CHAPTER 41

1.8K 95 15
                                    


Kasabay ng pagbalik ni Thera sa buhay na kaniyang piniling ipagpatuloy ay siya namang pagkakagulo ng mga kataas taasang Healer sa loob ng templo.

Lahat sila nagulat dahil sa pagliwanag ng bawat estatwa ng diyos at dyosa na kanilang pinaniniwalaan at sinasamba.

"L-Lumiwag, lumiwag ang mga estatwa! sa loob ng maraming taon na walang ano mang senyales mula sa mga diyos at dyosa ngayon ay lumiwag na ang estatwa. Hindi nila tayo tuluyang pinapabayaan." Ani ng pinuno nila habang nakatingin sa mga estatwa na nasa kanilang harapan.

"May propesiya! May propesiya!" Sigaw ng taong nagmamadaling lumapit sa pinaka pinuno ng templo.

"Ano ang sinasabi ng propesiya?"

Masayang ngumiti ang taga basa ng propesiya, "May isang espisyal na anak ng diyos at dyosa na pinagkaloob sa atin upang magdala ng pagbabago." Sabi niya sa kaniya.

"Sino? Sino ang batang yun?" Nanabik na tanong sa kaniya.

"Walang nakalagay, nakalagay lang ay mayroong simbolo ng ginintuan propesiya na palatandaan upang makilala siya."

"Mahihirapan tayo nito sa paghahanap sa kaniya ngunit kailangan natin malaman kung sino ang sinasabi sa propesiya" Usal ng kanilang pinuno

"Pano kung lahat tayo ay magtulong tulong sa batang sinasabi ng propesiya." Singit ng isang Healer

"Tama, upang mapabilis ang paghahanap natin sa bata." Pagpayag ng taga basa nang propesiya sa sinabi ng kapwa niya Healer.

"Kung ganun magtulong tulong tayo upang mahanap ang pinagkaloob sa atin ng mga diyos at dyosa. Suriin ang bawat bata sa buong kaharian, wala tayong oras na sasayangin!" Pagbitaw ng utos nang pinuno sa lahat ng Healers.

"Masusunod!" Sagot ng lahat sa kaniya.






HEALER HAYU POV.

Nang sabihin ko sa General ang tungkol sa anak niya na nasa kawalan upang mamili, hindi ko maipagkakaila na nakaramdam ako ng takot nang makita ko ang mga mata niyang nanlilisik na nakatingin sa akin nung oras na iyon.

Nilapitan ko ang batang mahimbing na natutulog dahil ramdam ko ang buhay na enerhiya mula sa kaniya.

"Mabuti pinili mo ang manatili dito dahil tiyak akong labis na magagalit ang General kapag ika'y mawala sa kaniya." Wika ko habang pinagmamasdan ko sa kaniya.

"Hindi ko akalaing pagkapasok ko sa kwartong ito ay makikita ko ang kalagayan mong nasa kawalan upang pumili ng tatahaking buhay, sino ka ba?" Isa kang misteryo sa akin munting binibini.

"Bago sa akin ang ganung karanasan dahil wala akong kakayahang makita ang kalagayan ng isang tao o kaluluwa habang ay walang malay." Sa munting binibini na nasa aking harapan habang payapang natutulog ko lamang naranasan yun, yun ba ay para sa General?

nataka ako ng may umilaw ng kunti sa kaniyang kaliwang balikat kaya nagtaka ako.

Titignan ko sana ngunit may narinig ako yapak ng mga paang papalapit sa aking kinaroroonan.

"Healer Hayu, pinapabalik na tayo sa templo dahil sa importante utos sa atin ng pinuno." Sabi sa akin ng kapwa ko Healer.

"Tara na." Pag-aya ko sa kaniya.

Bago umalis ay tumingin ako sa munting binibini, "Hanggang sa muli nating pagkikita." Sambit ko sa aking isipan bago tuloyang umalis.

Pagkalabas namin ng silid naabutan namin ang tatlong Prinsipe, ang Empress at ang General Leon pati na si General Dale.

"Maayos na po ba si Xixi?" Tanong sa akin ng munting Prinsipe.

