Pagkatapos kong ibigay ang mga ginawa kong candy hindi na ako nagtagal pa doon, kasalukuyan kaming naglalakad ni Ate Alyana para puntahan ang library dito ni Dada.
Habang naglalakad kami papuntang library napansin ko ang isang tao na malayo sa amin na naglalakad sa aming harapan.
Pinaliit ko ang aking mata para maaninag sa kalayuan kung sino ang taong makakasalubong namin, nang makikilala ko kung sino iyon mabilis akong tumakbo palapit sa kaniya.
"Kuya Dale!" Sabik kong tawag sa kaniya
Nakita ko naman ang pagkabigla niya nung siya ay tinawag ko.
Pagkalapit ko sa kaniya nakangiti siyang sinalubong ako at kaagad niya akong kinarga.
Panandalian niyang dinampi ang daliri niya sa aking ilong, "Delikado ang ginawang mong pagtakbo, hinayaan mo nalang sana ako na makalapit sayo...wag mo yun uulitin ah?" Pangangaral nito sa akin.
Bumungisngis naman ako sa kaniya bago tumango bilang pagpayag sa kaniyang gusto.
"Sorry Kuya Dale, hindi na po uulitin."
Napangiti naman siya sa akin, "Saan ka ba galing? Ito yung daan papuntang training grounds ng Dada mo ah." Tanong niya sa akin.
"Doon po ako galing Kuya, hinatid ko po kasi yung candy na ginawa ko po." Sagot ko sa kaniya.
"Candy?" Takang tanong niya.
"Candy po, isang matamis na pagkain." Sabi ko.
"Ngayon ko lang narinig yan."
Tumango ako sa kaniya, " Gawa ko po Kuya."
Kahit hindi naman, pasensya na sa naka imbento, gagamitin ko na muna >.<
"Ohhh, Ang galing naman ng baby ko." Pagpupuri niya sa akin habang pinipisil pisil ang kanang pisnge ko.
"Meron pa ba? Gusto kong tikman ang gawa ng prinsesa ko."
Nag-aalinlangan naman akong napangiti sa kaniya, "Ano kasi, ahmmm"
"Ubos na Kuya." Sabi ko habang bahagyang kinakamot ng daliri ko ang aking pisnge.
Para namang tangang hindi makapaniwalang nakatingin si Kuya Dale sa akin dahil sa sinabi ko.
"G-Gagawan nalang po kita sa susunod Kuya, sorry sakto lang po kasi nagawa ko hehehe."
Rinig ko naman ang malalim niyang paghinga, "Gusto kong matikman yan, kaya siguraduhin mong matitirhan ako ha baby?"
"Opo." Nakangiting pagpayag ko sa kaniya.
"Saan ka nga pala pupunta?" Tanong niya sa akin.
"Niyaya ko po si Ate Alyana na punta kaming library para magbasa ng libro." Sagot ko sa kaniya at tinignan si Ate Alyana na nasa harapan na pala namin.
"Marunong ka na palang magbasa?" Tanong niya na ikinatigil ko sandali.
Patay
"Tinuruan po namin siyang mabasa at magsulat, General Dale." Magalang na pagkakasabi ni Ate Alyana.
Naging kampanti naman ako dahil sa sinagot ni Ate Alyana kay Kuya Dale.
"Kung ganun may kakayahan na siyang pag-aralan ang kahit anong uri ng babasahin na akma sa kaniyang edad?" Tanong ni Kuya Dale kay Ate Alyana.
"Opo General, may angking katalinuhang taglay si Princess Thera kung kaya't pati mahihirap na aralin ay kaya niyang unawain." Sagot ni Ate Alyana sa kaniya, nahihimigan ko sa kaniyang boses ang pagiging mapaglaki nito lalo na't nakangiti siya habang sinasabi iyon kay Kuya Dale.
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...