KINABUKASAN
abala ang lahat sa paghahanda dahil nais ng Empress na magkaroon ng isang salo salo na sila sila lamang muna upang magdiwag para sa tatlong kambal at ang pagkakaroon ng mga ito ng opisyal na pangalan.
Ang ginawang maliit pagsalo salo ay isang paraan ng Empress upang palasamatan si Thera sa mga naitulong nito sa kanilang pamilya.
"Maayos na ba ang lahat? Yung mga dessert?" Tanong ng Empress sa Headmaid na inatasan niyang maghanda ng lahat.
"Nakaayos na din po pati na ang mga regalo niyo para kay young miss Thera at sa mga Prinsipe, nakahanda na rin po." Sagot ng Headmaid sa Empress.
"Mabuti, salamat Jina." Pasalamat ng Empress sa kanilang Headmaid.
"Wala anuman po Kamalahan, tungkolin ko pong sundin ang nais niyo." Magalang na sabi ng Headmaid sa Empress at yumuko sandali.
Ngumiti naman ang Empress sa kaniya, "Yung mga bata, maayos na ba?" Tanong ng Empress.
" Maayos na po sila, naasikaso na po sila ng kani kanila nilang personal na tagasilbi. Nasa silid po sila ng kambal na magkasama ngayon." Sagot ng Headmaid sa Empress.
"Puntahan ko lang sila, ikaw ng bahala mag-asikaso dito." Bilin ng Empress sa kaniya, pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa sild kung saan ang mga bata.
Napahinto ang Empress ng mabuksan niya ng tahimik ang pinto dahil ayaw niya magambala ang mga sa kanilang pag-uusap.
"Halos lahat ng mga kulay ng buhok natin nakuha yung kay Papa, buti nalang nakuha ko yung kay Mama." Pabirong usal ni Prinsipe Jairto habang hawak hawak ang kaniyang buhok at isa isa tinignan ang kaniyang nakakatandang kapatid.
"Si Kuya Johan, Kuya Jovan, at Kuya Jayven. Kakulay din ng buhok nila si Papa pati na ang tatlo nating kambal." Dugtong ni Prinsipe Jairto.
"Si Kuya Jiro, Kuya Jihan, at Ako. Nakuha namin ang kulay ng buhok ni Mama!" Masayang sigaw ni Prinsipe Jairto buti nalang hindi nagising ang tatlong kambal
"Yun ay dahil makalas ang dugo ng inyong Ama." Sabi naman ni Thera habang nakangiting nakadungaw sa tatlong bata.
"Kaya ba maraming kami? Kasi siyam na kaming lahat magkakapatid niyan eh." Inosenteng tanong ni Prinsipe Jairto.
Napatawa naman ng malakas si Thera na kinabigla ng Empress at ng tatalong Prinsipe, "Hindi malakas kundi masipag, HAHAHA." Natatawang sabi ni Thera kay Prinsipe Jairto.
Dahil sa sinabi at tawa ni Thera hindi na rin mapigilan ng Empress na matawa kaya napatingin sa kaniya ang tatlong Prinsipe at si Thera.
"Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang salitang yan ngunit nakakatawa ka, Little Roxi." Tawang usal ng Empress kay Thera habang papalapit sa pwesto nung apat.
"Naisip ko lang po kasi ang dami nila?" Ngunot noong tanong ni Thera sa Empress.
"Haha, tama ka naman sa inyong sinabi." Sabi ng Empress kay Thera samantala nagtataka naman si Prinsipe Jihan na tumingin kay Prinsipe Jovan dahil namumula ang mga mukha nito.
"Jovan? Ayos ka lang ba? Bakit namumula ang iyong mukha?" Sunod sunod na tanong ni Prinsipe Johan kay Prinsipe Jovan.
Napatingin din si Thera kay Prinsipe Jovan, nakita niya ang pulang pula nitong mukha, "Oo nga noh, ayos ka lang ba Kuya Jovan?" Tanong ni Thera kay Prinsipe Jovan.
Nanlaki naman ang mata ni Prinsipe Jovan na napatingin kay Thera, "K-Kuya Jovan?" Gulat n tanong ni Prinsipe Jovan kay Thera.
"Bakit po? Mas matandan ka po sa akin kaya magkukuya ako sayo at saka para na rin kitang kuya." Sagot ni Thera sa Prinsipe, may kung anong sakit na makikita sa mata at mukha ng Prinsipe matapos sabihin yun ni Thera sa kaniya.
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...