KINABUKASAN
Nakangiting naghihintay sa harap ng mansion si Thera sa pagkadating ng kaniyang Kuya Dale, kasama niya ang General Leon at mga ilang kawal, maid pati na ang Butler na si Butler Sen.
"Habang nasa Imperial Library kayo Princess, huwag kang lalayo sa Kuya Dale mo." Bilin ni General Leon kay Thera habang nakahawak sa kamay nito.
Tumango naman sa kaniya si Thera.
"At kung may masama mang gawin sayo ang ibang tao doon, sabihan mo lang si Kuya Dale mo alam na niya ang dapat gawin sa mga ganung tao." Dagdag nitong habilin kay Thera na may sarkastikong ngiti kung kaya't sa kaloob looban ni Thera ay namumutlang gulat ito sa habilin ng kaniyang ama sa kaniya.
Mga ilang sandali lamang ay may dumating na magarbong karwaheng huminto sa kanilang harapan, pagkahinto ay siya namang pagbukas ng pinto at ang paglabas ng taong hinihintay nilang dumating.
"Kuya Dale." Agad na tawag ni Thera sa kaniya na ikinatuwa niya.
Dali dali siyang lumapit sa kinaroroonan ni Thera, hahawakan na niya sana ito ng biglang hinarang ni General Leon ang kaniyang kamay sa harap ni General Dale upang pigilan ito.
"Iiwan ko sa pangangalaga mo ang anak ko Dale kaya siguraduhin mong babatanyan mo siya ng mabuti at huwag na huwag mong hahayaan na mawala siya sa iyong tabi at paningin, MALIWANAG BA?!" Seryosong bilin ni General Leon kay General Dale na may diin pangpakakasabi nito sa huli.
"H'wag kang mag-aalala, sisiguraduhin ko na walang mangyayaring masama sa kaniya." Paninigurado niya kay General Leon at saka niya ito binigyang tapik sa balikat bago bumaling kay Thera na kanina pang nakatangang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanilang dalawa dahil sa lakas ng aura na kanilang nilalabas.
"Princess." Tawag sa kaniya ni General Dale kaya naman napatingin siya sa kaniya.
"Tara na" Nakangiting wika ni General Dale kay Thera na tila parang walang nangyari sa pagitan nila ni General Leon kanina.
"Ganun ba sila magbardagulan? Palakasab ng aura?" Hindi makapaniwalang tanong ni Thera sa kaniyang isipan habang nakangiting nakatingin kay General Dale.
Binuhat siya ni General Dale at naglakad na papasok sa loob ng karwahe, bago umalis ay muling nagsalita ang Ama ni Thera.
"Ingatan mo ang anak ko, Dale." Bilin ng General bago nagsimulang umandar paalis ang karwaheng sinasakyan nila Thera.
THERA POV.
"Ang Ama mo talaga paulit ulit akala niya pababayaan kita." Reklamo ni Kuya Dale.
Napatawa nalang ako sa kaniyang sinabi, "Pasensya na po sa inasta ni Dada."
Pinatong naman niya ang kaniyang kamay sa ulo ko, "Normal lang yun sa isang Ama, lalo na't hindi siya kasama sa atin kaya talagang mag-aalala yun sa kaligtasa mo." Ani 'ya at inalis na ang kamay niya sa ulo ko.
"H'wag kang mag-aalala walang mananakit sayo dahil nandito ako para alagaan ka at protektahan ka." Sabi niya habang nakangiting nakatingin sa akin habang ako naman ay nakatingin sa kaniya.
Ramdam ko ang seguridad sa bawat katagang yun, ramdam kong ligtas ako na hindi ko na dapat isipin ang ano mang mangyayari dahil may Kuya Dale ako na poprotekta sa akin.
Abot tenga ang ngiti ko na tumatango sa kaniya.
May inilabas siyang maliit na kahon kaya napadako ang tingin ko doon.
"Ano po yan?" Tanong ko sa kaniya ngunit nakangiti lang siya sa akin at binuksan ang maliit na kahon.
Nakita ko ang isang kwintas na may desinyo na yung naka krus ang dalawang bilog habang nasa loob naman ang bato pero kulay red kasing kulay ng mata ko.
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...