Pagkatapos ang nangyari pag-uusap ng dalawang General ay nagpasya si General Leon na puntahan ang kaniyang anak sa silid nito.
Pagkarating niya sa silid ni Thera ay naabutan niya ang tagapag silbi ni Thera na si Alyana na kinukumutan ito.
Nang makita ni Alyana ang pagpasok ng General ay yumuko siya sa kaniya bilang pagpakita ng paggalang sa General.
"Mukhang pagod na pagod siya, pinakain niyo ba siya bago matulog?" Tanong sa kaniya ng General habang nakatingin kay Thera.
"Opo, pinakain namin siya para makapag pahinga na siya." Magalang na sagot sa kaniya ni Alyana.
Nang marinig niya ang sinabi ni Alyana, lumapit siya sa gilid ng higaan ni Thera para makaupo sa tabi nito.
Hinahaplos haplos niya ang buhok ni Thera at pinagmamasdan ito.
"Isang Howard si Thera." Saad ng General habang walang tigil sa paghaplos sa buhok ni Thera na mahimbing na natutulog.
Natigilan naman si Alyana sa kaniyang narinig mula sa General, hindi sa makakibo at kinakabahan siya.
"Pa–Pano niyo po nalaman?" Kinakabahang tanong ni Alyana sa General.
"Hindi habang buhay ay maitatago niyo ang totoong pagkatao ni Thera. " Ani 'ya kay Alyana na kinagulat naman nito.
"Ngunit maingat ang Duke sa pagtago ng sekretong ito, tinitiyak niyang walang nakakaalam lalo na kung patungkol kay Thera." Kabado pa ring sabi ni Alyana kay General Leon.
"Bakit? May pakielam pa ba ang Duke na iyon kay Thera?" Tanong sa kaniya ng General.
Napayuko naman siya sa tanong na binitawan ng General sa kaniya dahil alam na niya na walang pakielam ang Duke kay Thera dahil nagawa niya itong abandonahin sa mazon mansion na wala man lang na binibigay na kahit kaunting salipi para sa mga pangtustos ni Thera sa mga pangangailan nito.
"Nagpa-imbestiga ako tungkol sa kaniya at may nakapag sabi kay Dale tungkol kay Thera." Kalmadong sagot ni General Leon sa kaniyang tanong na siyang ikinabahala ni Alyana.
Hindi siya mapakali kaya naman napahawak siya sa kaniyang kasuotang na pang tagapag silbi.
"Ayun kay Dale si Hans mismo na panganay na anak ni Duke Alaric ang nagsabi sa kaniya na sila ang tunay na pamilya ni Thera, nalaman din namin ang totoong dahilan ng pagkamatay ng Duchess pati na ang pag-abandona kay Thera." Pagpapatulog na pagsasalita ng General.
Pagkatapos sabihin ng General ang mga salitang iyon ay hindi nagdalawang isip na humarap sa kaniya at lumuhod.
"P–Pakiusap General, Huwag niyo rin po sanang abandonahin si Thera mahirap pong makita ang batang yan na nag-iisa na walang pamilyang umaalalay sa kaniya habang lumalaki, napaka hirap pong makitang malungkot ang Prinsesa" Pagmamakaawa niya sa General.
"Hin—" Hindi natapos ang sasabihin ng General ng biglang nagsalita muli si Alyana.
"Simula ng makilala kayo ni Thera, doon ko na kita kung gaano siya kasaya na makilala kayo, lalo na kinikilala niya kayo bilang tunay na Ama niya.......kaya nakikiusap po ako sa inyo General Leon huwag niyo rin po sanang abandonahin si Thera dahil wala naman siyang ka malay malay na mamatay ang Duchess sa panganganak sa kaniya." Pakikiusap nito sa General, hindi niya na rin napigilan na mapaluha habang nagmamakaawa na huwag lang abandonahin ng General ang batang pinaka iniingatan niya ng husto.
Habang nakayukong lumuluha sa pagmamakaawa si Alyana, napangiti naman ang General sa ginawa niya kaya hinawakan niya ang balikat nito.
"Hinding hindi ko gagawin ang ginawa ni Duke Alaric, Alyana kaya tumayo na diyan at huwag na mag-alala dahil gagawin ko ang lahat para mapasaya ang ang batang ito." Sabi sa kaniya ng General habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
De TodoIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...