CHAPTER 42

2K 103 18
                                    

Pagpasok nila Healer Hayu kasama ang iba niyang kasamahan sa templo bumungad sa kanila ang mga nagmamadaling healers.

"Anong ganap?" Isang tanong na binitawan ni Healer Hayu habang nagtatakang pinagmamasdan niya ang mga kapwa niyang healers din.

"Mas mainam kung pumunta na tayo kay pinuno upang malaman natin ang ganap dito sa templo." Sabi sa kaniya ng kaniyang katabi.

"Salamat Akari, tara na." Sabi ni Healer Hayu at tinuloy na muli ang paglalakad.

Habang naglalakad sila pa punta sa pinuno nila na pinuno ng kanilang templo, hindi nila inaasahan na makasalubong nila ang kanilang pinuno kasama ang taga basa ng propesiya pati na ang ibang nakakatandang healers.

"Oh, Hayu mabuti naka balik na kayo." Sabi sa kanila ng kanilang pinuno.

Lumapit sila Healer Hayu sa kanila at nabigay galang, "Kaagad kaming bumalik pagkatapos namin sa Palasyo." Wika ni Healer Hayu.

"Kamusta naman ang Empress?" Tanong sa kaniya.

"Maayos po ang lagay ng Empress." Magalang na sagot ni Healer Hayu.

Pumasok naman sa isipan ni Healer Hayu si Thera ngunit binalewala niya na lamang ito dahil sa ginawa nito ngunit hindi naman na siguro mahalaga kung hindi niya iyon ipaalam dahil inutos sa kanila ay ang sa Empress lamang.

"Mabuti naman kung ganun......tamang tama lang ang pagbalik niyo." Sabi sa kanila ng kanilang pinuno dahilan upang magtaka sila.

"Ano po bang nangyayari Pinuno? Tila nagmamadali ang mga kapwa namin Healers" Tanong ni Akari naunahan niyang magsalita si Hayu upang magtanong.

Sinenyasan naman ng pinuno nila ang taga basa ng propesiya.

"Sa sampong taon na wala tayong natatanggap mula sa mga diyos at dyosa ay ngayon nakatanggap tayo ng propesiya mula sa kanila." Balita sa kanila ng tagapag basa ng propesiya.

Labis naman ang kasiyahang naramdaman ni Healer Hayu, Akari, at ng iba pa nilang kasama na nasa kanilang likuran.

"Ibigsabihin, hindi tayo pinapabayaan ng ating diyos at dyosa. Patuloy pa rin nila tauong ginabayan." Masayang wika ni Akari.

"Tama ka, Healer Akari." Pagsang-ayon naman sa kaniya ng tagapag basa ng propesiya.

"Ano ng nilalaman ng propesiya?" Tanong ni Hayu sa tagapag basa ng propesiya.

"May espisyal na anak ng diyos at dyosa na pinagkaloob sa atin upang magdala ng pagbabago." Sagot nito sa kanila.

Anak? Anak na mula sa diyos at dyosa?

Ibigsabihin isa ring diyos o dyosa ang tinutukoy sa propesiya?

Mga tanong na namuo sa isipan ni Hayu ng marinig niya ang nilalaman ng propesiya.

"Sino po ang anak na tinutukoy sa propesiya?" Tanong ni Akari

Dismayado namang napa pikit ng mata sandali ang tagapag basa ng propesiya sa kanila.

"Hindi namin alam kung ano ang kaniyang pangalan o pagkakakilanlan, walang nakalagay sa propesiya." Sabi nito sa kanila.

"Paano po naman makilala ang batang nasa propesiya?"

"May palatandaan ang batang nasa propesiya, ang simbolo ng propesiyang libro." Sagot niya sa kanila.

Natigilan naman si Healer Hayu sa kaniyang narinig at muling pumasok sa kaniyang isipan si Thera.

Simbolo ng propesiyang libro?

Yung batang tinulogan namin kanina umilaw ang kaniyang balikat pagkatapos kong maramdaman ang pabalik ng kaniyang enerhiyang buhay.

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon