In last moment of my life, I remember Claire killed me.
After that last moment I lost consciousness but awoken again in unknown place, I only see is darkness it's empty but suddenly the empty darkness turned into bright light.
Because of that bright light, wala akong nagawa kundi ang ipikit ang aking mata, after struggling I managed to open my eyes but the only thing I see is the light Infront of me.
"Nasaan ako?" Tanging tanong ko sa aking isipan.
"Hinnggg~ ahhh~" Sinubukan ko magsalita ngunit iba ang lumalabas sa aking bibig tila boses pa ng isang sanggol.
"Ahh blahh wahh~{Nasaan ako?}" Hindi ako makapagsalita ng maayos, nagtataka ako dahil sa tono ng boses at sa ibang salita ang nabibigkas ko.
Tinaas ko ang mga kamay ko para suriin ang aking sarili, labis ang aking pagkagulat dahil kamay ng isang batang maliit ang nakikita ko, ginagalaw-galaw ko na para bang naglalaro upang kumpirmahin ang sitwasyon ko ngayon.
"Young miss?" Rinig kong maamong tinig ng isang babae kaya binaba ko ang aking kamay at tumambad sa akin ang isang babae na may suot na parang pang aliping kasuotan.
Naramdam ko nalang na tumaas ang aking katawan. nakapagtanto ko nalang na karga na pala ako nito. "Nagugutom ka ba, young miss? Gusto mo na bang iminom ng gatas?" Sunod-sunod nitong tanong sa akin habang hawak ang isang bote na may lamang gatas na para sa isang sanggol.
"Ahhh blahh{ Hindi }" sambit ko sa kan'ya, ningitian lamang ako nito at sinubo sa akin ang bote ng gatas na wala man lang pasabi.
Amp, sabi ko na hindi eh, hayss bakit ba kasi ako na reincarnate sa isang sanggol pa lang?
Kainis naman!
"Isang buwan na simula ng ikaw ay isinilang ngunit kahit isang beses lamang ay hindi ka magawang bisitahin ng Mahal na Duke dito upang ikaw ay makita o kamustahin man lang" Malungkot nitong sabi sa akin habang ako'y kaniyang pinapadede sa boteng naglalaman ng gatas.
"Duke? Saang lupalot ba ako ng mundo napadpad? Bakit naman may pa Duke, Duke pa...nasa makalumang panahon ba ako napunta?" Tanong ko sa aking isipan dahil wala din namang saysay kung magsasalita ako dahil nasa katawan ako ng isang buwan palang na sanggol.
Walang makakaintindi sa akin, sa lagay ko na 'to.
"Labis ang galit niya dahil sa pagkamatay ng duchess pagkatapos ka nitong ipanganak, ngunit bago pa mawalan ng malay ang dukesa ay pinangalanan ka n'ya munti naming prinsensa" Kaninang malungkot ang tinignan ngayon ay may sigla na ito.
Buti naman na may pangalanan ako, hindi ko gusto na dalhin pa sa mundong 'to ang mga pangalan ko sa unang buhay ko.
"Ikaw, ikaw si Thera Howard na anak nila Duke Alaric Howard at Duchess Julianne Howard." Banggit nito sa pangalan na labis kong kinabigla dahil alam na alam ko ang pangalan na ito lalo na tungkol sa pangalan ng Duke at Duchess.
Pinuproseso naman ng utak ko ang sitwasyon ko ngayon,
10%.......
30%.......
50%.......
70%.......
90%.......
100%, complete.
Ibig sabihin nasa reyalidad ako nang novel na binasa ko?!
Yung libro na binasa ko bago namin ginawa yung mission?
Ahhhhh! Bakit?!
"Nasa katawan ako ng isa sa karakter ng paboritong kong binabasa!" Gulat kong sigaw ko sa aking isipan na para bang humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan.
Sa lahat pa ng karakter na ma reincarnated ako, bakit sa kontrabida pa!
Bakit sa isang Thera Howard pa na villain sa novel na yun?!
Ayaw ko!
Ayaw kong mamatay ulit! Huhuhuhu
Kahit na naaawa ako sa kan'ya sa kwentong yun, ang unfair pa rin!
tinadhana siyang mamatay sa kwentong yun dahil pa pagiging kontrabida niya sa pagmamahalan ng Male lead at Female lead.
"Ahhh, wahhh!" Hindi ko ma tanggap!
hindi ko matatanggap 'to!
"Masama ba pakiramdam mo, young miss?" Nag-aalalang sabi ng maid sa akin kaya na pa tigil ako sa kakareklamo ko sa aking isipan.
Oo, meron.
"Ahh, umahhhhhh( 'di ko tanggap)." Sabi ko sa kaniya ngunit hindi naman niya maintindihan.
"Mukhang kailangan mo na yatang magpahinga, young miss." Sabi nito at binalik ako sa crib para ihiga, at iniwan niyang nakadede sa akin ang bote ng gatas.
Pinapahiga niya ako pero hindi niya kinuha ang bote, matutulog ba ako habang nakasalpak sa maliit kong bibig ang boteng gatas na ito?
Baka dito palang mamatay ako kapag nasamid ako sa gatas na 'to
"Matulog ka na young miss gabi na pala, papatayin ko ang ilaw ng sa ganun ay makatulog ka na ng mahimbing." Malambing nitong saad sa akin at saka ako hinalikan sa noo bago siya umalis para patayin ang ilaw.
Namayani ang dilim sa buong kwarto, tanging liwanag lamang ng buwan na nagmumula sa bintana ang nagsisilbing ilaw sa buong kwartong ito.
Tinabi ko ang bote sa aking tabi at tinaas ang aking dalawang kamay, "Hindi ko alam kung anong magiging papel ko sa mundong ito kung bakit ako nabuhay ulit at napunta sa katawan ito pero babaguhin ko ang daloy ng kwentong ito para maging ligtas at malayo ako sa kamatayan dahil kahit sa pangalawang buhay ko na ito ay isa pa rin akong batang inambandona ng sarili niyang pamilya't magulang." Mahabang salaysay ko sa aking isipan.
Mabuti malinaw pa sa akin lahat ng mangyayari kaya hindi na ako mahihirapan pang baguhin ang lahat ng nakatakdang mangyari sa akin dito sa mundong 'to balang araw.
Sisiguraduhin kong babaguhin ko ang buhay ko dito dahil ako na si Thera ngayon.
Gagawin ko lahat ng gusto ko, magiging malaya akong tahakin ang landas na gusto kong piliin.
"Hindi pa naman nagtatagpo ang landas namin ng mga iba't ibang karakter dahil halos isang buwan palang ako nang ipanganak ako kaya hindi pa huli ang lahat para baguhin ang daloy ng buhay ko rito at tumakas sa lugar na ito"
Sana lang hindi mapaaga ang pagkikita namin ng aking tunay na Ama dito sa katawang ito dahil kapag nagkita kami ng maaga sa hindi inaasahang pagkakataon ay baka namatay na ako bago pa ako makaalis sa lugar na ito.
Sana, sana hindi kami magtagpo ng maaga.
Hindi maganda ang unang buhay ko bilang Alvara kaya sana naman sa pangalawang buhay ko na ito ay maranasan kong mabuhay na malaya sa lahat at maging masaya man lang.
"Sa pagkakataong ito gusto kong mabuhay ng malaya." Determinado kong saad.
Baguhin ang nakasulat na nakatakdang buhay ng isang THERA HOWARD.
Babaguhin ko sa paraang alam ko, kahit anong mangyari!
Mabubuhay ako ng matagal, mas matagal sa buhay na nakapaloob doon sa novel na yun.
Thank you for reading ❣️
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...