GENERAL LEON POV.
Nandito ako sa sarili kong opisina habang tinatanaw ang anak ko na kasama ang mga prinsipe at si Azelo mula sa bintanan.
Rinig ko naman ang tunog ng pinto, "Master, may pinadala pong envelope ang hari para sa inyo." Rinig kong sabi ni Sen kaya naman tinignan ko ito para kunin ang sinasabi niyang envelope.
Pagkabuklat ko nito ay nakita ko ang mga dukomento na tungkol sa pag-ampon ko kay Thera bilang anak ko.
Muli akong tumingin sa pwesto nila at ngumiti, "Anak." Mahinang bulong ko.
"Bakit mo naisipang ampunin ang batang iyon Leon? Hindi sa hindi ko gusto ang batang yun kaya natanong ko ito sayo, kung tutuusin ay gustong gusto ko ang batang iyon.....bakit?" Tanong ni Sen sa akin
"Unang kita ko palang sa batang iyan ay ang nasa isip ko nun ay kakaiba siya, at sa unang paghawak ko sa kaniya nakaramdam ako ng kaginhawaan, magaan sa pakiramdam para bang siya ang linawag na sasakop sa madilim kong mundo." Sagot ko sa kaniya habang nakatingin sa anak kong masayang nakikipag-usap sa mga kasama nito.
"Ang batang sinasabi mo na hindi ko nakikitaan ng takot sa mga mata niya kapag nakikita ako o kahit maramdaman ang likas na lakas ng aura ko, ang tanging nakikita ko lang ang pagkinang ng mga matang yun na masaya kapag nakikita at nakakasama ako."
"Ang liwanag niyang taglay ang tanging nagpapakalma at nagpapasaya sa akin, Sen." Nakangiti kong salaysay sa kaniya na habang na kay Thera pa rin ang tingin.
"Siya ang kahinaan at lakas ko." Dugtong kong saad sa kaniya.
"Paano kung hanapin at kunin siya ng totoo niyang pamilya?" Muling tanong ni Sen na siyang ikinatigil ng mundo ko.
"Paano nga ba? Sasama ba siya? Iiwan niya rin ba ako kung sakali na kunin siya ng totoo niyang pamilya?" Sunod sunod kong katanungan sa aking isipan.
"Hindi."Pagtatanggi ko
"Hindi na siya babalik pa sa kanila dahil pinili na niyang sumama sa akin para maging anak ko."Pagkukumbinsi sa aking sarili
"Inambandona na nila ang anak ko Sen! Wala na silang karapatan sa kaniya........dahil ako na ang legal niyang ama at pamilya." Seryoso kong usal sa kaniya.
"Tulad nga ng iyong sinabi kanina na kakaiba ang anak mo Leon, dahil sa mga abilidad at kakayahan niya na nagsisimula ng lumitaw..... hindi malayong magkakainterest ang totoong pamilya niya sa kaniya, Leon."
"Ako na pamilya niya Sen. Ama ako ni Thera." Walang emosyon akong tumingin sa kaniya habang binibigkas ang mga katagang iyon.
"Ikaw ang kinikilalang ama ngunit hindi ikaw ang tunay na kadugo." Sabi nito na siyang mas lalong ikinainis ko.
"Kahit an—"
"Huwag mong hayaang mawala siya sayo Leon dahil kami ng mga pinagkakatiwalaan mo ang makakalaban mo, mahal namin ang batang iyon." Ani 'ya na may pabiro nung una habang nakangiting nakatingin sa gawi ko.
"Gaya ko ay ramdam namin ang kaligayahan kapag nand'yan ang presensya niya sa tabi namin, nasasanay na kami sa kaniya masigla niyang kilos, yaw namin na mawala ang ganung pakiramdam na matagal naming hindi naranasan, Leon."
"Simula nung dalhin mo siya dito ay sumigla ang tahanang ito." Sunod sunod nitong saad akin.
Nagulat ako ng bigla na siyang yumuko sa aking harapan, "Pakiusap, Master Leon!" Napangiti na lamang ako at lumapit sa kaniyang pwesto at saka ko ito tinapik sa kaniyang balikat.
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...