THIRD PERSON
Pagkadating nga pamilyang Howard sa tahanan nina Duke Alaric, nagsimulang mamuo ang mabigat na tensyon sa pagitan nila ng kaniyang Ama.
"Hindi ko akalain na may talento ka palang pagiging walang kwenra, Alaric." Bigkas ng kaniyang Ama sa kaniya, bakas sa boses nito ang galit at pagkadismaya sa kaniyang anak.
Samantalang tahimik naman sa gilid ang dalawang kasama ng kaniyang Ama, at pahimik ding nakikinig sina Hans at Helios dahil kung mangingielam sila tiyak na malalang parusa ang matatanggap nila sa kanila Lolo.
"Saan ka kumuha ng kakapalan ng mukha? matapos mong abandonahin ang inosenteng bata, kukunin mo na parang walang nangyari?......hindi ko akalaing masaksihan ko ang ganito mong, Alaric."
"Yun ay dahil gusto kong maibalik sa akin ang anak ko, Ama." Pangangat'wiran naman ng Duke.
Makikitaan ng Ama ni Duke Alaric ang pagiging desperado nito ngunit tila wala sa wastong pag-iisip, padalos dalos sa kinikikos.
"Itinapon mo na, tapos gusto mong kunin ulit? Hindi mo man lang bang inisip ang kapakanan ng batang yun?.....hindi man lang sumagi sa isip mo kung gugustusin pa ba niya bumalik sayo?" Sunod sunod na tanong ng Ama ni Duke Alaric sa kaniya.
"Hindi ko na inisip ang bagay na iyan Ama, dahil ang mahalaga sa akin ay makuha siya at itama ang aking mga nagawa." Desperadong sambit ni Duke Alaric sa kaniyang Ama.
Nakatanggap naman ng mabigat na sampal ang Duke Alaric muka sa kaniyang, nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin kay Duke Alaric.
"Hindi naiitama ang pagkakamaling nagawa at nangyari na, Alaric. Hindi ko alam kung saan kami nagkulang ng iyong Ina sa pagpapamalaki sa inyo ngunit hindi naman kayo pinalaki para maging irespinsableng tao at napaka babaw mag-isip!" Galit ng wika ng Ama niya sa kaniya.
Tila natauhan ang Duke sa ginawa sa kaniya ng kaniyang Ama, dagdag pa nito ang mga salitang mas nagpagising sa kaniya.
"Ang batang iyon, tiyak akong mas pipiliin niyang manatili sa taong nag-ampon sa kaniya kesa sa taong nag-abandona sa kaniya. Mas pipiliin niya ang taong nagbigay sa kaniya ng lahat ng kaniyang pangangailan kesa sa taong walang ibang ginawa kundi iparanas kung gaano ka pait at sakut ng buhay kapag walang sino man sa kaniyang pamilya ang nagmamahal sa kaniya." Madiing saad ng Ama ni Duke Alaric.
Tumingin siya sa gawi ng dalawang anak ni Alaric na lalaki, "At kayo naman, sumama kayo sa akin. Hayaan niyo munang mag-isa ang iyong Ama ng sa ganun ay bumalik sa tamang pag-iisip ang inyong Ama." Sabi niya sa dalawa, hindi naman nag-alinlangan na sumunod ang dalawa sa kanilang Lolo at iwan ang kanilang Ama.
SA KABILANG BANDA
THERA POV
Habang tinatahak namin ang daan patungo sa kusina nila yumuyuko ang ibang tao na nakakasalubong namin dito sa loob ng palasyo sa amin habang ang iba naman ay may mga matang mapanghusga na nakatingin sa akin ngunit sinawalang bahala ko na lamang yon.
Habang naglalakad kami na pansin ko ang paglapit ni Jovan kay Rina na nangunguna sa amin papunta sa kusina, ng humiwalay na si Jovan kay Rina nagtataka ako ng makita ko ang panginginig ni Rina habang naglalakad kami.
"N-Nandito n-na p-po t-tayo K-Kamahalan, P-Princess T-Thera a-at Young master Azelo" Utal utal niyang bigkas sa amin na hindi man lang magawang tumingin sa amin.
"Ano naman ang sinabi sa kaniya ni Jovan para maging ganyan siya? "Tanong ko sa aking isipan.
"Tinakot niya. "Biglang wika ni Narence sa aking isipan
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
CasualeIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...