Wala sa sarli habang tinatahak ni Helios ang daan patungo sa main mansion kung saan sila nanatili.
Bakas sa mukha nito ang lungkot habang naglalakad ay hindi mawala sa paningin nito ang sulat na kaniyang binasa at ang kasama nitong kahon na iniwan ni Thera sa kung sino man ang unang makakabasa ng sulat na iniwan niya bago siya umalis.
Habang naglalakad siya napansin naman ng ibang katulong sa mansion ang aura na ngayon lang muli ulit nila nakita.
"Anong nangyayari kay young master Helios? Tila yata wala ito sa kaniyang sarili gaya na lamang nung pumanaw ang Dukesa." Bulong ng isang katulong sa kasama nito.
"Matagal ng wala ang Dukesa, malabong siya ang dahilan dahil hindi naman ngayon ang araw ng kaniyang kamatayan para magka-ganiyan si young master."
"Baka naman nagtalo ang magkapatid o silang mag-ama" Kumento ng iba, rinig man ni Helios ang kanilang pinagsasabi ngunit sinawalang bahala niya na lamang ito at tinungo ang kaniyang sariling silid.
Pagkapasok at pagkasarado nito sa pinto ng kaniyang silid dumaretso ito sa kaniyang hinihigaang kama.
Pagkahiga nito ay nanumbalik ang pakiramdam na nagpapahirap sa kaniyang damdamin, ang emosyon na hindi na niya nais maramdaman pang muli.
Ang emosyong nagbibigay sa kaniya ng lungkot dahilan upang lumabas ang pagkaiyakin nitong pagkatao.
Emosyong magpapahirap sa kaniya sa kadahilanang nagsisisi ito na nahuli na siya at wala ng nagawa pa upang tuparin ang isang pangakong napaka halaga sa kaniya at sa kanilang ina.
"I-Ina, p-patawad." Umiiyak nitong bigkas habang tumatangis.
"H-Hindi ko n-natupad ang pangako ko sayo ina."
"H-Hindi ko nagawa ang responsibilidad ko bilang kuya sa kan'ya."
"Nakapa iresponsable kong kuya, kapatid sa kaniya."
"Napaka wala kung kwentang kuya, ina." Tumatangis nitong usal habang nakasabot sa kaniyang sariling buhok.
"P-Patawad."
"P-Patawad"
"P-Patawad."
"P-Patawad ina!" Paulit-ulit nitong panghihingi ng patawad habang walang tigil na tumatangis.
"Helios." Tawag sa kaniya ng isang tinig, walang iba kundi si Hans ang nakakatanda nang, nilang kapatid, ang kuya nilang si Hans
Nagtataka, naguguluhan at nasasaktan itong nakatingin sa kanyang kapatid na walang tigil na tumatangis nang simula nung siya ay pumasok sa silid ng kanyang kapatid.
"Helios." Tawag muli nito sa pangalan ng kanyang kapatid ngunit tila walang naririnig si Helios dahil patuloy pa rin itong tumatangis habang nakayakap na sa sarili at paulit ulit na binibigkas ang salitang, "Patawad, Ina.".
Ang tanging nasa isip lang ni Hans kung bakit nagkaganito ang kanyang kapatid ay dahil baka naalala na naman nito ang kanilang pumanaw na ina.
Hindi nito kayang makita ang ganitong sitwasyon ng kaniyang kapatid dahil pakiramdam nito ay pinipiga ang kanyang puso sa sakit na makitang nasasaktan ang kaniyang kapatid na hindi alam kung ano o paano ito matutulongan.
Lumapit ito kay Helios at hinarap ito, "Helios." Pagkuha nito sa kaniyang atensyon dahilan upang mapunta sa kaniya ang tingin ni Helios.
"K-Kuya." Naluluha tawag nito tawag sa kaniya na siya namang mas lalong nagpalambot sa walang emosyong mukha ni Hans. Hindi niya matiis, hindi niya kayang makita na nagkakaganito si Helios.
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...