Pagkatapos kumain ng agahan ang mag-ama, maya maya lang ay lumabas na ito para magsimula ng umalis upang makarating na sa pamilihan
"Handa ka na ba?" Tanong ni General Leon sa kaniyang anak at nasa harap na nito ang karwahe na kanilang gagamiting transportasyon papunta sa pamilihan.
Nakalihera naman sa magkabilang gilid ang ilang knights ng valor, sa likod naman nakalihera sila Alyana at ang head maid pati na ang iba pang katiwalang katulong ng valor.
Nakangiti namang tumango si Thera sa kaniyang Ama, "Opo, Handa na si Thera!" Masayang nitong wika habang nakataas ang isang kamay kaya naman natawa sa kaniya ang mga tao na nasa pagilid nila.
Namumulang bumungisngis na lamang si Thera dahil sa kunting hiya na kaniyang nararamdaman.
Natutuwang kinarga ng General ang kaniyang anak at saka niya binalingan ng tingin ang personal na butler nito na kilala bilang "Sen".
"Paghanda niyo na lamang kami ng hapunan dahil sa restaurant na kami kakain ng tanghalian ng aking munting prinsesa." Bilin ng General sa kanila at saka nakangiting nakatingin sa anak bago pumasok sa loob ng karwahe.
Pagkapasok nila sa loob ay siya namang pag-andar ng karwahe na kanilang sinasakyan, nakasunod dito ang ilang magagaling na knights ng valor upang bantayan ang kanilang master at young miss ng kanilang pinagtatrabahuan na tahanan.
Tuwang-tuwa si Thera na nakadungaw upang masaksihan ang palagid habang sila ay nagbabyahe papuntang pamilihan.
Labis naman ang tuwa ng General na pinagmamasdan na masayan- masaya ang anak habang pinagmamasdan ang paligid habang sila ay nasa loob ng karwahe.
Hindi naman namalayan ni Thera na sila ay nakarating na pala sa pamilihan, napagtanto na lamang nito ng huminto na sila at nakababa na ang kaniyang ama.
Nakabukas ang dalawang pinto ng karwahe habang ang kaniyang ama ay nasa labas na nakangiting nakatingin sa kaniya.
"Hali ka na, princess." Pag-aya sa kaniya ng kaniyang ama, agad namang sinunod ni Thera ang kaniyang ama na nakaabot sa kaniya ang kamay upang alalayan siya nitong makababa sa karwahe na may mga ilang hagdang apakan upang makababa ng ligtas at maayos.
Nang makababa si Thera nagningning ang mata nitong nakatingin sa pasukan ng pamilihan dahil may nakaliherang nagbibenta ng iba't-ibang uri ng prutas at naaamoy nito ang bango ng iba't ibang uri ng pagkain.
"Mukhang sabik na sabik ang prinsesa ko ah." Sabi sa kaniya ng kaniyang ama sabay kuha sa kaniya upang kargahin.
"Ngayon lang po kasi ako ulit nakarating dito Dada, kaya naman sabik na sabik ako hehehe." Magiliw na saad nito sa kaniyang ama.
Natawa naman ng panandalian ang kaniyang ama at saka siya nito binigyan ng panadalian paghimas sa kaniyang ulo para hindi magulo ang pagkakaayos sa kaniyang buhok.
"Pasok na po tayo!" Nasasabik nitong turo sa pasukan ng pamilihan.
Tuwang-tuwa naman ang kaniyang ama na sinunod ang nais ng kaniyang anak.
Masayang iginala ni Thera ang kaniyang paningin nung sila ay nakapasok na sa pamilihan.
Napunta naman sa kanila ang atensyon ng lahat ng tao dun lalo na ang mga taong naglalakad at ang mga namimili ay napatigil dahil gulat ang mga ito na nakatingin sa isang tao na halos kakapasok lang sa pamilihan.
Dagdag pa sa pagkagulat ng mga ito ng mahagip ng kanilang mata ang isang batang mas pumukaw ng kanilang atensyon dahil sa kagandahang tinataglay nito.
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...