GOMP 11 - River

15.1K 220 2
                                    

River's picture on the media.

Chapter 11

"Anong sabi mo sa kanya?" Tanong ulit ni Elenny.

"Hindi natuloy ung pag-uusap namin. Dumating si River eh," sagot ko sa kanya.

"What?!!!" Gulat na bulalas ni Elenny.

Ikinwento ko sa kanya ung pag-uusap namin.

***Start of Flashback***

"I'm claiming my rights as their father," malamig na sabi ni Aidan pagkatapos kong kumpirmahin na sya nga ang ama. "I will take them with me,"

Nagpanic ako bigla sa sinabi nya.

"No, you can't. I'm still their mother. Hindi ako papayag na kunin mo sila sa kin," matigas na sabi ko.

"You have them since they were conceived. And almost 5 years, Paige, you hid them from me. It's my turn to be with them," galit na sabi nya sa kin. Halos mag-apoy ung mata nya sa galit habang nakatingin sa kin. Gusto ko manghina pero alam kong hindi dapat. Mga anak ko ang nakasalalay dito.

"No. Sa loob ng mga taon na yun, ako ang nagsumikap para sa kanila. Ako ung nagbuhos ng pagmamahal sa kanila. Hindi tamang basta ka na lang bumalik sa buhay namin at kukunin mo sila sa kin. They are mine," matigas pa ring sabi ko sa kanya. Hindi naman tamang basta nya na lang kukunin ung mga anak namin ng ganun-ganon na lang.

"Isn't it your fault? Kung sinabi mo sa kin, lumaki sana sila na kasama ako. Ako sana ang nagpapakahirap magtrabaho para sa kanila. Hindi rin ako bumabalik sa buhay mo, sa buhay lang ng mga anak ko," he snapped.

Napipilan ako sa sinabi nya. Parang biglang tinusok ng kung anong matulis na bagay ung puso ko. Oo nga pala, mga anak lang pala namin ang dahilan kung bakit sya nagpakita. Asa pa ko. Kung dati nga, hindi nya ko nagawang mahalin eh. Kalokohan nga naman kung kasama ako sa babalikan nya.

Sasagot na sana ako nang biglang may kumatok. Hindi ko na sana papansin pero makulit ung katok nang katok. Nilapitan ko ang pinto para pagbuksan. Baka kasi importante.

Pagbukas ko, bigla akong niyakap at maalab na hinalikan ng taong pinagbuksan ko. Saglit lang ung halik kaya hindi ako nakapagreact.

"I miss you, babe," masuyong bati sa kin ni River pagkatapos nyang pakawalan ung labi ko. Pero nanatili syang nakayakap sa bewang ko.

"I-I miss you, too, b-babe," medyo nauutal na sabi ko. Naiilang ako nung mga oras na un.

Bakit kailangang ngayon pa dumating si River kung kelan kausap ko si Aidan? What a coincidence, my past and my present.

River is my boyfriend. He's half-Filipino. We've been together for six months. Kapitbahay namin sya kaya ko sya nakilala. Halatang attracted ito sa kanya kahit na sinabi nyang hindi na sya available.

Nung una, hindi ko sya pinapansin dahil nga masyado akong nagdadalamhati sa kinahinatnan ng pag-ibig ko kay Aidan. But he's persistent. Hanggang nung manganak ako, dun ko nakita kung gano sya kabuting tao. I accepted him. Pero sinabi ko sa kanyang kaibigan lang ung kaya kong ioffer sa kanya. I'm still starting to pick up the broken pieces of my life so another man won't help me that time. We've become best of friends.

The Last year, on Summer's and Winter's third birthday, he asked me if I'm ready to accept him as a man, not as a bestfriend. Sinegundahan pa iyon nina Summer kaya pumayag na rin ako. Eventually, naging kami. Pero nilinaw ko sa kanya na hindi pa ko ganun kaready dahil nandun pa rin ung sakit at isa pa, marami pa kong issues sa buhay ko at ng mga anak ko. Nauunawaan naman daw nya ko, masaya at kuntento na daw sya kung ano ang kaya kong ibigay. Siguro naman daw, sapat na ung pagmamahal nya para sa ming dalawa. Malapit din ang mga anak ko kay River. Minsan kasi, pag sobrang busy ako sa mga photoshoot at fashion shows, sya ung umaasikaso kina Summer.

River was amodel. Pero napilitan itong tumigil nung kinailangan nyang paltan ang daddy nito sa family business nila. Wala sya nung fashion show dahil may business conference syang pinuntahan. Gusto sana nyang wag nang pumunta pero napilit ko syang dumalo dun.

"Babe, are you okay? Hindi ka na kumibo. Did you miss me that much?" Tudyo nya sa kin pero halata ung pag-aalala nya.

"I just m-miss you,"sagot ko na lang.
Tumikhim si Aidan. Nung lang napansin ni River na may kasama kami. Nagtatanong na tumingin sa kin si River.

Bantulot na pinakilala ko sila sa isa't isa.

"River, meet Aidan, bestfriend ng kuya ni Elenny. Aidan, si River, boyfriend ko," pagpapakilala ko sa kanila. Nakita ko ung pagdilim ng itsura ni Aidan.

Inilahad ni Aidan ung kamay nya kay River.

"River,"

Tinignan ni Aidan ung kamay ni River. Akala ko, hindi nya tatanggapin un pero sa huli, tinanggap nya rin ung pakikipagkamay ni River,"Aidan,"

Nagsukatan ng tingin silang dalawa. Buti na lang naunang magsalita si Aidan.

"I need to go. I have a lunch date at 12 noon. See you around," paalam nito pagkatapos lumabas na ng pinto.

Date? Ako dapat ang imemeet nya di ba? Panong may kadate sya?

Naputol ung pag-iisip ko nang masayang nagkwento si River.

***End of Flashback***

"Bruu, hindi ko alam kung good or bad timing 'tong si River eh. Ano naramdaman mo?" Tanong sa kin ni Elenny pagkatapos kung ikwento sa kanya.

"Awkward, bruu. Nakakailang. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Good thing, may date si Aidan," sagot ko.

"Bat parang may iba sa boses mo dun sa dulo? Masakit ba? "tudyo ni Elenny sa kin.

"W-walang iba at walang masakit. I have River, haven't I?"

"Bruu, having a new boyfriend doesn't mean you have moved on already. Hangga't nandyan ung sakit, hindi ka pa rin makakamove on sa kanya," sermon ni Elenny sa kin.

She's right. Halos parang hindi nabawasan ung sakit sa loob ng halos limang taon. Nandun pa rin ung pait ng ginawa ni Aidan sa kin.

"I don't know, bruu. Ayokong bumalik sya sa buhay ko, sa buhay namin,"

"But you can't stop him from meeting you kids. Sooner or later, malalaman rin ng mga anak mo na nandyan na ang Daddy nila,"

"Paano pag iniwan nila ako? Paano pag kinuha sila sa kin? Paano pag dinala ni Aidan sa Philippines? Paano pag---"

"Bruu, sa tingin mo ba kaya kang iwan ng mga anak mo? Isa pa, hindi ba pagkatapos ng kontrata mo, gusto mong magsettle na dito sa Pinas?"

Un sana ang plano ko. Ayaw ko namang lumaki ang mga anak ko sa States. Masyadong liberated ang mga tao. I'll invest on Elenny's business. Tutal, may ipon na rin ako.

"Pero--"

"Wala nang pero pero. You're still the mother. Kahit saang korte mo ilaban, ikaw pa rin ang papanigan ng korte kaya hindi sila mawawalay sa 'yo,"

"Paano ang ama nila?"

"Karapatan ni Kuya Aidan makilala ang anak nya. I think its about time na hayaan mo naman syang makasama sina Summer. magcompromise na lang kayo kung paano ang gagawin nyo," suhestyon ni Elenny.

"Fine," pagsuko ko. Sa katapos-tapusan, un rin naman mangyayari eh. Hindi habang buhay matatago ko ang mga anak namin. Siguro, tama na rin 'to para hindi ako mahirapang aminin sa kanya ang tungkol sa mga anak namin. Pero may isa pang lihim na hindi ko alam kung kaya kong sabihin sa kanya. Dahil maisip ko lang kung paanong nangyari un, nasasaktan na ko. Hindi ko pa rin mapigilang sisihin ung sarili ko.


>>>tnx for reading... ^_____^
---till next time... ^_____^

Getting on my PantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon