CHAPTER 6

3.4K 144 1
                                    


K I N A B U K A S A N

GENERAL DALE POV

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang mazon mansion para tignan kung may tao pa bang naninilbilhan sa mansion na yun.

F L A S H B A C K

"Dale, may ipapagawa ako sayo." Sabi ng Duke habang nakatutok pa rin siya sa mga ginagawa niya.

"Ano?" Tanong ko sa kaniya

"Gusto ko na tignan mo ang mansion na inambandona ko, ang mazon mansion. Ireport mo sa akin kung may tao pa bang nandoon pa rin hanggang ngayon." Utos niya sa akin.

Nagtaka naman ako sa utos niya sa akin dahil sa tagal na ng panahon na inambandona ang lugar na yun ay ngayon lang niya naisipan alamin kung ano ang nangyari sa lugar na yun kung may tao pa bang nagtatrabaho doon.

"Simula nang namatay ang duchess sa hindi namin malaman kung ano ang dahilan, matagal mo ng inambandona ang lugar na yun pati na ang mga naninilbilhan doon, anong d-"

"Gawin mo nalang ang pinapagawa ko, Dale "Walang emosyon nitong putol sa aking sinasabi, ramdam ko ang paglakas ng awra niya.

Nainis ako sa pagputol niya sa sasabihin ko kaya naman pinalakas ko na rin ang awra ko at seryosong tumingin sa pwesto niya, "Kilala mo ako, Alaric. Ang ayaw ko pa sa lahat ay ang pinuputol ang sinasabi ko." Hindi ako nakatanggap ng salita mula sa kaniya kaya na pa buntong-hininga nalang ako at umalis nalang sa opisina niya


E N D O F F L A S H B A C K.



Kahit na ayaw ko sundin ang pinapagawa niya ay ginawa ko pa rin dahil nagtataka ako kung bakit naisipan niyang patignan ang mansion na matagal na niyang inambandona.

Pasimple akong nagtatago sa mga puno para tignan ang nasa loob ng mansion, labis kong pinagtataka na maayos ang mansion at ang mga halaman na noong pinagkakaalabahan na alagaan ng Duchess ay buhay parin hanggang ngayon.

"May nakatira pa dito?" Tanong ko sa aking isipan.

Tuloy-tuloy pa rin ang paglakad lakad ko sa paligid.

"Sino po kwayo?" Gulat akong napatingin ko sa likuran ko dahil wala akong naramdam na presensya o yapak manlang para malaman ko na may tao sa aking likuran.

Napatulala na lamang ako ng makita ko ang batang nasa harapan ko ngayon. Silky silver hair, mala nyebe ang puti at kagandahan nitong taglay lalo na sa mata nito na mas lalong bumagay sa kan'ya.

Crimson eyes, nakap-gandang bata.

Kanino kayang anak 'to?

"Kuya?" Napabalik nalang ako sa aking sarili ng tawagin ako nitong kuya na naglambot sa akin dahil sa boses nito at sa inosente nitong tingin, hindi ko namalayan na nakangiti na pala akong nakatingin sa kaniya.

"Anong ginagawa ng batang kagaya mo rito?" Tanong ko sa kaniya at saka siya binuhat.

"Dito po ako nakatira, ikaw po anong ginagawa mo dito?" Nagtataka nitong tanong sa akin pabalik.

"May tinignan lamang ako dito" Nakangiting sagot ko sa kan'ya

"Totoo bang dito ka nakatira?" Tanong ko sa kaniya.

Tumango ito sa akin, "Opo kasama ko po ang mga maids dito sila po nakatira at nag-aalaga sa akin dito" nakangiting ani 'ya sa akin.

"Kung ganun, anong ginagawa mo dito sa kakahuyan, delikado lalo na at mag-isa ka lang mabuti nalang ako ang nakakita sayo" Sabi ko sa kaniya habang karga-karga ko siya, may nahagip akong isang mauupuan kaya pumunta ako doon at saka ko siya nilapag paupo.

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon