CHAPTER 5

3.6K 155 5
                                    


THIRD PERSON POV

bumalik si General Leon sa training grounds ng mga knights na may masayang ngiti sa kanIyang labi kaya naman naninibago ang mga knights ng makita sIyang ganun dahil sanay sila sa matalim nitong tingin at walang emosyon nitong mukha.

"Maganda ang araw ng General ngayon."

"Mas gusto ko pa na ganiyan ang General."

"Nakakapanibago ang kilos ng General." Bulong bulongan ng ibang Knights

"Tila yata may napaka gandang nangyari ngayon General Leon para maging sobrang saya kang ganyan." Ani ng isang General na kasabayan lang ni General Leon na kilala din bilang mabangis sa pakikipagdigma gaya ni General Leon.

Si General Dale, ang General na nakakasama ni General Leon sa digmaan.

Bumalik naman sa dating matalim ang tingin at walang emosyong mukha ni General Leon ng marinig niya ang sinabi ni General Dale sa kaniya.







GENERAL LEON POV

Walang emosyon kong tinignan si Dale, "Bakit ngayon ka lang? Magdidilim na, ikaw dapat ang nagsasanay sa mga knights ngayon."

Bahagya namang napatawa si General Dale, "Pasensya na, pinatawag ako ng Duke may pinagawa lang sa akin"

Tinignan ko naman siya ng may kataka takang tingin, "Anong pinapagawa niya sayo?" Tanong ko sa kaniya

"May pinapatignan siya sa akin na isang mansion" Sagot nito sa akin na parang bagot na bagot pa.

Bahagya naman ako nagulat sa kaniya sagot, "Anong mansion?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit parang interesado ka yata sa inutos sa'kin ng Duke, General Leon?" Seryosong tanong nito sakin na may makikita kang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi.


Bigla ko naman naalala ang batang hinatid ko kanina.






THIRD PERSON POV.

F L A S H B A C K

Nang makarating na ang General sa mazon mansion habang karga ang bata sa kaniyang bisig.

"Nandito na tayo." Nakangiting ani nito sa bata at saka niya ito binaba.

Umupo siya sa harap nito para pantayan ito, "Pumasok ka na sa loob baka hinahanap ka na ng mga maids na nag-aalaga sayo." Nakangiti parin nitong sabi sa batang nasa kaniyang harapan.

Tumayo siya at hinawakan ang ulo ni Thera na may ngiti sa labi, nagtaka ito ng biglang yumuko si Thera kasabay nito ang paghawak sa kamay niya, "Magkikita po ba ulit tayo, Dada?" Tanong ni Thera habang nakayuko, mararamdaman mo sa kaniyang tinig ang lungkot.

Nagulat naman ang General sa tinawag sa kaniya ni Thera, nataranta lamang siya ng marinig niyang bahagya itong humihikbi kaya umupo siyang muli para pantayan ito.

"Magkikita tayo ulit, araw-araw ka ng dadalawin ni Dada dito kaya huwag kana umiyak. Tahan na, hindi dapat umiiyak ang isang anghel na gaya mo." Nakangiting saad ni General Leon kay Thera at saka nito pinunasan ang luha sa mukha ni Thera.

"Promise po?" Mamula-mulang ang pisnge nitong tanong sa General Leon dahil sa pag-iyak niya.

"Promise, babalik si Dada dito araw-araw para sayo" Sabi nito kay Thera at hinalikan pa niya ito sa noo.

Masigla namang ngumiti sa kaniya si Thera, "Hihintayin ko po kayo bukas na pumunta, ingat po kayo sa pagbalik" Masayang sabi Thera at hinalikan nito sa pisnge ang General Leon bago patakbong pumasok sa loob ng mazon mansion.

Kaya simula nung naglalakad siya pabalik sa training grounds ng knights ay hindi maalis alis sa labi nito ang ngiti at saya sa kaniyang mukha.

Hindi niya makalimutan ang masayang tagpo nila ni Thera.


F L A S H B A C K E N D



"General Leon?! Wala ka na naman sa iyong sarili!" Bahagyang sigaw ni General Dale, "Tinatanong ko kung bakit interesado ka sa inutos ng Duke sa'kin." Sabi ni General Dale sa akin

"Dahil ayaw ko makita mo ang ba-" Putol kong sabi sa kaniya baka kapag sinabi ko ang tungkol kay Thera sa kaniya ay baka magkaroon siya ng interest sa batang yun, hindi ako makakapayag!

"Ano?" Takang tanong ni General Dale sa akin, ngunit hindi ko na ito sinagot at naglakad na lamang palayo sa kaniya.

Habang naglalakad ako paalis ng training grounds, iniisip ko kung ano ibibigay ko sa munting angel na yun biglang regalo.

"General Leon" Rinig kong tawag sa aking pangalan kaya tinignan ko kung sino ito.

"Oh Sebastian, bakit?" Walang emosyon kong tanong sa kaniya, yumuko ito sa'kin bilang pagbigay galang.

"Nais kang makausap ng Duke" Pormal nitong sabi sakin, tumango nalang ako sa kaniya bilang tugon.

"Pangunahan mo" Sabi ko sa kaniya, sinunod naman niya sinabi ko kaya at sinundan ko na lamang siya.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa labas ng office ng Duke, "Duke Alaric, nandito na si General Leon" Anunsyo nito sa pagdating namin.

"Pasok" Utos ng Duke mula sa loob, binuksan naman ni Sebastian ang pintuan kaya pumasok na ako.

Nakita ko siyang abala sa pagsusulat, napansin ko rin na maraming nakatambak na papel sa kaniyang lamesa, "Anong kailangan mo? Bakit mo ako pinatawag?" Tanong ko sa kaniya kahit abala siya sa kaniyang ginagawa.

"Binabati ka ng emperor sa pagtagumpay mong depensahan ang kaharian kaya naman pinapaalam niya sa akin kung anong nais mong gantimpalang makuha." Sabi nito at saka tumingin sa akin.

"Wa-" Hindi natapos ang sasabihin ko ng biglang pumasok sa aking isipan ang batang anghel na nakilala ko kanina.

Si Thera, wala siyang pamilya kaya hindi naman siguro masama kung aampunin ko siya bilang anak ko.

"Kahit anong gusto ko, ibibigay ba ninyo?" Seryosong tanong ko sa kaniya, gusto ko alagaan ang batang yun.

"Walang impossible sa emperor, ibibigay niya kung anong gusto mo bilang gantimpala" Sagot nito sa akin.

"May gusto akong ampunin na bata" Daretsong sabi ko sa kaniya.

"Pag-aampon lang sa kaniya ang gusto ko" Dagdag ko pa.

"Hindi ko alam na interesado ka sa bata Leon, dati-dat-" Hindi ko pinatapos ang salita n'ya, "Ang batang yun ang nakakuha ng pansin ko kaya gusto ko siya ampunin para maging anak ko" Singit ko sa pagsasalita n'ya, bastos man kung titignan ngunit wala akong pakielam dahil parehas lang kami ng estado kahit isa siyang Duke.

"Kung ganun, sige ampunin mo na ang bata at kunin mo na, madali lang ang proseso ng pag-aampon lalo kung pabor naman dito ang emperor dahil ito ang magiging gantimpala niya sayo" Pag-sasangyon n'ya niya sa aking kagustuhan.










Lingid sa kaalaman ng duke na ang batang gustong ampunin ni General Leon ay ang batang inambandona niya sa mazon mansion kasama ang mga maids.

"Aasahan ko yan, salamat" Pagpapasalamat ni General Leon sa kaniya at nagbigay galang bago umalis sa opisina niya.

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon