CHAPTER 12

3.1K 124 1
                                    


KINAUMAGAHAN

Masiglang sinalubong ni Thera ang panibagong araw sa kaniya.

"Mabuhay! Panibagong araw na naman!" Masigla niyang sigaw habang nakaupo sa kaniyang higaan na nakataas ang dalawang kamay.

Nakangiti itong bumaba ng kaniyang higaan, kasabay sa pagbaba nito ang pagpasok ng dalawang katulong kasama na dito ang pinaka pinagkakatiwalaan niya sa lahat na si Alyana.

"Magandang umaga, young miss Thera." Nakangiting bati nito sa kaniya.

Patakbong lumapit sa kaniya si Thera at niyakap ito kahit na hanggang hita lang siya ni Alyana.

"Magandang umaga din sayo,  Ate Alyana." Nakangiting bati rin ni Thera sa kaniya pabalik.

Tumingin siya sa kasama ni Alyana na pumasok sa kaniyang silid at ginawaran ng isang ngiti,  "Sa inyo rin po, magandang umaga."

Natuwa naman ang mga ito sa kaniya, sobrang silang nasiyahan lalo na sa paningin nila ay napaka inosente at magandang bata si Thera.

"Hinihintay ka na ng iyong Ama, Thera kaya mag-asikaso ka na sa iyong sarili. Tutulongan ka namin maghanda." Sabi sa kaniya ni Alyana at saka siya nito binuhat.

Tumingin ito sa mga kasama niya, "Ako na bahala magpaligo sa kaniya kayo naman bahala sa paghanda ng kaniyang gamit at susuotin." Bilin nito sa kanila bago pumasok sa paliguan ni Thera.

Manghang-mangha naman si Thera na nakatingin sa loob ng kaniyang paliguan dahil sa mga nakakaantig nitong mga disenyo.

"Grabe c.r palang the best na HAHAHAHAH...I'm rich." Tuwang ani ni Thera sa kaniyang isipan

"Char...baka mausog pa bigla." Biro niya.

"Tanggalin ko na kasuotan mo Thera para mapaliguan na kita." Sabi sa kaniya ni Alyana, tumango nalang ito bilang tugon.

Pagkatapos tanggalin lahat ni Alyana ang kasuotan ni Thera sa katawan, binuhat niya ito upang ibabad siya sa bath tab. Sinimulan na rin niyang linisin ang katawan nito .

Maya maya lang ay natapos na itong asikasuhin si Thera kaya pinunasan na niya ito at pinasuot sa kaniya ang isang simpleng damit na sinusuot pagkatapos maglinis sa sarili.

Pagkalabas nila, gulat na nakanganga si Thera ng makita niya ang sandamakmak na magagarbong damit, palamuti at alahas.

"G-Gamit ko ba lahat ng yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Thera sa kanila.

Nakangiting tumango sa kanya ang mga ito bilang sagot sa kaniya.

"Opo. Binili po ng General ang mga iyan para sa iyo, young miss Thera." Sagot naman ng isang katulong kay Thera.

"Ang dami naman po ng mga yan."

"Halika ka na, bihisan na kita at ayusan dahil panigurado ako na kanina ka pa hinihintay ng iyong ama." Sabi ni Alyana sa kaniya at inupo siya nito sa harap ng salamin kung makikita rin ang iba't-ibang uri ng palamuti sa buhok.

Nagulat si Thera ng mahagip niya ang isang bagay dahil ramdam nito ang lakas ng enerhiya mula sa bagay na iyon.

"Ano 'to? Bakit may nararamdaman akong enerhiya?" Tanong ni Thera sa kaniyang isipan

Habang inaayusan siya nila Alyana hindi mawala-wala ang paningin nito sa bagay na pumukaw ng kaniyang atensiyon.

"Ate Alyana?" Tawag ni Thera kay Alyana.

Tumingin naman sa kaniya si Alyana upang malaman kung bakit siya nito tinawag.

"Si Dada po ba nagbigay niyan?" Turo niya sa isang kahon kung saan nakalagay ang isang bagay na mistulang dyamante.

"Oo. Kasama yan sa mga binigay niya sa amin, yan ang huling binigay niya sa akin na pinapabigay niya sayo dahil wala siyang maisip kung ano ang dapat niyang iregalo sayo." Sagot nito sa kaniya.

Aabutin sana ni Thera ang kahon ng unahan siya ni Alyana at inabot sa kaniya, "Napaka gandang pagmasdan ng dyamante na iyan Thera, mukhang pinaghandaan talaga ng iyong ama yan para sayo." Sabi ni Alyana sa kaniya habang nakangiti.

Nakangiti naman siyang nakatingin sa hawak niya, "Ramdam ko ang enerhiyang dumadaloy sa batong ito, ano kaya ang gamit nito?" Tanong nito sa kaniyang isipan habang nakatingin sa hawak-hawak niya.

"Oh tapos ka na naming ayusan, Thera." Rinig niyang sabi ni Alyana kaya tinignan nito ang kaniyang sarili sa salamin.

Namumula siyang nakatingin sa sarili ng masuri niya ang kaniyang sarili dahil bagay na bagay sa kaniya ang kasuotan at ayos na ginawa sa kaniya nila Alyana.

Humarap siya sa mga ito at binigyan ng ngiti, "Maraming salamat po." Pasasalamat nito sa kanila.

Labis nama ang tuwa na naramdaman nila dahil sa nakita nilang nagustuhan nito ang ayos na ginawa nila sa kaniya na sya namang mas lalong bumagay sa kaniya dahilan upang mas lumitaw ang kagandahan nito.

"Tara na, Thera. Puntahan na natin ang General." Ani ni Alyana at kinuha ang kamay nito.

Bago umalis ng silid si Thera kinuha nito ang regalo sa kaniya ng kaniyang ama at palihim na inilagay ito sa kaniyang storage ring na hindi nakikita ng sino man maliban sa kaniya at sa taong nagbigay sa kaniya nito.

Lumapit siya ulit kay Alyana at hinawakan ang kamay nito at saka sila gumayak patungo sa kinaroroonan ng kaniyang ama.

Pagkarating nila sa dinning room, naabutan ni Thera ang kaniyang Ama na kaupo habang kausap nito si Sen, ang butler.

"Era." Nakangiting tawag sa kaniya ng kaniyang Ama.

Lumapit dito si Thera at saka naman tumayo ang General upang salubungin ang kaniyang anak.

"My precious daughter, maganda ba tulog mo?" Lambing nitong tanong kay Thera bago niya ito panandaliang halikan sa noon si Thera.

"Opo, Dada." Magiliw na sagot ni Thera sa kaniya na siya namang ikinatuwa ng General dahil sa taglay nitong kakyutan.

"Mabuti naman kung ganun." Sabi nito sa kaniyang anak bago ito i-upo at ipaghanda ng makakain sa kaniyang plato.

"Kumain ka ng marami dahil mamasyal tayo ngayon sa pamilihan." Saad ni General sa kaniyang anak pagkatapos nitong bumalik sa kaniyang upuan na katabi lang ni Thera.

"Mamasyal po?" Inosenteng tanong ni Thera sa kaniyang Ama.

"Oo, sa pamilihan para makapag-libot ka at makabili ng mga gusto mo." Sagot ng General sa kaniyang anak na may ngiti sa kaniyang mga labi.

Kaya labis ang paninibago ng mga taong saksi sa loob ng dinning room sa kilos na pinapakita ng kanilang Master ngunit masaya ang mga ito na makita ang ganung ugali niya.

Tuwang-tuwa ang General na kinakausap at pinapanood si Thera na kumakain dahil mas lalong lumalabas ang pagiging cute nito sa sunod-sunod nitong pagsubo ng pagkain na nilalagay ng General sa kaniyang plato.





T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon