CHAPTER 3

3.9K 136 7
                                    

Isang linggo na nakalipas ng dalawin ako ng kapatid ko, kuya pala.

Isang linggo na rin ang lumipas simula nung gabing may isang misteryosong boses na tumulong sa akin para magamit ang aking kakayahan.

At simula nung gabing yun hindi na sIya bumalik pa ang kakatanda kong kapatid para tignan ako, para laitin o sabihan ng pangit.

Nasa labas ako ngayon nakaupo sa isang baby chair na gawa lang yata sa isang kahoy pero maganda ang pagkakagawa dahil sa mga disenyo nito na naka ukit.

Isang himala ang sumanib sa katawan ni Ate Alyana dahil naisip n'yang ilabas ako para makalanghap daw ng sariwang hangin dito sa labas.

Lubos talaga akong nagpapasalamat sa kaniya na ilabas ako dahil talagang nagsasawa na akong nasa kwarto lang buong araw. Iniwan lang ako ni Ate Alyana dito dahil naglilinis pa daw sila, marami yata silang gagawin ngayong araw.

"Dito lang pala kita makikita." Rinig kong sabi ng kung sino kaya hinarap ko ito, nakita ko ang isang lalaki na kahawig nung isang lalaki na pinuntahan ako sa kwarto.

"Swino kwa?( Sino ka?)" Bulol kong tanong sa kan'ya sa halip na sagutin ang napaka simple kong tanong sakaniya ay lumapit lang ito sa akin na may ngising nakapaskil sa kaniyang labi.

"Hindi na ako nagtataka kung bakit lagi kang binabanggit ng aking nakakatandang kapatid, yun pala ay dahil sa taglay mong kakyutan." Sabi nito sa akin sabay hawak sa aking pisnge at pinanggigilan pa niya ito.

Ano naman pinagsasabi nun? Baka sinisiraan na ako nun ng hindi ko alam.

Patuloy pa rin ito sa pagpisil ng aking pisnge na siya namang kinainis ko.

"It-" Hindi natapos ang sasabihin ko na may nararamdaman akong isa pang taong papalapit sa pwesto namin.

"Itigil mo yan, Helios." Utos ng isang boses, nakita ko naman yung lalaking pumasok sa kwarto ko noon.

Oh, so dalawa na sila ngayon dito para guluhin ako?

Kita ko sa kaniyang mukha na labag sa kaniya ang ihintong panggigil niya sa pisnge ko pero nagawa niya pa ring bitawan ang aking pisnge para itigil.

"Anong ginagawa mo dito, Helios?" Walang emosyog tanong ng isa, hindi ko alam pangalan niya dahil hindi naman niya nabanggit sa akin nung pinuntahan niya ako sa kwarto.

Hays, Thera galit nga sayo ang mga yan.....malamang hindi nila sasabihin sayo ang pangalan nila.

"Curious ako sa hitsura ng kapatid natin kaya pumunta ako dito, eh ikaw kuya Hans anong ginagawa mo dito?" Sagot at tanong niya habang nasa akin pa rin ang paningin niya na may ngiting nakapaskil sa kaniya mukha.

"Hindi ko akalain na sa pagiging curious mo ay magagawa mo siyang puntahan dito, 'di ba kinamumuhian mo siya dahil sa kaniya namatay si mommy." Malamig nitong turan kay kuya Helios.

Inosente kong tinignan si Kuya Helios ng hawakan nito ang aking kamay, "Noon yun, iba na ngayon."Sabi nito habang nasa akin parin ang tingin na hindi parin nawawala ang ngiti.

May kung anong saya o sigla akong naramdam dahil sa sinabi niya dahil buong buhay ko sa dati kong buhay ay hindi ko pa naranasan makaroon ng kuya o nakakatandang kapatid.

"Siya ang pumatay kay mommy, Helios!" Sigaw ni Kuya Hans dahilan para magulat ako.

Epal, bakit ba sumisigaw pa siya? Kairita ah.

"Kahit na! Inosente s'ya at wala siyang alam sa nangyari!" Balik nitong sigaw kay kuya Hans.

"Diba ayaw na ayaw mo sa bata, at mas lalong ayaw mo sa kaniya dahil kung hindi lang sana siya pinanganak ni mommy ay buhay pa sana siya ngayon!" Galit ulit nitong sigaw sa kaniya.

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon