Pagbalik nila Thera at ng General sa kanilang tahanan kasama si Azelo ay sinalubong sila ng mga katulong at iba pang knights, butlers nito na nagbigay galang kanila.
Masaya namang hinarap ni Thera ang mga ito, "Nandito na po kami!" Masayang sigaw ni Thera sa kanila habang may ngiti sa kaniyang mga labi.
Labis naman ang tuwa ng mga katiwala ng Valor sa narinig nila ang sinabi ng kanilang munting prinsesa, hinarap nila ito at ginantihan ng ngiti, "Maligayang pagbabalik Master at sayo rin young miss Thera." Sabay-sabay nilang saad na may paggalang sa kanila.
Napangiti na lamang si Thera sa kaniyang narinig at nasaksihan.
Lumapit naman ang butler na si Sen sa kanila, "May nakahanda na pong pagkain para sa inyo Master at Young miss." Ani 'ya sa kanila, napako ang tingin nito sa isang batang lalaki na kanilang kasama na pumasok.
Napansin naman ni Thera ang pagtingin ng butler kay Azelo kaya naman, "Siya po si Azelo, Lolo Sen. Dito na po siya kasama ko, pumayag po si Dada." Pagbigay alam ni Thera sa kaniya patungkol kay Azelo dahil alam nito na hindi basta-basta nagsasama ng kahit sino ang kanilang Master.
Napatango na lamang si butler Sen sa sinabi sa kaniya ni Thera.
"Ayusan niyo siya at linisan, sasama siya sa amin sa pagkain mamaya dahil hindi kami naka kain kanina sakadahilanang may nangyari." Utos ng General sa kanila.
Napatingin naman ang General kay Thera, "Mag-aayos ka pa sa iyong sarili bago kumain dahil galing tayo sa labas at mapahinga ka ng kunti dahil tiyak ko na napagod ka sa paglilibot natin kanina." Saad ng General sa kaniya ramdam sa boses nito ang lambot at lambing habang binibigkas ang mga katagang iyon sa kaniyang anak.
Napatango naman si Thera sa kaniya at ginawaran ito ng isang ngiti kung kaya't binaba siya ng General at sinalubong naman si Thera ni Alyana para alalayan ito papunta sa kaniyang silid.
Pagkapasok ni Thera sa kaniyang silid, umupo na muna ito sa upuan na malapit lang sa kaniyang kama.
"Pagod na pagod ka Thera ah, nag-saya ka ba sa pamamasyal ninyo ng iyong ama?" Tanong ni Alyana sa kaniya.
Masaya namang tumango si Thera sa kaniya, "Opo. Ang ganda parin po sa pamilihan, ate Alyana. Ito po ang pangalawang beses na nakapunta po ako doon." Sagot ni Thera sa kaniya na may ngiting hindi matutumbasan dahil sa saya na nararamdaman nito.
"At saka may nakilala din po ako doon. Yung kasama ko po kanina, magiging kasama ko siya dito Ate." Dagdag pa nito.
Labis-labis naman ang saya na nararamdaman ni Alyana dahil sa loob ng limang na nakasama niya ito, ngayon niya lang ito na nakitang sobrang masaya habang nakukwento sa kaniya.
Napaluha nalang itong nakatingin kay Thera habang pinagmamasdan nito ang kaniyang alaga, "Masaya ako para sayo, Thera." Lumuluhang nakangiti nitong wika kay Thera kaya agarang napatingin sa kaniya si Thera.
"Hindi mo man naranasan ito noon sa totoo mong pamilya ngunit naranasan mo naman sa kalinga na binibigay sa iyo ng General." Dagdag nito at saka nito niyakap si Thera, hindi naman kaagad nakakibo si Thera sa kaniya.
Napangiti na lamang si Thera na ginantihan ang yakap ng kaniyang umiiyak na Ate, "Parang isang panaginip lang diba, Ate Alyana?" Tanong nitong wika sa kaniya.
"Ngunit hindi ito panaginip dahil ito ang reyalidad."
"Hindi na ako ang batang inambandona ate. Hindi na ako si Thera Howard dahil ako na si Thera Roxiae Valor." Makabulohan nitong bigkas na siya namang ikinakalas ni Alyana sa kaniya mula sa kanilang pagkakayakap.
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...