THIRD PERSON POV.
Pagkabalik ni Thera sa loob ng palasyo naabutan niya na nagkakagulo ang Emperor, Empress, at ang Healers na galing sa Templo.
"Hindi niyo maaaring hawakan ang mga anak ko wala man lang permiso na galing sa akin!" Sigaw ng Empress sa isang matanda.
"Bakit ko naman kailangan hingin ang permiso mo? Ako ang pinuno kaya gagawin ko kung anong gusto ko." Sigaw pabalik nung pinuno ng templo sa Empress.
"Magdahan dahan ka sa pananalita mo. Asawa ko yang sinisigawan mo at Empress ng kahariang ito!" Galit na sabi ng Emperor sa matanda.
"Napaka simple lang ng gusto namin ngunit pinapalala niyo lang, gusto lang namin tignan ang mga bata ngunit hindi kayo pumapayag."
"Hindi po niyo ba kayang intindihin na ayaw nilang hawakan niyo ang mga anak nila?" Pagsingit ni Thera sa gulo.
Napunta naman sa kaniya ang tingin ng lahat, "At anong karapatan ng mababang kagaya mo na mangielam sa usapan namin?" Pagmamaliit ng matanda kay Thera.
"Ang batang sinasabihan mo ng mababa ay apo ko." Mariing pagkakasabi ng bagong dating sa palasyo na Lolo ni Thera sa tunay niyang pamilya.
"A-Adamion?" Natatakot na bigkas ng matanda sa pangalan ng Lolo ni Thera.
Lumapit sa pwesto ni Thera ang Lolo niya sa hiwakan siya nito sa ulo, "Hindi ka pa pumupunta sa bahay natin." Sabi nito kay Thera.
"Hindi naman po kailangan." Daretsong sabi ni Thera sa kaniya.
Bahagya namang napatawa ang Lolo ni Thera at binuhat siya nito, "Hihiramin kita ngayon, pagkatapos ng kahulugan na nagaganap dito." Sabi niya at madilim na tinignan ang pinuno ng templo.
"Ang lakas ng loob mong itaas ang inyong sarili sa Empress at Emperor. Isa ka lang namang walang kwentang pinuno ng templo." Sabi ng Lolo ni Thera sa matanda.
"A-Adamion, g-gusto lang naman namin matignan ang mga bata kung isa ba sa kanila ang may simbolo ng propesiyang libro." Utal na sabi ng matanda sa Lolo ni Thera.
"Ngunit ayaw ng Kamahalan na galawin niyo ang kanilang anak ngunit nagpupumilit pa rin kayo sa inyong nais."
"Baka dahil isa sa kanila ang may simbolo ng propesiyang libro, nilalabag nila ang kagustuhan ng diyos at dyosa." Desperado at may mapaglarong ngiting usal ng matanda.
"Kagustuhan ng diyos at dyosa o sa pagsarili niyo interest?" Pabalang na tanong ni Thera.
"Lapastangan!" Sigaw ng matanda habang nakaturo kay Thera.
"Apo ko ang tinuturo mo! Baka gusto mong mapaaga sa apoy?" Banta ng Lolo ni Thera.
"Wala naman mawawala kung hayaan niyo kaming tignan isa isa ang mga bata 'di ba?" Sabi ng isang kasama ng matanda na nakakabasa ng propesiya.
"Manghingi kayo ng tawad sa amin." Walang emosyon utos sa kanila ni Thera na nagpagulat sa mga taga templo.
"A-Anong kara–"
"Kung gusto niyo matignan kami isa isa, maghingi kayo ng tawad sa amin dahil sa padalos dalos niyong pagpunta dito at sa hindi paggalang sa Empress at Emperor." Diing wika ni Thera sa kanila habang ang mga mata nito ay nag-aalab sa galit kaya naman ramdam ng mga taga templo takot.
Humanga naman ang Lolo ni Thera sa kaniya dahil hindi niya akalain nakuha ni Thera ang ugali na kayang magpasunod sa iba.
Mabilis namang lumuhod ang mga taong taga templo sa harapan nila, "Patawad sa aming inasal at ginawang kamalian!" Sabay sabay nilang sigaw lahat.
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...