Chapter 4
"Paige, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Selena sa kanyang tabi. Naramdaman siguro nito na natense sya. Buti na lang tinanong sya nito bago pag magpatuloy ung daloy ng isip nya 'doon'.
Pag may gustong sabihin si Selena na di dapat malaman ng iba, gumagamit ito ng tagalog.
"Ha, wala," umiiling na kaila ko.
"Sigurado ka?" nananantyang tanong ni Selena sa kanya
"Oo," sabi ko. But, I'm far from being okay.
Bakit kailangang makita ko sya after 5 years? Bakit kung kelan okay na ako? Kung kelan, napilit ko na ang sarili ko magmove on kahit na ang hirap hirap.
Oo, malaking parte pa sya ng buhay ko. At kahit anong gawin ko, habang buhay na syang magiging parte ng pagkatao ko. At hindi na mababago un. Lalo pa at....
Pero dapat hanggang dun na lang. Tama nang un na lang. Seeing him again just brought back all the memories especially the painful ones.
Nilibot nito ang paningin sa buong bar. Medyo yumuko ako para hindi nya ako makita.
He's with Erin. Kaya pala nag-iisa lang sya sa upuan kanina. Si Erin pala ang kadate nya. But, where is Erris? Eh si Erris ang may...
Nakita kong dumiretso sila sa isang table malapit sa min.
Nakaupo sya sa tapat ko. Kung hindi ba naman nananadya.
Simula pagkaupo nya, hindi na nya hiniwalay ung tingin sa kin.
Wala na kong naiintindihan sa mga sinasabi ng mga pumupunta sa table namin ni Selena. He already occupied my whole attention.
Hindi ko na nakayanan ung titig nya kaya nagpasya akong magpaalam na sa mga kasamahan ko, especially kay Selena.
BINABASA MO ANG
Getting on my Pants
General FictionHe always finds a way on how to get into my pants. This is a story that can trigger different emotions... ^___^ Warning : Some parts of this story is not suitable for young readers... One more thing, prepare for surprises... ^___^