Habang abala ang ama ni Thera pumili ng makakain nila, nakaramdam naman siya na kailangan niyang pumunta ng palikuran.
"Dada?" Tawag nito sa kaniyang Ama
Tumingin naman agad sa kaniya ang General, "Ano yun?" Tanong ng kaniyang ama sa kaniya.
"Punta lang po akong palikuran." Paalam ng ni Thera sa kaniya.
"Okay." Sagot nito at saka bigla itong tumayo, nagtataka namang tumingin si Thera sa kaniya.
"Dada?" Nagtataka tawag niya sa kaniyang ama.
"Tara na samahan kita." Sabi nito sa kaniya.
Gulat namang napatingin sa kaniya si Thera, "D-Dada, a-ako na nalang po." Nahihiyang sagot nito sa kaniyang ama.
Napansin naman ng General ang kilos ni Thera kaya sumagi sa kaniyang isipan na babae ang kaniyang anak at una sa lahat bata pa ito.
Nahihiyang naman umupo ang General sa kaniyang pwesto at tinignan ang anak niyang nakayuko, "Patawad, nakalimutan ko......ngunit sinong sasama sa'yo?" Tanong niya kay Thera, may bakas na kunting pag-aalala na baka may hindi magandang mangyari sa anak niya kapag wala siya sa tabi nito.
"Kaya ko po Dada, at saka–" Hindi natapos ang sasabihin ni Thera ng makita niya ang isang babae na may dala-dalang pagkain na tiyak niyang nagtatrabaho ito dito.
"Magpapasama po ako sa kaniya." Sabi ni Thera sa kaniyang ama habang nakaturong nakatingin sa babaeng malapit lang sa kanilang pwesto na tapos na ring magserve sa kabilang lamesa.
Narinig yun ng babae kaya napatingin ito sa gawi nila kaya bigla itong nagulat dahil sa General na nakatingin din sa kaniyang kinaroroonan.
Nagmamadaling lumapit si Thera sa babaeng tinuro niya at ngumiting nakatingin sa General, "Pupunta lang po ako ng palikuran Dada, sandali lang naman po at saka may kasama naman po ako eh." Nakangiting paalam nito sa General habang nakahawak sa kamay ng babae na gulat pa rin sa nangyayari.
Tumingin si Thera sa babae na nakangiti parin, "Pasama lang po ako saglit sa palikuran, Ate?" Sabi nito sa kaniya habang may patanong sa huli dahil hindi niya alam ang pangalan nito.
"M-Marie p-po." Nauutal nitong sagot kay Thera dahil sa dala ng gulat at hiya na nararamdaman, "S-Samahan ko po kayo ."
"Salamat." Ani ni Thera dito at saka binalingan muli ng tingin ang kaniyang ama na may panatag ng ekpresyon sa mukha dahil may kasama na ang kaniyang anak, "Sandali lang po ako, Dada." Paalam ni Thera bago siya umalis kasama ang babae na nagngangalang Marie.
Maya-maya lang ay huminto sila sa isang pinto, "Nandito na po tayo." Nahihiya ngunit may paggalang na usal ni Marie sa kaniya kaya sinuklian niya ito ng isang ngiti na siya namang ikinagulat at ikinapula ng mukha ni Marie.
"Pumasok na po kayo." Nahihiyang sambit ni Marie sa kaniya, tumango naman si Thera at bahagyang napatawa dahil sa pinapakitang kilos ni Marie, "Cute. " Ang salitang tanging bigkas ni Thera sa kaniyang isipan.
Pagkapasok sa loob ni Thera sa palikuran ay kaagad itong pumunta sa kobeta upang makaihi na dahil kanina pa ito nagpipigil.
Pagkatapos nito ay lumabas na siya, naabutan nito si Marie na nakabantay sa labas ng pinto.
"Ehemm." Pagtikhim nito upang maipabatid kay Marie na tapos na siya.
Napatingin naman agad si Marie sa kaniya, "Ayos na po kayo?" Tanong nito sa kaniya, tumango na lamang si Thera bilang tugon sa tanong niya.
Pagkatapos ng usapan nila ay nagpasya na si Thera na bumalik na sa kanilang pwesto ngunit may isang nagtatrabaho din sa restaurant na biglang lumapit kay Marie.
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...