"Your Grace, nandito na po tayo." Ani ng isang knight pagkahinto ng karwahe sa harap ng isang malaki at eleganteng bahay na pagmamay-ari ng dating Duke.
Unang ginising ng Lolo nila Thera ang dalawa nitong kuya na agad din namang nagising.
"Lo?" Tawag ni Helios sa Lolo nung ginising siya nito.
"Nandito na tayo." Sabi ng Lolo nila nung magising na dalawa.
Samantala si Thera ay mahimbing pa rin natutulog kaya naman binuhat nalang siya ng Lolo nila bago bumaba ng karwahe ngunit sa pagkababa ng karwahe ng Lolo nila habang buhat buhat si Thera, nagising naman si Thera dahil sa sinag ng araw na nararamdaman niya.
"Hmmm." Habang kinukusot ni Thera ang mga mata niya.
"Lil sis? Nandito na tayo." Sabi sa kaniya ni Helios.
Pinagmamasdan ni Thera ang paligid at labis niyang nagustuhan dahil sa ganda ng bahay at ang mga bulaklak na naggagandahan sa paligid samahan pa ng tahimik ngunit magandang kapaligiran.
"Ang ganda." May paghangang sabi ni Thera.
"Mabuti naman nagustuhan mo." Sabi sa kaniya ng Lolo nila.
"Tara na pasok na tayo, hinihintay na tayo ng Lola niyo." Sabi ng Lolo nila at naglakad na papasok ng mansion.
Pagkapasok sa mansion nagulat si Thera na maraming tayo ang sumalubong sa kanila na nakalihera, kaagad na napansin ni Thera ang isang may katandang babae nakatayo at naghihintay sa gitna.
"Siya ba ang Lola namin?" Tanong ni Thera sa kaniya isipan.
"Lola!" Sigaw ng dalawang nakakatandang kapatid ni Thera palapit sa babaeng nakatayo habang nakangiting nakatingin sa kanila.
Pagkalapit ng dalawang Kuya ni Thera sinalubong sila nito ng yakap, "Kamusta mga apo ko? Medyo matagal tagal ko rin kayong hindi nakasama at nakita." Sabi ng Lola nila sa dalawang Kuya ni Thera.
"Ayos lang po kami Lola, na miss ka po namin." Masayang wika ni Helios sa kanilang Lola.
Binaba si Thera ng kaniyang Lolo at hinawakan kamay niya palapit sa pwesto nung tatlo. Pagkalapit nila Thera napunta kaagad kay Thera ang atensiyon ng kanilang Lola.
"I-Ikaw ba si Thera? Ang apo ko?" Nanabik na tanong ng Lola nila kay Thera.
Napatingin naman si Thera sa Lolo nila at sa mga kuya niya ngunit nakangiti lang ang mga ito sa kaniya.
"Ako nga si Thera." Sagot ni Thera at panandaliang yumuko bilang paggalang sa Lola nila.
*Hic* *Hic* rinig na iyak ni Thera na nagmumula sa Lola niya, naguguluhan namang nakatingin si Thera sa Lola nila dahil wala siyang ideya kung bakit umiiyak ang Lola nila.
"Panget ba ako kaya umiyak siya? Kasi 'di niya tanggap?" Tanong ni Thera sa kaniyang isipan.
Ngunit hindi inaasahan ni Thera ang paglapit at pagyakap sa kaniya ng Lola nila, "Sa wakas nakita na rin kita, akala ko hindi kami pagbibigyan ng General." Ani nito kay Thera habang nakayakap.
Yumakapa naman pabalik si Thera sa Lola nila, "Patawar–"
"Wala po kayong dapat ihingi ng tawad sa akin." Putol ni Thera sa sasabihin ng Lola nila sa kaniya.
"Hindi niyo po kasalanan, 'wag niyo po sisihin ang sarili niyo." Dugtong ni Thera.
"Ngunit kami ang dahilan kaya ka naghirap." Sabi ng Lola ni Thera sa kaniya.
Kumalas sa pagkakayakap si Thera at tinignan ng nakangiti ang Lola nila, "Noon po yun. Hindi niyo po kasalanan na inambandona ako nung tunay kong ama, ang mahalaga po maging masaya nalang po kayo para sa akin ngayon." Sabi ni Thera sa Lola nila.
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...