THERA POV.
kanina pa ako hindi ma komportable habang nakaupo sa higaan ko dahil ang daming tao dito sa kwarto kung saan ako ngayon.
Nandito ang tatlong Prinsipe, ang Emperor, at Empress.
Nandito din si Dada, hindi pa siya umaalis sa tabi ko simula nung nagasing ako tapos kani kanina lang ay biglang pumasok si Kuya Dale na para bang nababaliw dahil nag-alala daw siya sa akin.
At halos lahat ng maids na nakasama ko sa mazon mansion dati ay nandito rin sila.
"Thera sigurado ka ba na ayos ka na? Wala na ng masakit sayo?" Tanong sa akin ng Empress.
"Magsabi ka lang kapag may masakit pa sayo, ipapatawag namin kaagad ang mga Healers para gamutin ka." Sabi naman ng Emperor sa akin.
"Ginamot ba talaga siya ng maayos nung mga Healers na yun? Bakit mukhang mahina tigna pa ang Kapatid ko?" Reklamo ni Kuya Dale.
Napasapo nalang ako ng noo dahil sa mga tanong at sinasabi nila.
"May masakit ba sa ulo mo?" Nag-aalala tanong sa akin ni Dada na nasa aking tabi.
"Masakit ang ulo?!" Tarantang wika ni Kuya Dale kaya napunta sa kaniya ang atensiyon ko.
"Pabalikin ang mga Healers dito!" Utos niya kaya naman yung mga maids narantang sinunod ang utos niya.
"Pwede ba Dale, kumalma ka? Baka sayo pa na istress 'tong anak ko eh." Sabi ni Dada kay Kuya Dale at matalim niya pa ito tinignan.
"Nag-aalala lang ako sa anghel kong kapatid, paano ako kakalma ha?!" Reklamo ni Kuya Dale kay Dada.
"Tignan mo nga hindi pa siya ma–"
"Tama na po, ayos lang po ako hindi lang po ako sanay na maraming tao dito sa silid na nag-aalala dahil sa akin." Putol ko kay Kuya Dale baka magdabate sila ni Dada kaya pigilan ko na.
"Thera." Tawag sa akin ni Dada gamit ang malambot niyang boses.
"Patawad po kung pinag-alala ko po kayong lahat, patawad po." Nagiguilty kong sabi sa kanila sabay yuko at kagat sa aking labi.
Hindi ako nakatanggap ng tugon mula sa kanila matapos ko yun sabihin, nagulat nalang ako nang may yumakap sa akin.
"Hindi mo kailangan manghingi ng tawad Thera, ako dapat ang humingi ng tawad sayo dahil sa akin kaya ka nasa ganitong kalagayan." Rinig kong sambit ng Empress habang nakayakap sa akin.
"Alam mo, kung hindi dahil sayo baka wala na ako ngayon hindi ko masisilayan ang tatlong anghel na pinanganak ko. Maraming salamat Thera dahil ginawa mo ang lahat para iligtas ako, kaya sanayin mo ang iyong sarili na may maraming mag-aalala sayo dahil napaka buti mong bata." Sabi niya sa akin na unting unting nagpaluha sa akin.
"Maraming naghintay sayo na magising ka, maraming taong nagmamahal sayo at magmamahal sayo.......... maraming salamat dahil dumating ka sa amin." Sabi niya, napaka gaan sa pakiramdam ang mga sinabi niya.
Kumalas siya ng yakap at tumingin sa akin, "Tulongan mo 'ko magpangalan sa tatlo." Nakangiting sabi niya sa akin.
"Ah?" Tanging salita na lumabas na bibig ko dahil sa huli niyang sinabi.
"Wala pa pong pangalan ang tatlo?" Tanong ko sa kaniya.
"Hinintay kitang magising kaya wala pa silang pangalan diba sinabi ko sayo papangalanan natin sila?" Sabi niya na medyo may ma pang-asar na ngiti.
"Hindi sila marerehistro kapag wala silang pangalan." Dugtong niya na kinagulat ko.
Bakit kasi hindi nalang siya ang magpangalan sa kanila? Edi kasalanan ko kung hindi sila marehistro kapag hindi ko piniling manatili dito?
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...