CHAPTER 8

3.2K 133 0
                                    


Pagkarating namin sa bahay kung saan nakatira si Dada tumambad sa aming harapan ang napaka ganda at napaka laking mansion nIya.

Manghang-mangha akong nakatingin sa palagid dahil sa mga naggagandahang bulaklak na nakapwesto't nakakalat sa palagid na siyang nagpapaganda sa paligid at nakakaantig pagmasdan.

"Maligayang pagbabalik, Master Leon" Magalang na pagbati ng mga sumalubong saming ilang katulong at ilang kawal.

Napadako namn ang tingin sa akin ng babaeng naka pangkatulong din ang kasuotan, bale kung susuriin ko ang kaniya katungkulan masasabi kong siya ang head maid dahil pinangungunahan niya ang ibang katulong na nasa likod nito.

Bahagya akong nagulat dahil sa tamis nitong ngiti na ginawad sa akin.

Nahiya akong yumuko habang karga ako ni Dada, pulang-pula na rin ang aking mukha.

"Ang gaan sa pakiramdam." Bigkas ko sa aking isipan habang nakangiti.

"Era?" Tawag sa akin ni Dada kaya napatingin ako sa kaniya.

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.

"Nag-aalala?" Tanong ko sa aking isipan.

Napatingin ako sa mga taong natingin sa amin, gaya ni Dada may nakikita akong pag-aalala sa kanilang mata, sa kanilang mukha.

"Nag-aalala sila sa akin?" Tanong ko muli sa aking isipan.

Hindi ko namalayan ang aking sarili na may tumulo na palang luha galing sa aking mga mata.

"Baby?" Nag-aalalang tawag ulit sa akin ni Dada, kaya hinarap ko siya.

Gulat ang ekpresyon nitong makita ako na may luha, " Ano problema? May masakita ba sayo?" Sunod sunod niyang tanong sa akin.

Napayakap na lamang ako sa kaniya, " Wala po Dada, masaya lang po ako." Sabi ko sa kaniya at saka ko siya hinarap na may ngiti sa aking labi, ngiting totoo walang halong pagpapanggap.

Nakita ko naman na ngumiti sa akin pabalik si Dada, "Pinag-alala mo ako akala ko ay may hindi ka nagustuhan o baka may iniinda ka na hindi mo lang masabi sabi sa akin." Sabi nito sa akin at saka niya pinunasan ang aking mukha.

Nakangiting umiiling ako sa kaniya, "Okay lang ako, Dada. Masaya lang po dahil may ama na po ako at may mauuwiang pamilya, maraming salamat po sa pagtanggap sa akin, Dada." Naluluha kong nakangiti sa kaniya habang binibigkas ang mga katagang iyon.

"Ako dapat ang magpasalamat sayo dahil dumating ka sa buhay namin" Ani niya na siyang lubos na nagpapasaya sa akin.

"T-Talaga po? Hindi po ba ako malas?" Tanong ko sa kaniya habang may kunting pag-aalala.

Bahagya niyang kinurot ang aking pisnge, "Saan mo naman nakuha ang mga salitang yan?" Tanong niya sa akin.

"N-Naisip ko lang po Dada hehehe" Nag-aalangan kong sagot sa kaniya.

"Hindi ka malas dahil swerte ka at anak kita." Malambing nitong saad sa akin at hinalikan ako sa aking noo.

"Master." Tawag sa kaniya ng butler na kasama ni Dada na sumundo sa amin kanina.

"Pumasok na po kayo sa loob dahil maggagabi na at baka magkasakit ang young miss." Sabi nito kay Dada.

Tumingin muli sa akin si Dada, "Pasok na tayo." Sabi nito sa akin na siya namang sinang ayunan ko.

Nang buksan nila ang pinto, bumungad sa amin ang mga ibang pang tagasilbi ng kaniyang mansion.

"MALIGAYANG PAGDATING SA TAHANAN NG VALOR, AMING MUTING PRINSESA THERA!!" Sabay-sabay nilang malakas na sigaw sa pagpasok namin kaya labis akong nagulat at nasiyahan sa ginawa nila.

Surpresa, ito ang kauna-unahang may gumawa sa akin nito, ito rin ang kauna unahang naranasan ko ang ganito.

"*hic* *hic*" Iyak kong nakatingin sa kanilang lahat.

"M-Mraming s-samalat po sa p-pangtanggap sa akin dito." Umiiyak kong pagpapasalamat sa kanilang lahat.

Nakatingin ako kay Dada na nakatingin din pala sa akin, "Salamat po, Dada." Umiiyak ko pa ring sabi sa kanIya.

Hinawakan nIya ang aking mukha, "Napaka iyakin mo pala, Baby Era" Natatawang pang asar sa akin ni Dada kaya napatawa na din ako sa kaniya.

"Welcome sa iyong magiging tahanan mula ngayon, Baby Era." Nakangiting ani 'ya sa akin at saka ako hinalikan sandali sa aking pisnge at niyakap.

"Maraming salamat po, Dada." Sabi ko sa kaniya habang magkayakap kami.

Maya maya lang ay kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at binaba na ako mula sa pagkarga sa akin.

Hinarap ko ang mga taong nagtipon-tipon para paghandaan at mainit akong salubongin para batiin sa aking pagdating sa mansion ito.

Nilagay ko ang aking kaliwang kamay sa aking dibdib habang ang kanang kamay ay nakahawak sa aking suot at habang pinagkros ang aking kaliwang paa sa likod ng aking kanang paa at yumuko. Isang perpekto postura ng paggalang na alam ko.

Sabay bigkas ng mga katagang, "Maraming salamat sa inyong lahat sa isang mainit na pagtanggap sa akin." Buong puso kong pagpapasalamat sa kanila.

Rinig kong bahagyang nagulat ang iba kaya inayos ko na ang aking sarili at nakangiting nakatingin sa kanilang lahat kahit na ang iilan ay gulat na nakahawak ang kanilang kamay sa kanilang mukha, may ilan namang umiyak pa.

Napansin ko naman ang head maid na lumapit sa akin at pinantayan ako, "Sa isang tingin ko palang sayo sasabi ko na isa kang mabuting bata, masaya kaming may pagsisilbihan kami na kagaya mo rito sa mansion na ito." Sabi nito sa akin at saka niya inabot sa aking kamay sabay patong ng kaniya kamay sa ibabaw nito, "Pagsisilbihan ka namin sa abot ng aming makakaya, young miss Thera." Senserado nitong sabi sa akin kaya nakangiting namumula akong nakatingin sa kaniyang harapan.

"Eheemmmm" Agaw eksena sa amin ni Dada kaya nabaling ang atensyon namin sa kaniya.

Napatingin kaming lahat sa kaniya at hinihintay ang sasabihin niya ngunit nakatingin lang ito sa amin na may nagtatakang tingin.

"Hahaha. Mukhang naiinip na ang Master, Princess Thera." Natutuwang bigkas ng butler ni Dada sa amin.

"Oras na, dapat kumain ka na." Sabi ni Dada sa akin, hindi na pinansin ang sinabi ng butler.

"Sen, nakahanda na ba ang pagkain?" Tanong ni Dada ngunit nasa aking ang tingin nito sabay kuha sa akin upang kargahin muli.

"Nakahanda na ang lahat Master, gaya ng iyong utos." Sagot ng butler sa kaniya.

"Oh. Sen pala pangalan ng butler ni Dada." Ani 'ko sa aking isipan.



Thank you for reading ❤️

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon