Chapter 20-Edited

2.8K 109 6
                                    

KALAGITNAAN NG GABI

Habang mahimbing natutulog si Thera sa malambot na kama nito ay siya namang biglaang pagbukas ng bintana sa gilid ng kama ni Thera ngunit may kunting kalayuan ito.

Kasabay sa pagbukas ng bintana ang pagpasok ng hindi gaanong kalakas na hangin kasabay nito ang pagyelo ng paligid dahilan para magising si Thera dahil sa nararamdaman niyang lamig.

Bumangon siya ngunit nakaupo lamang siya sakama habang kinukusot ang mga mata nito sa kaniyang pagkagising.

"Bakit sa ganitong oras mo namang naisipang magpakita ulit?" Tanong ni Thera na inaantok pa rin, ngunit walang kahit sinong makikitang tao maliban sa kaniya sa loob ng silid.

"Hoy, wag kang mag-invisible, para akong baliw na nagsasalita na hindi nakikita ang kinakausap ko." Iritang wika ni Thera kaya naman lumitaw ang taong biglaan pumasok sa kaniyang silid sa kalagitnaan ng gabi sa oras ng kaniyang pagtulog.

THERA POV.

Inaantok pa ako, gusto kong matulog pero paano? Eh may nilalang na talagang sa kalagitnaan pa ng gabi naisipang dumalaw.

"hay, buhay"

Tinignan ko naman ang pwesto niya na nakaupong nakalutang sa ere.

"Narence, napaaga yata ang paggising mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Sapat na ang pagtulog ko para mapalakas ang kapangyarihan ko." Ani 'ya habang naka cross arm na nakalutang pa rin.

Panandalian naman akong humikab, dala na rin ito ng antok, "Ibigsabihin, malaya mo ng magagamit kapangyarihan mo ng hindi ka naaapektuhan sa lakas ng mahika mo?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"Oo, magagawa ko ng maayos ang tungkulin ko bilang elemental spirit mo." Simpleng pagkakawika lang ngunit nababasa ko sa kaniyang mata ang dedikasyon sa pagiging elemental spirit niya.

Napangiti nalang ako ng maalala ko ang araw kung pano ko niya sinu-summoned ng araw na iyon, simula nun nanatili siya sa aking tabi para gabayan at turuan ako.










F L A S H B A C K

Three years old, Thera

"Atwe Alywana!" Tawag nito sa taong nag-aalaga sa kaniya na abala sa paglalaba sa mga maruruming kasuotan nila.

Pagod man sa ginagawa ngunit nakangiting nakatingin sa batang kakarating lang sa kaniyang pwesto.

"Ano yun munti naming prinsesa?" Tanong niya sa batang halos mapunit na ang mukha dahil sa laki ng ngiti nito sa kaniya.

L"Maglalabwa din po ako." Lakas loob nitong sagot sa kaniya na siyang ikina buntong-hininga ni Alyana kay Thera.

"Magbabasa at paglalaroan mo lamang ang tubig, Thera."

Napasimangot naman si Thera sa narinig niyang sabi sa kaniya ng Ate Alyana niya.

"Aliwin mo na lamang ang iyong sarili, maglaro ka. Hindi pwede sayo ang ganitong gawain dahil bata ka pa." Ani ni Alyana kay Thera, napatango nalang sa kaniya si Thera bago lisanin ang lugar na iyon.

Habang naglalakad nakarating na siya sa likod ng mansyon hanggang sa nakapasok na siya sa loob ng kagubatan, samantalang siya ay abala sa pag-iisip ng kung ano ano.

"Ano bang pwedeng gawin ngayon?" Tanong ni Thera sa kaniyang sarili.

"Hindi ako pinayagang tumulong sa kusina dahil baka daw mapasok ako hays, hindi rin ako pinayagang maglinis dahil naman baka daw marumihan ako." Pagmamaktol ni Thera.

Napahinto siya pagkatapos niyang magmaktol tungkol sa mga nais niyang gawin para tumulong ngunit hindi naman siya binibigay ng permiso na tumulong sa mga gawain.

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon