Pagkarating namin sa training grounds nila Dada, agad na hinahanap ng aking mga mata ang kinaroroonan nila.
Kaagad ko naman siyang nakita sa isang gilid habang nasa harap nito ang tatlong prinsipe na sila Jovan, Jihan at Jairto kasama na rin nila si Azelo sa pag-eensayo.
Hindi ko man naririnig ang sinasabi ni Dada sa kanila ngunit tiyak ako na tungkol iyon sa kanilang dapat gawin para maging mahusay sa paggamit ng sandata.
Dahil alam ko na kung saan ang kanilang pwesto nagsimula na akong maglakad para makarating sa kanilang kinaroroonan.
Pagkarating ko sa kanilang pwesto napatigil sa pagsasanay ang tatlong prinsipe at si Azelo dahil nakatingin sila sa pwesto ko, nagtaka naman si Dada kaya pati siya ay napatingin din sa pwesto ko.
"Princess!" Masayang bigkas ni Dada sa aking pangalan, Dali dali naman akong lumapit sa pwesto niya.
Pagkalapit ko sa pwesto niya kaagad niya akong kinarga, "Hindi ka sumabay sa almusal kanina dahil sinasabi sa akin na may gagawin ka." Sabi niya sa akin na may lungkot sa kaniyang boses.
"Bakit parang nasobrahan naman yata sa pagiging softhearted ang Dada ko?"Ani ko sa aking isipan.
"Sorry Dada, sinabi ko kasi kay Jai na ipapatikim ko sa kaniya ang gawa kong candy."Paghingi ko ng paumanhin at pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Binalingan niya sandali ng tingin si Jairto hindi ko na kailangan sabihin kung pano niya sulyapan si Jairto dahil tiyak ako na masama ang tingin nito sa kaniya.
"Ano ang candy na sinasabi mo, prinsesa ko?" Tanong sa akin ni Dada.
Ngumiti ako kay Dada bago ko tignan si Ate Alyana, "Ate Alyana pakisuyo, ibigay mo sa akin ang isang garapon." Pakisuyo ko sa kaniya, nilabas niya ang isang garapon at binigay sa akin.
Pagkabigay niya sa akin kaagad ko itong binuksan at kumuha ng isang piraso ng gawa kong candy at saka ako tumingin kay Dada.
"Ah ka Dada." Utos ko sa kaniya habang pinaka sandali ang pagnganga ng aking bibig.
Pagkanganga niya sinubo ko sa kaniya ang isang piraso ng candy na kinuha ko sa garapon na inabot sa akin Ate Alyana.
Nakita ko naman ang hindi makapaniwalang ekpresyon ni Dada habang nginunguya ang candy na nasa bibig.
"Anong klaseng pagkain ito baby? Matamis siya at unti unti siyang natutunaw sa bibig ko." Tanong niya sa akin.
Malapad naman akong ngumiti sa kaniya, ”Candy po yan Dada, yan po ang pinagkaabalahan ko kanina kaya hindi na kita nasabayang kumain kanina."
"Candy? Ikaw ba nakaisip nito?" Hindi makapaniwala nitong tanong sa akin.
Naisipan ko lang gumawa pero ng ancient egyptians ang tunay na nakaisip o nag-imbento ng candy.
"Opo Dada." Nakangiti kong sagot sa kaniya.
Naway patawarin ako dahil parang inaangkin ko ang gawa ng iba, bakit kasi wala pang candy o lollipops sa mundo na ito?
"Ang galing galing mo baby!" Puring wika niya sa akin sabay yakap sa akin ngunit panandalian lamang kaagad ding kumalas sa pagkakayakap sa akin.
Tinignan ko ulit si Ate Alyana, " Ate pakibigay po kay prinsipe Jihan ang isang garapon, pati na rin si prinsipe Jovan at yung isa kay Jai naman po." Utos ko kay Ate Alyana.
Isa isa naman niyang binigay ang garapon ng candy sa tatlong prinsipe, sa dalawang prinsipe wala akong nakitang emosyon sa kanilang mukha maliban lang kay Jai na masayang nakatingin sa garapo ng candy na binigay sa kaniya ni Ate Alyana.
"Maraming salamat, Xixi." Pagpapasalamat sa akin ni Jai habang malawak pa rin ang ngiti sa kaniyang labi.
Napangiti nalang ako sa pinakita niyang kilos sa akin, "Walang anuman."
Sumenyas ako kay Dada na ibaba ako, pagkababa niya sa akin agad akong lumapit kay Azelo na abalang nakatingin sa tatlong prinsipe na nagsasayang kumakain ng candy nila.
Pagkalapit ko sa kaniya kaagad kong inabot ang garapon ng candy kanina na inabot sa akin ni Ate Alyana.
"Para sayo ito." Sabi ko kay Azelo at inabot sa kaniya ang hawak hawak kong garapon ng candy.
Saglit siyang natigilan ng inabot ko ang garapon sa kaniya kaya nagtaka ako.
"Ayaw mo ba?" Tanong ko dahil hindi niya parin kinukuha ang candy na inaabot ko sa kaniya.
Ramdam ko naman ang patingin sa gawi naman ang tatlong prinsipe lalo na si Dada dahil ramdam ko ang aura nito.
"Kung ayaw mo, ak—" Hindi natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang kunin sa akin ang garapon.
Napangiti naman ako sa kaniya ng kunin niya ang garapon naguluhan ako dahil namumula ang pisnge nito at kaagad na umalis.
"Ha? Bakit siya umalis?" Takang tanong ko habang tinatanaw ang papalayong si Azelo
"Walang galang na bata, malalagot sa akin yan mamaya." Rinig kong bulong ni Dada na hindi naman naka ligtas sa akin tenga dahil malakas ang aking pandinig lalo na ang aking pandama.
Sinawalang bahala ko nalang ang biglaang pag-alis ni Azelo at ang bulong ni Dada dahil tiyak akong papahirapan niya lang sa pag-eensayo si Azelo, makakatulong naman iyon sa paglago ni Azelo kaya hindi na ako makikielam sa gagawin ni Dada sa kaniya.
"Yung akin nasaan?" Tanong ni Dada pagkaharap ko sa kaniya kaya natigilan ako.
Patay! Dapat pala limang garapon ang ginawa kong candy.
Nag-aalangan naman akong tumingin kay Dada na may hindi maipaliwanag na ngiti, "A-Apat lang kasi yung garapon ng candy Dada." Dahil nahihiya ako yumuko nalang nako.
"Bakit kasi nakalimutan ko ipang tabi si Dada? Huhuhu." mangiyak ngiyak ko sa aking isipan.
Naramdaman ko naman ang paghawak ng isang kamay sa akin pisnge, nakita ko naman na nakapantay pala sa akin si Dada.
"Ayos lang princess, gawan mo nalang ako sa susunod." Sabi niya sa akin ramdam ko naman ang lambing sa boses niya.
Napatango nalang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon sa kaniyang kagustuhan habang nakangiting nakatingin sa kaniya.
"Akin lang ang mga gagawin mong candy sa susunod." Ani ya habang may diin sa bawat sa salita na nakatingin sa mga prinsipeng abalang kumakain ng candy.
Nagtataka naman silang nakatingin sa amin dahil naramdaman nila ang pagtingin namin sa kanilang pwesto, isa isa nilang kaming tinignan at napatingin sila sa isa’t-isa.
Palihim naman akong napatawa dahil sa mga nangyari.
"Sana ganito nalang lagi hanggang dulo."
"Walang gulo, masaya nag lahat."
"Sana."
thank you for reading everyone ingat po kayo lagi and always stay healty.🤍
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...