Nagbigay galang na muna ako bago umayos ng tingin sa kanila, "Maayos na siya, magigising na siya sa anumang oras." Nakangiting sagot ko.

Pagkarinig nila sa sagot ko mabilis na pumasok sa loob ang tatlong Prinsipe kasama ang dalawang General.

Ganun ba kahalaga sa kanila ang batang iyon? Kaya ganun sila kung umakto.

"Maraming salamat, hindi ko alam ang aking gagawin kung sakali na hindi magiging maayos ang batang iyon." Sabi ng Empress sa amin bakas sa mukha niya ang saya at pagkapanatag sa maayos na kalagayan ng munting binibini.

"Walang anuma Kamahalan, tungkulin namin ang tumulong sa nangangailan at pagsilbihan kayong mga Royalties." Magalang na ani ko sa Empress.

"Mauuna na kami Kamahalan, may mahalaga pa kaming gagawin." Pagpaalam ko sa kaniya.

"Sige, maraming salamat at mag-ingat kayo sa inyong pagbalik." Sabi niya sa akin kaya naman umalis na ako kasama ang aking mga kapwa manggagamot upang bumalik na sa Templo.






THIRD PERSON POV

"Xixi!" Sigaw ng Ika-anim na Prinsipe na si Jairto pagkapasok niya sa loob ng silid.

Nakatanggap naman siya ng batok mula sa kaniyang nakakatandang kapatid, "Tulog pa si Thera, nagpapahinga pa siya." Suway sa kaniya ng Ika-limang Prinsipe na si Jovan.

Nakasimangot naman na hinahaplos ni Prinsipe Jairto ang kaniyang ulo dahil sa kunting kirot na kaniyang nararamdaman.

"Ang sakit Kuya ah."

"Tsk, kasalanan mo ang ingay mo kasi."

"Kah—"

"Hep, tama na yan baka magising niyo si Thera." Pagitna ng Ika-apat na Prinsipe na si Jihan upang hindi na humaba pa ang bangayan ng dalawa niyang kapatid.

Mabilis na lumapit si Jairto sa gilid ng higaan ni Thera, "hanggang kailan ba siya matutulog?" May kalungtan na tanong ng Prinsipe.

"Baka bukas magigising na siya." Sagot ni General Dale sa kaniya.

"Mas nainam upang makapag pahinga si Thera." Singit namang sabi ni Jovan.

"Tama, tiyak ako labis siyang nahirapan sa pagamot kay Ina." Pagsang-ayon naman ni Jihan

"Hindi na ako makapag hintay na magising siya at maglaro muli." May kasabikang usal ni Prinsipe Jairto.

Nakatanggap siya muli ng mahinang batok kay Jovan, "Balak mo bang magkasakit si Thera? Hindi pa siya maaaring maglaro agad pagkagising niya kailangan niya pa ng pahinga upang maging maayos ang kaniyang katawan at manumbalik ang kaniyang lakas. Naiintindihan mo ba ang aking sinasabi Jairto?" Pangaral ni Jovan sa kaniyang kapatid.

Nakanguso namang tumatango si Jairto sa kaniya, "Iintindihan ko po, Kuya."

"Mabuti."

"Tama na yan baka magising niyo pa si Thera dahil sa kaingayan ninyong dalawa." Suway muli ni Jihan sa kanilang dalawa.

Nanahimik naman ang dalawa sa gilid ni Thera habang pinagmamasdan nila ito.

"Hinihintay ka naming magising, Thera." Bigkas ni Jovan kaya naman napatingin sa kaniya ang dalawa.

Samantala si General Leon naman ay nasa kabilang gilid ng higaan ni Thera habang nakahawak sa maliit na kamay ni Thera.

"Gising ka na Prinsesa ko, nanabik na si Dada na mamasyal kasama ka."

"Hinihintay ka ni Dada, hinihintay ka namin."












3 week nalang po matatapos na po finals namin at magf-focus na rin po ako nun sa pag-update dito. Maraming salamat po, ingat po kayong lahat at alagaan niyo po ng inyong sarili dahil sobrang init po.

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon