Chapter 19-Edited

2.6K 118 9
                                    


KINAGABIHAN

Buhat buhat ni General Leon ang kaniyang anak na si Thera papasok sa silid nito.

Pagkapasok sa loob ay binaba niya si Thera sa higaan niya at tinabihan ito.

"Matulog kana prinsesa ko." Kaswal na sambit ni General sa kaniyang anak at saka niya ito ginawaran ng halik sa noo.

May tuwang tumango si Thera sa kaniyang ama.

"Dada, punta po ako ulit sa pinagsasanayan niyo bukas po ah." Pagpaalam nito sa kaniyang ama.

Hinahaplos naman ng General ang buhok nito ng panandalian, "Sige, basta magpasama ka sa personal maid mo papunta doon." Bilin nito sa kaniya.

Masaya namang muli na tumango ng ilang beses sa kaniya si Thera sabay halik sa pisnge ng kaniyang ama.

"You're the best Dada, hehehe"

Natawa naman ang General sa naging asal ng kaniyang sa kaniya.

Nakangiti siyang nakatingin sa anak ngunit naghalo din yun kaagad ng pumasok sa isipan niya ang mga katagang sinabi ng kaniyang butler sa kanilang pag-uusap.



"Paano kung hanapin at kunin siya ng totoo niyang pamilya?"


"Ikaw ang kinikilalang ama ngunit hindi ikaw ang tunay na kadugo."



Napansin naman ni Thera ang pagbago ng ekpresyon ng kaniyang mata, mas nabasa nito ang kaniyang emosyon dahil sa mata nito na puno ng takot at lungkot.

"Dada?" Nag-aalalang tawag ni Thera sa kaniyang ama.

Pilit namang ngumiti sa kaniya ang General kaya mas lalong nag-aalala sa kaniya si Thera.

"Dada, okay ka lang po ba?" Tanong nito sa kaniyang ama na may pag-aalala.

Napa buntong-hininga na lamang si General Leon dahil mukhang hindi niya makakayanang magpalusot sa kaniyang anak, ayaw niyang nag-aalala ito sa kaniya.

"Nakilala o nakita mo man lang ba ang iyong magulang kahit isang beses, princess?" Lakas loob na tanong niya kay Thera.

Natigilan naman si Thera sa biglaang tanong ng kaniyang ama lalo na't patungkol ang tanong nito sa pamilya niyang inambandona siya simula ng siya ay isinilang.

"H-Hindi po Dada." Nakayukong sagot sa kaniya ni Thera.

"Inambandona na po nila ako nung pinanganak ako kaya naman kahit isang beses ay hindi ko pa sila nakikita o nakilala." Dugtong niya at at saka daretsong tumingin sa kaniyang ama.


"Kahit na makilala ko sila, wala naman magbabago 'di ba? Isa pa rin akong batang mamamatay tao sa kanilang mga mata " Saad ni Thera sa kaniyang isipan.


"Paano kung hanapin ka nila at k-kunin?" Tanong muli ng General na mas ikigulat niya, kita niya ang lungkot sa mata ng kaniyang ama.

Nakatangang nakatingi si Thera sa kaniyang ama na hinihintay ang magiging tugob niya.


"Hanapin?...........at kunin?"



Nagsimula namang mamuo sa isipan ni Thera ang mga tanong na nagpapagulo sa kaniya.


"Kung ganun, ibabalik niya ba ako sa kanila?"



Nagsisimula na rin siyang makaramdam ng kirot sa kaniyang dibdib.


"Ibibigay niya ba ako sa kanila?"



Dahil sa mga tanong sa kaniyang isipan hindi na niya namalayan ang unti unting pagtulo ng kaniyang hula sa kaniyang mga mata.


"B-bakit?"




"Ayaw na ba niya sa akin?" Mga katanungan na nabuo sa kaniyang isipan.





"Prin—" hindi na napigil ang kaniyang naramdaman kaya dinambahan niya ng yakap ang kaniyang ama at sa balikat na niya siya tuloyang umiyak.

"Huwag niyo po akong ibigay!"

"Huwag mo po ako ibalik sa kanila Dada, huhuhuhu” Sabi niya sa General habang humahagulgol na nakayakap dito.

Hindi inaasahan ng General ang magiging tugon sa kaniya ng kaniyang anak dahil inaakala niya na ibabalik si Thera kapag kunin siya ng kaniyang totoong pamilya.

Labis ang kasiyahan na kaniyang nararamdaman dahil ang kaniyang anak na mismo ang nagsabi sa kaniya na huwag siyang ibalik sa kanila.

Hinarap niya si Thera sa kaniya na umiiyak pa rin, "Hindi talaga kita ibibigay o babalik sa kanila." Nakangiting ani 'ya kay Thera at saka nito hinawakan ang mukha niya upang punasan ang luha nito gamit ang kaniyang daliri.

Napatigil naman sa pag-iyak si Thera dahil sa narinig niya.

"Legal na anak kita, Thera." Sabi ni General Leon kay Thera, napanatag na ito ng makita niyang hindi na umiiyak si Thera.

Binuhat niya si Thera para paupoin ito sa kaniyang kandungan, "Anak na kita, Wala na silang karapatan sayo kahit na sila pa ang totoo mong kadugo o pamilya dahil nakuha ko ang mga dokumento sa pag-ampon ko sayo."

"Ta-Talaga po?" Utal na pagkatanong ni Thera sa kaniya

Nakangiti namang tumango sa kaniya si General Leon.

"Maraming salamat po Dada, dahil inampon niyo po ako." Nakangiting sambit niya sa kaniya ama.

Bahagya namang kinurot ng General ang pisnge ni Thera, "Ako ang dapat magpasalamat sayo dahil dumating ka sa buhay ko, sa buhay namin na pinasaya at pinasigla mo." Malambing na pagkakasabi sa kaniya ni General.

"Ikaw ang nagbigay buhay sa tahanang namin na walang kabuhay buhay, Princess."




"Ikaw ang prinsesa dito."



"Ikaw ang prinsesa namin." Sunod sunod niyang bigkas kay Thera na hindi na mabura bura ang matamis nitong ngiting pinupukol sa kaniyang anak, kita rin sa kaniyang mga mata ang kislap ng saya at pagmamahal na kaniyang nararamdaman.

Batid niyang maraming nagbago simula ng magtagpo ang landas nilang dalawa.

Dahil maski siya ay nagbago dahil sa batang kinatakutan niyang mawala sa kaniya.

Ramdam na ramdam niya din ang pagbabago ng lahat nung siya ay nakatira na sa kaniya, ang dating tahimik at walang kabuhay buhay na tahanan ay bigla na lamang naging masigla dahil sa pagdating ng isang batang nagbago sa kanila. Na siyang tunay naman na may pagbabago.

Pagbabago na bago sa nararamdaman ng lahat.

Pagbabagong ikinaginhawa ng lahat na nakapaligid sa muting batang nasa bisig niya.

Ang taong walang kahit anong kahinaan na ngayon ay may kinakatakutan na, kinakatakutang mawalay sa kaniya ang kaniyang minamahal na anak.

Takot na masaktan ito.

Takot na baka iwan siya nito.

Hindi na niya kilala ang sarili dahil sa naging asal niya lalo na't kapag nasa tabi niya si Thera. Napapakalma siya nito sa simpleng paraan lamang.

Ibang iba na siya sa dati, hindi na niya nakikita ang sarili bilang taong walang kahit anong pakielam sa ano mang bagay sa paligid niya.

Dahil sa mga pagbabagong nararanasan niya hindi na malabong may magbabago pa, kaya naman nakakatiyak siyang mas maraming pang magbabago sa hinaharap.

Ngunit nakahanda naman siya para sa kaniyang anak, biglang ama niya sa kaniya. Nakahanda siyang gawin ang lahat para sa ikakabuti nito.












Dahan dahang inayos ni General Leon si Thera upang makatulog ng maayos, pagkatapos ay kinumutan niya ito at saka niya muling hinalikan sa noo si Thera.

"Good night baby Thera, my little princess." Mahinang bigkas niya sa natutulog niyang anak bago lisanin ang silid nito.






Thank you for reading💜

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon