PROLOGUE

8.4K 188 6
                                    


PROLOGUE

"father believe me I didn't do that, believe me father!" Pagmamakaawa nito sa kan'yang ama na nakatingin lamang sa kan'ya na walang emosyon na makikita sa kan'yang mukha.

"I'm tired of hearing your lies, Thera" Walang emosyon nitong saad sa kan'yang nagmamakawaang anak, tinataas nito ang kan'ya kamay, "Pugutan s'ya" Utos nya sa kawal, gulat ang nangingibabaw sa sistema ni Thera dahil nagawa parin s'yang ipapatay ng kan'yang kinikilalang ama.

Mapakla itong ngumiti sa harap ng Duke, "Hiling ko ang kaligayahan niyo ama, kuya....mamuhay sana kayo ng payapa dahil wala ng Thera na kakahiyan lamang sa inyong pamilya" Nakangiti nitong ani sa kanila habang luhaan at saka nito hinarap ang kamatayan na naghihintay sa kan'ya.








"Hoy,  Alvara! Hindi ka ba nagsasawang basahin yan? Paulit-ulit mo nalang binabasa yan, may gagawin pa tayo!" Pagrereklamo sa akin ng partner ko.

"Ano na naman ba kasi yang gagawin natin, Claire? Kakatapos lang natin sa isang mission ah" bagot kong sagot sa kan'ya

"Hindi kayang gawin nila Shun at Ivy ang mission na ito, Alvara...kaya sa atin nalang pinapagawa ang mission nila." Sabi n'ya sa akin habang hinahanda ang armas na gagamitin n'ya.

"Maghanda ka na" Maangas nitong saad sabay hagis sa akin ng isang baril, sinalo ko naman ito at nilagay sa aking tagiliran.

Sumunod na ako sa kan'ya palabas ng hideout namin, sumakay s'ya sa kotse niya kaya sumakay na rin ako dahil magkasama kami sa trabahong 'to na gagawin namin.

Pinaandar na nito ang kotse at saka niya binigay sa akin ang envelope, kinuha ko naman ito at tinignan. "S'ya ang mission natin ngayon, sniper expert ka kaya hindi tayo mahihirapan na gawin ang mission" Sabi n'ya habang namamaneho.

Tinignan ko lang ang mukha at hindi na binabasa pa ang ibang detalya tungkol sa mission namin.

"Nasa likod na ang sniper na gagamitin mo ngayon." Turo niya sa likod kaya tinignan ko ito at kinuha ito.

Maya-maya lang ay ramdam ko na huminto ang kotse ni Claire, "Dito ka, pumunta ka lang sa rooftop dahil makikita mo dun ang building ng Ramon's Hotel nandun ang target natin, kontakin nalang kita kapag nalaman ko kung anong room siya" Sabi nito sa akin, tumango lang ako at lumabas na kasama ang gamit na gagamitin ko at dumaan na sa hagdanang pataas sa rooftop.

Pagkarating ko sa rooftop inayos ko ang pwesto ng sniper ko at sinuot na din ang earpads ko para magkaroon kami ng communication ni Claire.

Maya-maya lang.

"Hello, Alvara?" Rinig kong salita sa kabilang linya.

"Oh." Bagot kong sagot sa kaniya.

"Room 307, nakabukas ang lahat ng kurtina n'ya at may kasama siya sa loob, nakikipag meeting siya para sa transaction nila." Pagbibigay nito ng impormasyon sa akin, kinuha ko ang binocular ko para hanapin ang target namin.

Nang mahanap ko ang target namin tsaka ko na ginamit ang sniper para ipwesto ito sa pwesto ni Winston Chuiz na target namin.

"Farewell, Winston Chuiz." Bigkas ko bago iputok ang sniper na sakto sa ulo n'ya, pagkatapos ay kinuha ko na ang sniper ko at binalik ito sa lalagyanan.

Pagkatapos ko itong ayusin, nakarinig ako ng pagkasa ng baril sa aking likuran, "Itaas mo ang kamay mo,  Agent Alvara." Utos nito sa akin kaya tinaas ko ang aking kamay tsaka siya tinignan.

Claire

"Oh? Hindi ka ba magugulat Alvara na magagawa kitang traydorin?" Nakangising tanong sa akin ni Claire.

"Hindi na ako magugulat Claire dahil nagawa mo na yan noon, ang traydorin kami."Walang emosyon kong sagot sa kan'ya.

"HAHAHHAHA. Alam mo pala, Alvara? Bakit wala ka man lang ginagawa para patalsikin ako? Isang pagkakamali ang hayaan ako, Alvara." Ani 'ya habang nakatutok pa rin sa akin ang baril n'ya.

"Hindi mo deserve ang taong kagaya ko para pagtuonan ka ng pansin Claire dahil basura ka lang para sa akin." Wala pa ring emosyon kong sabi sa kaniya.

Bakas sa mukha niya ang lubos na pagkainis at galit, "Itong basura na sinsabi mo ang tatapos sayo, Agent Alvara." Galit nitong usal sa akin, nanatili pa rin akong walang pakeng nakatingin sa kan'ya.


Bang~  Bang~  Bang~


Sunod-sunod na putok ng baril sa katawan ko pero tila manhid ang katawan ko, hindi ko maramdaman ang sakit o hapdi man lang. Basta ang alam ko pinatay niya ako, at unti-unting nanlalabo ang mga mata ko.

Hindi ko na alam kung anong sunod nangyari basta ramdam ko lang ngayon ang kaginhawaan...pakiramdam ko lumulutang ako, ang gaan at napaka tahimik. wala man akong nakikita bukod sa dilim dahil sa hindi ko mabuka ang aking mga mata nararamdaman ko lang ang kapayapayaan ng sa paligid ko.

Ito ba ang pakiramdam kapag namatay na?



Thank you for reading ❣️

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon