GOMP 27 - Still Him

13.1K 214 5
                                    

Chapter 27

Tahimik lang kami habang nasa daan pauwi. Walang nagtatangkang pag-usapan ulit ung tungkol kay Autumn. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Kanina, pagsakay namin sa cab, hinawakan nya ung kamay ko. Nang tangkain kong bawiin ito, hinigpitan lang nya ung hawak nya pero wala syang sinabi kahit ano.

Wala na kong nagawa kundi hayaan sya. A part of me wants to savor the moment I have with him right now. Dahil baka pagkatapos ng araw na 'to, balik ulit kami sa dati, ung galit sa isa't isa.

Tumingin na lang ako sa labas ng sa labas ng bintana. Iniisip kung ano nang mangyayari sa ming apat. How can I act as if I'm not affected when he's not around? How can I stop myself from feeling this way towards him? Ung mga tipong sa simpleng pagtama lang ng mata namin, aksidenteng pagdaiti ng balat namin, naghahatid ng kakaibang sensasyon sa kin.
Nakapagdesisyon na ko. Kakausapin ko si River tungkol sa sitwasyon naming dalawa. Masyado na akong nagiging unfair sa kanya. Ayokong dumating ung araw na mawalan ako ng kaibigan sa katauhan nya dahil lang sa mga takot kong magdesisyon nang tama. Alam kong dapat ko na syang palayain dahil may babaeng nararapat sa kanya. Ung babaeng mamahalin sya at aalagaan. He deserves more that what I can give.

Nang dumating kami sa bahay, inalalayan ako ni Aidan na bumaba sa cab hanggang sa pagpasok namin sa bahay.

Naabutan namin sina Summer at Winter na nasa sala at parang seryoso silang nag-uusap. May pakunot-noo pa kasing nalalaman si Summer na parang may iniisip. Ano na naman kaya un?

Napansin kami ni Summer dahil sya ung nakaharap sa may pintuan.

"Mommy!!! Daddy!!!"sigaw ni Summer pagkakita sa min. Nilapitan nila kaming dalawa at nakatingin sila sa kamay namin ni Aidan na magkahugpong. Agad kong binawi ung kamay ko mula sa pagkakahawak nya dahil bigla akong nahiya sa mga anak namin.

"Mom, are you okay?"nag-aalalang sabi ni Winter.

Mabuti na lang hindi na nila inusisa ung magkahawak kamay namin ng Daddy nila.
Umuklo ako kay Winter at kinurot ung pisngi nya. "I'm okay. Thanks to your dad,"sabi ko. Binulong ko lang sa kanya ung huling pangungusap.

"Mommy, nabigay nyo po ung gift natin kay Autumn?"tanong ni Summer. Ang tinutukoy nito ay ung stuffed toy.

Binalingan ko naman si Summer,"Yes, baby. I also told her how much we love and miss her,"

"Thank you, Mom,"masayang sabi ni Summer.

"Anong ginagawa nyong dalawa habang wala kami?"nakangiting sabi ni Aidan sa kanila.

Maghapon kasi kaming wala ni Aidan. Naiwan lang ang mga bata kina Tatay Gener.

"Eat, sleep and play. We stayed on Autumn's room,"sagot ni Winter.

"Mom, I'm starving. Can you cook for us?"hiling ni Summer habang nakahawak pa sa tyan nito.

"Akala ko ba kumain kayo kanina?"tanong ko.

"Mom, it's been few hours since we ate. Gutom na po ako,"bibang sagot ni Summer.

"Okay. Okay. What do you want to eat?"

"Ahmmm. Carbonara and pizza,"sagot nya.

Tapos binalingan ko si Winter. "Ikaw, baby? Ano gusto mo?"

"Same as Summer,"

Tumayo ako. "Wait for me at the kitchen. Magpapalit lang ako ng damit,"

"Okay po,"sagot ni Summer.

Nauna na kong umakyat. Narinig ko pang naglalambing si Summer sa ama nya.

"Daddy, pwede mo po ako buhatin papunta kitchen?"

"Sure, princess. Ikaw, Winter?"

"Nah. I'm already a big boy, Dad,"sagot ni Winter.

Getting on my PantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon