GOMP 43 - She's Back

12.7K 193 7
                                    

Chapter 43

"Baby, wake up. Nawawala ang mga bata,"kinakabang sabi ko kay Aidan habang niyuyugyog ung balikat nya. Nauna kasi akong nagising. Pagtingin ko sa kama, wala na ang mga bata. Ugali nilang dalawa na manggising ng mga katabi nila.

"Ano? Nasan ang sunog?"agad na napaupo si Aidan mula sa pagkakahiga.
Kung hindi lang ako nag-aaalala sa mga anak namin, matatawa ako sa itsura nya.

"Nawawala ang mga bata,"ulit ko. Panic is starting to crawl in my heart.

"Nawawala lang naman pala ang mga --- Ano?!!!"sigaw nya. Doon lang nagsink-in sa kanya ang sinabi ko.

"Paggising ko, wala sila sa kama, which is very unusual of them. Manggigising sila kapag nauna silang magising,"paliwanag ko sa kanya.

Nagsisimula nang magtubig ung mata ko.
Ikinulong ni Aidan ung mukha ko sa kamay nya at tinignan ako sa mata. "Look, baby, baka nandyan lang sila. Imposibleng may kung anong nangyari sa kanila dahil nandito naman tayo sa kwarto. Tignan muna natin sila sa buong bahay at sa paligid, okay?"

Tumango lang ako. Pinagsuot muna nya ako ng robe bago namin nilibot ang buong bahay pero hindi namin sila nakita kaya lalo akong kinabahan. Lumabas kami para doon maghanap.

"Summer! Winter!"sigaw ko pero walang sumasagot.

Nalibot na namin ang paligid pero hindi namin sila makita. "Ung mga anak natin, saan na sila pumunta? Baka may kumuha sa kanila. Baka kung ano nang nangyari sa kanila. Baka---"

"Shhh... Walang nangyari sa kanila. Wag kang---"naputol ang sasabihin ni Aidan nang tumunog ung phone nya.

***

>>>Aidan's POV

"Hello?"kinakabahang sabi ko. Kahit kasi pinakapalakas ko ang loob ni Paige, pati ako kinakabahan para sa mga anak namin.

"Hello, Daddy,"masayang sabi ni Summer sa kabilang linya.

"Princess, where are you? Nasan si Winter? Alam mo bang kinakabahan na kami ng Mommy mo?"sunud-sunod na tanong ko, but relief floods my entire system upon hearing my daughter's voice.

"Nagpasundo po kami kay GrandMommy at kay GrandDaddy para po alone po kayo ni Mommy. Sorry po, Daddy pero okay lang po kami,"

"Si Summer yan? Pakausap,"hiling ni Paige sa 'kin. Agad ko namang binigay ung phone.

"Anak, nasan ba kayo? Sigurado ka bang ayos lang kayo? Pinag-alala nyo ako nang husto,"umiiyak na sabi ni Paige. Niyakap ko sya sa bewang habang kausap nya ang mga anak namin. "Don't ever do that again, okay? I love you, both,"

Iniabot naman ni Paige sa 'kin ung phone. "Daddy, make sure may baby brother or sister na kami pagbalik nyo ha? I love you. Ba-bye. Enjoy,"sabi nya at pinutol n ung linya. Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na magsalita.

Umiiling-iling na binalingan ko si Paige. "Our daughter sounded like you. I can't even speak in between your rants, baby,"

"Che!"

Natatakang pinaghahalikan ko sya sa mukha. "Ayos lang pala ang mga anak natin. So, it means, I have this whole afternoon with you, alone. I can make love to you wherever and whenever I want,"

"Pervert ka talaga!"namumulang sabi nya sa 'kin.

"Gusto mo naman eh,"pang-aasar ko sa kanya. I'm looking forward for this day, just the two of us.

***

>>>Mary's POV

"GrandMom, where are we going?"tanong sa 'kin ni Winter. Pagkatapos kasi namin silang sunduin sa beach house ni Aidan, pinagpahinga lang muna namin sila sa bahay saglit at umalis din kami agad.

"Your Uncle Achilles and his family are coming. Susunduin natin sila sa airport,"nakangiting sabi ko sa kanila. Pero kinakabahan din ako. Kasama ko ang dalawa at ang asawa ko.

"Really? May cousin din po ba kami?"excited na sabi ni Summer.

"Yes, baby. He's 5 years old and his name is Aki,"

"Wow! So, we can play with him, GrandMom?"tanong ulit ni Summer.

"Of course. For now, sit properly, baby. Baka masubsob ka,"paalala ko sa kanya. Agad naman syang umayos nang upo. May pagkahyper si Summer, hindi katulad ni Winter na medyo tahimik.

Saglit lang kaming nag-antay sa arrival area ng airport. Nakita ko agad na lumabas ang panganay ko.

"Anak!!!"sigaw ko kay Achilles. Agad naman syang lumapit sa 'min at niyakap ako. "Namiss kita,"

"I miss you, Mom,"sabi nya.

Lumapit ang asawa nya sa 'kin karga ang natutog kong apong si Achilles Jr., Aki for short. "Hi, Mom,"

Niyakap ko din sya at hinalikan sa noo ang apo ko nang may humigit sa damit ko kaya napalingon ako.

"Achilles, Erris, meet Summer and Winter, Aidan and Paige's children,"pakilala ko sa kanila. "Mga apo, ang Uncle Achilles nyo. He's your Dad's big brother and she's your Auntie Erris and your cousin, Aki,"

Shock is written on Achilles and Erris' faces. Naiinitindihan ko sila. Hindi rin nila alam na nandito sina Paige at lalong wala silang alam na may anak pala ang dalawa.

"How?"puno ng pagtatakang tanong ni Achilles.

Bago pa ko makasagot, nagsalita na si Summer. "Hello po. I'm Summer and his my twin brother, Winter,"

"Hi, pretty one. I'm your Uncle Achilles. How are you?"nakangiting sabi ni Achilles at umungklo pa para magtapat sila ni Summer at Winter.

Sumulyap ako kay Erris. Hindi pa rin sya makapaniwala. Pero may isa pa akong napansin habang nakatingin sya sa mga bata. Hindi ko lang matukoy kung ano.

***

>>>Paige's POV

"Nag-enjoy ka ba?"nakangiting tanong sa 'kin ni Aidan nang pauwi na kami. Bukas pa dapat kami uuwi pero namimiss na namin ang mga anak namin.

"Yep. Super. Thank you, baby,"malawak ang ngiting sabi ko. Pinisil nya ung kamay kong hawak nya at muling sumulyap sa 'kin.

"Anything for you. Thank you for accepting my proposal. Mahal na mahal kita,"sabi nya.

"Mahal na mahal din kita,"naluluha na namang sabi ko. Those days we have in the beach house were one of the best days of my life.
Kaya pala pamilyar ung engagement ring na binigay nya dahil iyon pala ung nakita kong singsing nung minsang nag-iikot-ikot kami sa mall. Nung napadaan kasi kami sa jewelry store, that ring caught my attention. Nakita pala nya ako kaya iyon na ung binili nyang engagement ring.

Pagdating namin sa bahay, nagtatawanan pa kami dahil inaasar nya ako. Kesyo hindi ko na daw sya masosolo. Pasaway talaga.

"Mommy!!!"sigaw ni Summer pagpasok namin sa bahay. Magkahawak pa rin kami ng kamay ni Aidan.

Nakangiting tinignan ko sya, para lang mawala ang ngiting iyon pagkakita ko sa babaeng katabi nya.

"Erris..."bulong ko sa sarili ko.


>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^

Getting on my PantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon