GOMP 28 - Chances

11.5K 200 4
                                    

Chapter 28

"Mom, are you okay? Are you dizzy?"nag-aalalang tanong ni Winter sa kin. Napansin siguro nyang nakatitig lang ako sa labas ng eroplano. Hawak ko pa ung ulo ko. Para kasing nanakit ung ulo ko nang dahil sa dami kong iniisip. Hindi ko na nga alam kung ano uunahin eh.

Kakasakay lang namin sa eroplano pauwing Pilipinas. Katabi ko si Winter habang si Summer, si Aidan ang katabi. Katapat namin sila Summer ng upuan. Kasama din namin si Tatay Gener at Nanay Lita.

Nilingon ko sya kaya nakita ko ring nakatingin sa kin si Aidan. Saglit na nagtama ung paningin namin pero agad kong binaling ung tingin ko kay Winter. Bigla kasing naghuramentado ung tibok ng puso ko.

"I'm okay, baby. Just a little sleepy,"nakangiting sabi ko sa kanya sabay pisil ng pisngi nya.

"Okay po. Sleep ka na lang po. Babantayan po kita,"sabi nya habang hawak ung braso ko.

"Thanks, baby,"

"Welcome po, Mommy,"

Pumikit ako nang mariin. Pinipilit na alisin sa isip ang mga bagay na nagpapasakit ng ulo ko. Dinama ko ang singsing na nasa daliri ko at kahit ayokong isipin, naalala ko kung pano ko nakuha 'tong singsing na 'to.

***Start of Flashback***

Huminga muna ako nang malalim bago ko binuksan ung pinto. Nandito ako ngayon sa dati naming bahay, ung malapit sa bahay nina River.

"Hi,"seryosong sabi nya bago humalik sa pisngi ko, which is unusual. He usually kiss me on the lips.

"H-Hi,"nag-aalalangan ko ring sabi. Malakas ung kaba ng dibdib ko dahil na rin sa pag-uusapan namin. I don't exactly know what is it but I'm sure it's about us, Aidan and the kids. I won't deny that since Aidan shown up, River and I barely seen each other. Parang parehas naming iniiwasan ang isa't isa.

Sa library namin napiling mag-usap.

"Bukas ang alis nyo, hindi ba?"tanong nya pagkaupo namin sa couch. May maliit pa ring distansya sa aming dalawa. Para tuloy kaming hindi magkasintahan.

"Oo. Umaga ang flight namin,"sagot ko sa kanya nang hindi nakatingin. Nakatingin lang ako sa kamay ko na nilalaro ko sa may lap ko. Ganito ako pag kinakabahan.

Huminga sya nang malalim at may kinuha sya sa bulsa nya. Lumapit sya nang tuluyan sa kin at gamit ang isang kamay, hinawakan nya ko sa baba. "Paige, please look at me,"

Buong tapang kong sinalubong ung mata nya. His eyes are so sad yet full of love.

Inalis din nya ung kamay nya sa baba ko at binuksan ung kahita na hawak ng isa pa nyang kamay. Hindi ko napansin na kahita pala ung hawak nya. Napasinghap ako ng tumambad sa kin ung isang napakagandang singsing. Maliliit na diamond ito na naging hugis bulaklak.

"R-River? Are you--?"mas kinakabahang sabi ko. Hindi ko tuloy kayang tapusin ung sasabihin ko. Hindi ko inaasahan na ito ung gusto nyang pag-usapan.

"I'm not proposing yet even if I want to,"seryosong sabi nya habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

"Then, what is it?"

Hinawakan nya ung dalawang kamay ko. "You know that I love you very much, right?"

Tumango lang ako dahil parang may nagbabara sa lalamunan ko. Parang anumang oras, maiiyak ako. Pati ang boses nya, ang lungkot-lungkot.

"Because I love you that damn much, I can't be selfish. Kahit nung pahanong hinayaan mo akong maging parte ng buhay mo, ninyo ng mga bata, parang may pader pa ring humihiwalay sa 'ting dalawa. Nung una, hindi ko pinansin un dahil mahal na mahal kita at masaya akong kasama kita. Kaya ang sabi ko sa 'yo, sapat na ung pagmamahal ko para sa atin. My plans changed because you came into my life, even my priorities changed. But I don't regret it even for a second because I'm happy and contented. You've become my bestfriend and my family. You always say that you're grateful because I came into your life. But it's the other way around. I'm grateful because you've become the light I'm looking for in my dark life. When Aidan came back, I keep on telling myself that I shouldn't give you up because your my happiness. But everytime I saw you together, I can't help but think otherwise especially when I saw how happy the kids are,"

