CHAPTER 44

1.8K 85 7
                                    


THIRD PERSON POV.


nasa isang silid ang Emperor at Empress kasama na dalawang General na si General Leon at General Dale, kasama rin nila ang dalawang Healers na si Healer Hayu na mas kilala bilang Sloan pati na si Healer Akari na mas kilala bilang Lacy.

"Anong gagawin natin? Hindi habang buhay na matatago natin ang tungkol sa dalawang bata." Tanong ni General Dale na may pag-aalala sa kaniyang boses at mukha.

Mas nag-aalala ito para kay Thera.

"Tama ka kahit pa na tinakot natin yang dalawang Healers na yan, sigurado akong malalaman pa rin ng mga taga templo ang tungkol sa kanila." Sabi naman ni General Leon at matalim na sinulyapan ang dalawa kaya napaiwas ang dalawa ng tingin sa General.

"Hanggang kaya nating ilihim ang tungkol sa dalawang gawin natin, hindi natin alam kung ano mangyayari ngunit ihanda natin ang dalawa sa anumang mangyari at protektahan." Sabi ng Empress bakas sa boses nito ang lungkot at pag-aalala para sa dalawang bata.

"Huwag po kayong mag-aalala tutulong po kami ni Lacy para sabihan kayo sa bawat galaw ng mga kapwa naming Healers sa templo." Lakas loob namang usal ni Healer Sloan kahit na sa loob loob nito ay natatakot siya at kinakabahan dahil ang Emperor, Empress, at ang dalawang General ang kaharap niya.

"Bumalik kayo dito sa palasyo ng walang pasabi at bigla kayong nakisali sa kaganapan sa silid ni Thera. Sagutin mo ang tanong ko, hinahanap ba sila ng templo?" Malamig na tanong ng Emperor kay Healer Sloan.

Napalunok naman ng sarili laway si Healer Sloan dahil sa kalamigan nang boses ng Emperor, "Ang may simbolo lamang ng propesiyang libro ang pinagkakaabalahang hanapin ng mga tao sa templo dahil siya lamang ang nakalagay, ayun sa sinabi ng tagabasa namin ng propesiya." Sagot nito sa Emperor.

Malakas na pagbasak ng kamao ang narinig matapos sagutin ni Healer Sloan ang tanong ng Emperor.

"Bakit?" Tanong ni General Leon habang nagpipigil ito ng galit.

"Nung makabalik kami sa templo nakausap namin ang aming pinuno kasama na ang tagabasa ng propesiya na isangvanak daw ng diyos at dyosa ang pinadala.....n-ngunit hindi nakalagay doon ang detalyadong pagkakilalan ni young miss Thera dahil ang tanging palatandaan lang nila sa kaniya ay may simbolo lamang ito ng propesiyang libro." Namamawis na sagot ni Healer Sloan kay General Leon.

Samantala ang kasama naman ni Healer Sloan na si Healer Lacy ay tila panatag ang loob nito at nagsasaya pa sa kaniyang isip dahil hindi niya ang nagigisa kundi ang kaniyang kaibigan lamang na si Healer Sloan.

Palihim namang sinipa ni Healer Sloan ang paa ni Healer Lacy para magpatulong sa kaniya ngunit hindi siya nito pinapansin.

"Taksil ka Lacy! Hindi mo man lang ako tinutulongan, malalagot ka sa akin mamaya!" Reklamo ni Healer Sloan sa kaniyang isipan.

"Nakakapag taka bakit kayo bumalik dito sa palasyo matapos niyong malaman ang sinabi ng sa inyo ng nakakabasa ng propesiya....hindi kaya alam niyong si Thera ang batang sinasabi ng propesiya sa inyo?" Seryosong tanong ni General Dale sa dalawang Healers.

"Tama ka General Dale. Dahil bago pa man kami umalis ng kasama ko pabalik sa templo nasa silid ako ni young miss Thera upang tignan ang kaniyang lagay kaya nalaman ko na bumalik ang kaniyang enerhiyang buhay at kasabay nito ang pag-ilaw ng kaniyang kaliwang balikat isa iyong tanda sa akin ng maglitaw ng simbolo sa kaniya." Paliwanag ni Healer Sloan kung paano siya nakabuo ng idea kung sino ang mayroong simbolo ng propesiya.

"Nang hindi man lang nakikita ang balikat ng kapatid ko?"

"Kaya nga bumalik ako dito kasama ang pinagkakatiwalaan kong kaibigan na kumpermahin kung tama nga ba ang aking hinala hanggang sa nangyari yung kanina." Sagot niya kay General Dale at umiwas ng tingin dahil alam niyang mali ang ginawa nila kanina na paghimasok.

"Kung ganun itikom niyo yang mga bibig niyo dahil kung hindi...........mapapaaga ang paghiga niyo sa ilalim ng lupa." Banta ni General Dale sa dalawa.

"Huwag po kayong mag-alala. Itatago po namin ang tungkol sa dalawang bata, kaya nga kami nandito dahil gusto naming unahan ang templo sa kanila para protektahan at para hindi nila maranasan ang pait ng buhay sa templo." Taas noong sagot ni Healer Lacy na kinabigla ni Healer Sloan dahil nagsalita ito.

"Kung ganun pala, kayo ang magiging daan namin para malaman namin ang nagaganap sa templo." Sabi ng Empress sa dalawa.

"Opo, Kamahalan. Handa po kaming maging espiya niyo para sa dalawang bata." Tugon ni Healer Lacy sa Empress.

"Mabuti. Pero kung magtataksil kayo sa amin, ako mismo puputol ng hininga niyo." Banta rin ni General Leon sa dalawa, mas matindi pa kesa kay General Dale kaya naman takot ang namuo sa buong katawan ng dalawa.













Habang pinagpapatuloy ng Emperor, Empress, at ng mga General pati na ang dalawang Healers ang kanilang pag-uusap.

Sa kabilang banda naman kung saan nasa silid ni Thera ang tatlong Prinsipe kasama ang tatlong kambal na nakahiga sa sariling higaan na para sa kanila.

"Kuya Jihan, hindi ko maintindihan kanina kung bakit labis labis ang gulat nila na malaman nilang Disciples sila Luki at Xixi " Inosenteng tanong ni Prinsipe sa kaniyang kuya na si Prinsipe Jihan.

"Dahil kukunin sila ng templo." Sagot naman ni Prinsipe Jihan kay Prinsipe Jairto.

"Ha?! Bakit naman po?" Gulat na tanong ni Prinsipe Jairto

"Dahil ang mga kagaya nila na alagad ng diyos at dyosa ay kailangan nasa templo lamang." Sagot naman ni Prinsipe Jovan sa kapatid nila.

"Ayaw ko po nun Kuya, ayaw ko pong malayo sa atin ang kapatid natin lalo na si Xixi. Ayaw ko kuya, ayaw ko!" Hindi pagsang-ayon ni Prinsipe Jairto sa ideyang nasa templo dapat ang dalawang taong mahalaga sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala, hindi sila makukuha ng templo sa atin." Seryosong wika ni Prinsipe Jovan habang nakatingin sa natutulog na si Thera.

"Tama si Jovan, Jairto. Hindi hayaan nila Mama at Papa na kunin ng templo ang kapatid natin pati na si Thera. Tiyak akong gagawa sila ng paraan para maprotektahan silang dalawa." Sabi ni Prinsipe Jihan.

"Poprotektahan ko sila." Bigkas ni Prinsipe Jovan dahilan upang mapatingin ang dalawang Prinsipe sa kaniya.

"Ako rin poprotektahan ko silang dalawa, mag-aaral na ako ng mabuti at mapapalakas para maprotektahan silang dalawa." Matapang na usal ni Prinsipe Jairto.

"Ako rin, protektahan natin sila." Sabi ni Prinsipe Jihan habang nakangiting nakatingin sa dalawang niyang kapatid na nais protektahan ang dalawa.












Last update para sa araw na ito, bukas po ulit. Maraming salamat po, ingat po kayong lahat palagi ^^

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon