabi ko.
"Tara na. Sundan na natin ang mga un. Baka maiyak na rin ako dito,"biro ni Tito Joseph.
Nakangiting pinuntahan namin sila.Nagpapasalamat ako dahil kahit anak nila si Aidan, naging patas pa rin ang pagtingin nila kahit na wala silang alam sa mga nangyari. Summer and Winter are very lucky to have them as their grandparents.
***
"Lola, nasan po si Daddy? Sabi po nya kasabay nya kayo? Miss ko na po sya eh,"tanong ni Summer na medyo malungkot ang itsura. Kanina ko pa rin gustong itanong yan. Buti na lang tinanong ni Summer. Nasa sala sila ngayon at nagkwekwentuhan. Ako nasa bungad lang ng pinto na naghihiwalay sa sala at sa dining room.
"May ginawa lang important matters si Daddy nyo. Bukas nandito na rin sya,"sagot ni Tito Joseph.
"Ano po un?"tanong naman ni Winter.
"A surprise for the both of you,"sagot ni Tita Mary.
Ano kaya yun?
"Okay lang naman po kahit walang surprise eh. The presence of everyone that we love is enough. Right, Summer?"
"Yep. My only wish in our birthday is a complete family. I guess, Papa God already granted it,"masayang sabi ni Summer.
"Bruu, you can grant their wish. A complete family,"sabi ni Elenny sa tabi ko.
"Hindi ko alam. Our lives are too complicated. Nandyan si River, nandyan ung sakit ng nakaraan. Ni hindi ko nga alam kung may asawa't anak na si Aidan eh,"
"Dahil ginagawa mong komplikado ang lahat. Paige, ayaw ko sanang makialam dahil relasyon nyo yan. But, I'm telling you, hindi lang ikaw ang nasaktan dati. Wag mong hayaang pigilan ka ng takot mo na sumugal sa isang bagay na alam mong sasaya, hindi lang ikaw, lalong lalo ang mga bata. May masasaktan, oo, pero parte ng magiging desisyon mo yan. Nasa 'yo kung sino ang pipiliin mong masasaktan,"mahabang sabi nito.
Sino nga ba ang kailangang masaktan? Kaya ko ba syang saktan sa mga desisyong dapat kong gawin?
>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^____^
BINABASA MO ANG
Getting on my Pants
General FictionHe always finds a way on how to get into my pants. This is a story that can trigger different emotions... ^___^ Warning : Some parts of this story is not suitable for young readers... One more thing, prepare for surprises... ^___^