Tuluyan na kong umiiyak kasi alam kong nasasaktan sya at naguguilty ako dahil ako may kasalanan. Niyakap nya ko nang mahigpit habang hinagod ung likod ko. "I love y-you,"

"I know. But not as much as you love him,"bulong nya. Halatang basag na rin ang boses nya. And it pains me hearing his voice.
Inilayo nya ko at hinawakan ung kanang kamay ko. Kumikislap ung mata nya dahil sa nakaambang luha. "Use this vacation in spending time with the kids and Aidan. Talk to him about the issue between your break-up. I can see he's in love with you. Don't bother thinking you're still committed to me. But I'm not setting you free yet. I'll still wait for you. Kapag hindi naging maganda ang lahat, nandito pa rin ako,"masuyo nyang sabi,"Please, wear this ring. If you return here wearing this, I will propose to you properly and I won't let you go ever again. But when you decided to be with him, I'm willing to set you free, move on and later on, be your bestfriend again if I can,"

Pinahid nya ung luha ko gamit ung thumb nya. "Make the most out of it, okay?"

"O-okay,"gumagaralgal na boses pa ring sabi ko. He really has the most selfless heart. Kahit alam kong alam na nya kung ano nararamdaman ko, hinayaan pa rin nya kong pag-isipan ang lahat at kahit anong mangyari, handa pa rin syang tanggapin ko. Pero alam ko sa sarili ko, maganda man o hindi ang mangyayari sa amin ni Aidan, I'll be the one who will set River free. He deserves someone way way better than me, one that will love him the way he should be loved.

***End of Flashback***

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman kong may umakbay sa kin.

A har body is keeping me warm and keeping me from moving. The masculine scent of this person tingles my entire system. It makes my heart beats so fast. Nagmulat ako ng mata. Tumambad sa kin ang isang dibdib ng lalaki. Nakahilig ako sa kanya at nakaakbay sya sa kin. Sisigaw na sana ako nang si Aidan ang malingunan ko. Kaya pala biglang bumilis ung tibok ng puso ko. It recognizes him. But, how come he's sitting beside me, almost hugging me? Si Winter ang natatandaan kong katabi ko kanina ah?

Hinigpitan nya ung yakap sa kin at hinalikan pa ko sa tuktok ng ulo. Nararamdaman ko ung panatag nyang paghinga at naririnig ko ung tibok ng puso nya. Hinayaan ko na lang ang sarili kong mag-enjoy sa moment na iyon. Sumiksik pa ko sa kanya nang mabuti at iniyakap ang braso sa katawan nya.
'Kahit saglit lang' sabi ko sa sarili ko. Katulad ng sinabi ni River sa kin, I'll take this opportunity to have my own family back, to have him back.

***

>>>Aidan's POV

"Daddy, palit po tayo upuan,"nakangiting sabi sa kin ni Winter. Napatingin ako sa kanan ko. Tulog na si Paige kaya pala tumayo si Winter at ngayon nga ay nakikipagpalit ng upuan.

"I can't, baby. Summer is sleeping,"mahinang sabi ko na itinuro si Summer na nakahilig sa kin. Tulad ng ina nya, tulog din si Summer.

"I can take care of her. Mom needs you,"sabi nya sa kin.

Napapailing na nangingiti na lang ako dahil sa kakulitan ni Winter. I know he's into our plan. Maingat kong inayos ang ulo ni Summer at tumayo ako para makipagpalit ng upuan kay Winter. Umupo naman sya agad sa binakante kong upuan at inihilig sa balikat nya ang ulo ng kapatid. Pagkaupo ko sa tabi ni Paige, pinagmasdan ko muna sya. It makes me feel contented just seeing her beautiful face. She still can make me catch my breath.

Nakita kong nahuhulog ung ulo nya mula sa pagkakasandal. Halata ring nahihirapan sya kaya isinandal ko sya sa dibdib ko pagkatapos inakbayan ko sya. I can trade all of the riches of the world just to have this moment with her.
She stirred in her sleep. I know she's already awake. Naramdaman nya sigurong may umakbay sa kanya. Hinigpitan ko ang pagkakaakbay sa kanya, as if I don't want her to let go. Hinalikan ko sya sa ulo at pumikit, savoring the moment with her. Napangiti ako nang imbes na umalis sa yakap ko, isiniksik pa nya ung sarili sa kin at niyakap ako.

Perhaps this vacation would be our way to patch up whatever relationship we have, then and now.






>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^

Getting on my PantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon