THERA POV.
Makalipas ang ilang buwan, isang taong gulang na ako sa katawan ko na ito bilang si Thera Howard kahit nasa 24 na talaga ako kapag ako si Alvara.
Walang pinagbago maliban sa lugar kung saan kami ngayon nakatira. Nasa mazon mansion kami ngayon dahil pinag-utos ng magaling kong ama sa mga nagbabantay sakin na dito kami para malayo sa kanila at mahigpit na pinagbilin daw kuno ng ama ko ang punta sa main dukedom mansion.
Bagot na bagot na ako sa buhay ko ngayon bilang batang walang ibang ginawa kundi ang makipag laro sa maids at gumapang-gapang lang dito sa loob ng kwarto.
Argh! Gusto ko ng lumaki, ang hirap maging bata na may matandang isipan!
Hindi pa ako nakakalabas kahit isang beses man lang dahil takot sila makita ng Duke kapag nasa labas kami.
Eh hello?!
sobrang layo kaya ng main dukedom sa mazon mansion no!
Ito kaya ang pinaka huli at dulong dulo na mansion ng mga Howard.
Psh! Nakakainis talaga!
Gusto ko man kausapin ang mga nagbabantay sakin para malibang man lang ako ag kaso hindi nila ako maiintindihan, sino ba naman kasi ang makakaintindi sa salita ng isang taong gulang na paslit pa lamang, 'di ba?
'Di ba wala naman?
Abala ako sa sarili kong sinusubukang tumayo ng may biglang pumasok sa silid ko.
Naudlot tuloy ang pagpraktis ko sa pagtayo.
Hay, buhay 'no ba yan.
"Hi, baby Thera." Nakangiting bungad sa akin ni Ate Alyana
Lumapit ito sa akin at binuhat ako, "Ang ganda mo talagang bata ka at ang kyut-kyut mo pa" Puri nito sa akin sabay pisil nito sa mga pisnge ko.
Ramdam kong namumula na pisnge ko pero 'di pa rin niya tinitigilan ang pagpisil ng mga ito.
"Dala ko na nga pala ang gatas mo." Masayang saad nito sa akin at sabay labas ng gatas na dala-dala niya pa sabay ipainom niya sa akin.
Ayaw ko man inumin ito dahil nagsasawa na ako sa lasa kaso wala naman akong magagawa dahil sa gulang ko na meron ako ngayong tanging pag-inom lang ng gatas ko ang pwede kong inumin o kainin dahil sa bata pa ako.
"Mabilis lang lumipas ang panahon sana kayanin mong mamuhay lalo na tuloyan ka ng inambandona ng Duke." Sabi ni Ate Alyana na may bahid na lungkot at pag-aalala sa kaniyang boses lalo na sa kaniyang mukha na kitang-kita ko ang awa nito sa akin.
Psh, kaya ko kahit wala ang tulong nila kung hindi lang ako nasa katawan ng isang bata baka inalayasan ko na ang mga yun ng maaga.
"Huwag kang mag-alala, Ate Alyana. Kakayanin kong mabuhay hanggang sa makaalis na tayo dito na kasama ka, kayo." Ani ko sa aking isipan habang nakatingin kay Ate Alyana.
Bumuntong-hininga ito habang nakatingin sa akin, "Matulog ka na, baby Thera" Sabi niya sa akin at ngumiti at saka niya ako nilagay sa crib tapos umalis na.
Tinabi ko ang gatas at saka ako dumapa para kumuha ng bwelo para makaupo sa crib ko, mga isang saglit lang ay nagawa ko makaupo sa crib ko.
Ang hirap nito ah.
Nasa crib ko ang ilang libro na dinadala ni Ate Alyana para kwentuhan ako pa minsan-minsan. kinuha ko ito para basahin dahil hindi ko magawang matulog ngayon, hindi pa man ako dinadalaw ng antok.
Kaya magbabasa na muna ako para antokin ako.
Habang nagbabasa ako, rinig ko ang dahan-dahang pagbukas ng pinto at ang mga yapak ng isang tao na dahan-dahang pumasok sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...